3: Crépuscule Park Grove

137 40 28
                                    

Ilang minuto ang lumipas narating namin ang bahay ko. Malapit lang kasi 'yong convenience store dito dinaanan ko lang iyon noong galing ako sa trabaho.

"Andito na tayo." Sabi ko kay Zach.

Lumabas ako sa sasakyan na ipinarada ko sa tapat ng aking bahay lumabas din si Zach at pinagmasdan ang bahay mula bubong hanggang sahig.

Binuksan ko ang gate ng aking bahay upang ipasok ang kotse sa garahe.

"Ipapasok ko lang 'yong kotse ko." Sabi ko sa kanya.

Nang maiparada ko na ang kotse, pinapasok ko si Zach na hanggang ngayon ay nakatayo parin sa tapat.

"Halika, wag ka mahiya." I said.

Without giving any reaction pumasok siya mula sa gate and I closed it. We face the wooden door of my house and I put the key on the lock and turn it. Pagbukas ko sumalubong sa amin ang pomeranian breed kong aso. Gumalaw-galaw ang buntot nito na parang sabik sa pagdating ko.

"Ruubbyyy!" Binuhat ko siya at niyakap, tumawa ako ng dinilaan niya ang aking mukha.

"Ano Ruby?! Kamusta?! Gutom na ba baby ko ha? Ruby ko! Ruby ko! Andito na si mommy!" Itinigil ko ang paglambing kay Ruby at tumingin kay Zach.

"E'to nga pala ang aso ko si Ruby." Sabi ko kay Zach.

Noong una ay tiningnan ng tahimik ni Ruby si Zach at kinalaunan ay gumalaw ulit ang buntot nito. Nakakapagtaka na di tinahulan ni Ruby si Zach madalas kasi ng di niya kilala ay tinatahulan niya. Baka magaan na agad ang loob ni Ruby kay Zach.

Hinawakan ni Zach ang ulo ni Ruby at niyapos ito. Si Ruby ay nakadila lang at parang masayang-masaya. Happy ka Ruby? Happy?

"Hi Ruby, I'm Zach." He said in a low tone.

Aww how adorable!

I giggle then said.

"Tara sa loob." Zach nodded his head and we went inside.

Umupo si Zach sa couch na meron ako sa sala. Binaba ko si Ruby at as soon na binaba ko siya tumakbo siya kay Zach. Umakyat si Ruby sa couch katabi si Zach at nilaro niya ang sleeves ng hoodie nito. Hinayaan lang ito ni Zach at pinagmasdan.

"Uhm mamaya na kita ito-tour sa bahay, Zach maghahanda muna ako ng makakain." Tumango siya.

Pumunta ako sa kusina at naghanap ng pwedeng pagkain. Binuksan ko ang isang cabinet kung saan ko niistore ang mga stock ko ng pagkain. Wala akong nakitang pwede ihain kay Zach, naubusan na yata ako ng pagkain ang meron lang sa cabinet ay tatlong delata, isang dried mango pack, isang ding pack ng gummy worms, mahilig kasi ako doon at dalawang pack ng canton may kasama pang dalawang langaw. Kinuha ko yung canton at tiningnan ang expiry date.

"Bwiset dalawang buwan na pala tong expired ba't nandito parin sa kabinet?" Itinapon ko ang mga canton sa basurahan at isinarado ang walang kwenta kong cabinet. Pero mailinis naman ang kusina ko, wala nga lang laman.

Pumunta ako sa fridge at binuksan ito. Merong kalahating tray ng itlog, letuce, milk na panis, ketchup at mga bote ng tubig. I sigh, di kasi ako nagluluto kaya walang kwenta mga laman ng stock containers ko. Hindi ko na rin naman nakuha ang mga pinamili ko kanina dahil nadumihan na ang ibang pagkain at nahulod sa katabing kanal ng iskinita. Bad trip.

I get four eggs and close the fridge. I just decided to make omelet eggs since itlog lang naman kaya kong lutuin. Hindi ako chef okay?

I mean I can cook naman pero mga fried nga lang, prito-prito lang gano'n.

Noong isang beses nga na gusto ko gumawa ng adobo nagigisa palang ako sunog na 'yong sibuyas at bawang, e.

Matapos ang ilang minuto tapos na ako magluto dinala ko ang omelet eggs with rice sa sala kung nasaan si Zach. Nilapag ko ito sa mesa sa harap ng couch kasunod ng iced tea at tubig.

When Twilight Comes [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon