15: Collaboration

48 18 32
                                    

Allison

Ang saya saya ko...habang nakaupo sa passenger's seat ng sasakyan at pinagmamasdan ang iniibig ko sa kabilang upuan, sa driver's seat. Napakagwapo talaga ng lalaking iyon, napakagwapo ng boyfriend ko. Hindi lang siya gwapo kasi matalino din siya at mapagmahal kaya mahal na mahal ko siya.

Nakangiti ako habang nakatingin sa kanya at siya naman ay pilit na sumusulyap sa akin kahit na kailangan n'ya tumingin sa daan kasi nagmamaneho siya.

"Tumingin ka sa dinadaanan mo."

Hindi siya nakinig sa akin, pilit niya nililingon ang ulo niya para lang makita ako.

"Gusto ko makita ang maganda mong mukha, Allison."

Tumawa naman ako sa kanya.

"Binobola mo naman ako, e."

Tuluyan siyang tumungin sa akin ng walang pakundangan kung mababangga pa kami.

"Mahal na mahal kita, Allison."

Ngumiti ako sa kanya. Magsasalita na sana ako pabalik sa kanyang papuri pero bugla nalang...nabangga kami.

Muntikan na kami makahagip ng isang sasakyan kaya agad n'yang iniliko ang manubela at dumeretso ang aming sasakyan sa isang malaking puno. Atsaka ko naman naramdaman na nanghihina ang katawan ko at unti-unting nawala ang aking paningin hangga't sa mahimatay ako mula sa aksidente.

***

Gumising ako mula sa masakit na ulo at katawan. I open my eyes, nakita ko nasa isa akong sasakyan sugatan ako at nanghihina. Nakaupo ako sa passenger's seat at I can see a lot of blood.

Tumingin ako sa driver's seat at may nakita akong lalaki. Looks like the same age as me. He is my lover, sugatan din siya at nanghihina. Madaming dugo sa kanyang ulo at katawan. Binuksan niya ang kanyang mga mata at tumingin sa akin, ngumiti siya sa akin. Pero maya maya lumabas siya ng kotse. Medyo blury ang sumunod kong nakita at tanging alam ko lang ay papalayo na sa akin ang boyfriend ko. Mula sa malabong paningin nakita ko ang aking boyfriend na umalis at lumayo mula sa sasakyan kung saan nandon ako.

Iiwanan niya ba ako? Bakit siya aalis nang hindi manlang ako nililigtas?

"'Wag mo ako iwan." Bulong ko habang naghihingalo.

Hindi manlang siya bumalik, hindi manlang siya lumingon pabalik, bakit niya ako iiwan?

"Iligtas mo ako."

Muli akong bumulong. Pinilit kong bumulong kahit na wala na akong hininga. Pero...hindi niya ako binalikan, hindi niya ako niligtas. Akala ko mahal niya ako? Pero bakit hindi niya ako kayang iligtas? Unti-unti nadin nanlabo ang paningin ko pero pinilit kong manatiling gising.

"'Wag mo ako iwan."

Wala...walang bumalik para iligtas ako.

"Please."

Gusto kong manatiling buhay hangga't sa...mawalan ako nalang ako ng malay.

"'Wag mo ako iwan."

"'Wag mo ako iwan."

***

"'Wag mo ako iwan!"

Agad na nagising ang diwa ko at naramdaman ko nalang na kusang umupo ang aking katawan mula sa pagkakahiga sa aking kama.

Panaginip? Panaginip lang iyon? Huminga ako ng malalim matapos magising sa aking panaginip. Tsaka ko narin napansin na pawis na pawis pala ako, akala ko kasi namatay talaga ako.

Hinawakan ko ang aking puso at napansing ang bilis din ng tibok nito. Bigla ko namang din naalala ang panaginip ko, muntikan daw ako mamatay atsaka may nangiwan sa aking lalaki mula sa aksidente.

When Twilight Comes [On-Going]Where stories live. Discover now