10: Accident

68 32 9
                                    

Trigger Warning: This chapter contains dying, blood, crashes and harm that may not be available to sensitive readers. Read at your own risk.

Kanina pa ako nagdridrive papunta sa bahay ko. Kailangan kong iligtas si Zach. Hindi siya pwedeng mamatay. Hindi siya pwedeng magsuicide, isa akong doktor na obligasyong tulungan ang isang nangangailangan kaya kailangan ko siya pigilan sa binabalak niya. Pero hindi lang pala siya ang kailangan kong tulungan. Kailangan din ako ni Coleen, kailangan ko din siyang iligtas. Sa sobrang gulo na kung sino ang uunahin ko, pinagisipian ko nalang na unahin si Zach. Mas malapit na siya sa panganib ngayon at hiling ko na sana naman makayanan nila Nurse Lorie na i-handle si Coleen.

Habang nagdridrive ng mabilis, kanina pa nagriring ang phone ko. Tinatawagan kasi ako nila Nurse Lorie para kay Coleen kaso kailangan ko talaga puntahan si Zach. I-handle n'yo muna si Coleen, Nurse Lorie.

Pinabilis ko pa ang andar ng kotse ko hangga't sa malapit na ako sa village kung saan nakatayo ang bahay ko. Sobrang lapit ko na nang magvoice message si Nurse Lorie. Binuksan ko 'yon at nakinig. Pero huli na ang lahat, bigla nalang akong hindi nakapagsalita.

Lorie

"Coleen!!"

Kanina pa siya nagwawala sa kwarto niya, pilit namin siyang pinapakalma pero hindi siya natinag. Gusto niyang makita si Dra. Thompson sa tabi niya pero pagmulat ng mga mata niya kanina ay wala si Dra. Thompson. Sobra na siyang nagwala at hindi na namin siya mapigilan. Hindi siya matinag mula sa pagsumpong ulit ng sakit niya.

Ilang tawag narin ang nagawa ko sa phone ni Dra. Thompson pero hindi niya 'yon sinagot. Bakit kaya hindi niya sinasagot 'yon? Napaka importante ng sitwasyon ni Coleen pero mas naisip niya pa pumunta sa kung saan-saan. Noong una ko siyang tinawagan ay nagsorry lang siya na hindi niya mapupuntahan si Coleen, kasabay no'n ay pinatayan niya ako ng phone.

"Coleen!! Come back here!!"

Hingal na hingal na kami nila Dra. Mendoza sa paghabol sa kanya. Ngayon kasi ay nakawala siya sa kwarto niya at hinahanap ngayon si Dra. Thompson sa buong ospital. Umiiyak siya at nagwawala. Tumatakbo siya ng tumatakbo para lang mahanap si Dra. Thompson. Pinagtitinginan na rin siya ng mga tao, tumawag narin kami ng security para hindi hayaang palabasin ng ospital si Coleen.

"Asan na ba si Dra. Thompson!?"

Tanong ni Dra. Mendoza habang tumatakbo kami.

"Hindi niya po sinasagot ang tawag ko."

Bumuntong hininga nalang si Dra. Mendoza noong sinabi ko iyon.

Hinabol namin ng hinabol si Coleen hangga't sa matanaw namin siya malapit na sa exit ng ospital.

"Wag n'yo siyang palalabasin!!"

Huli na ang lahat nang isigaw iyon ni Dra. Mendoza.

Tinulak kasi ni Coleen ang security doon at tuluyan nang lumabas. Hinabol parin namin siya pero hindi parin namin maabutan. Nakikita ko na habang tumatakbo si Coleen ay umiiiyak siya. Hindi niya ma-control ang sarili niya sa kasamaang palad.

Nasaan na ba kasi si Dra. Thompson?

Nang malapit na sana kami kay Coleen bigla siyang tumakbo nang mabilis papunta sa kalsada. Habang tumakbo siya roon ay saktong may paparating na humaharurot na sasakyan. Nanatili siya sa gitna at tumingin sa paligid at tila hinahanap si Dra. Thompson. Kailangan niyang umalis doon.

Nasa gitna parin ng kalsada si Coleen at agaran ding namin siyang tinakbo para maaalis sa kalsada at nawa'y di mabangga ng humaharurot na sasakyan. Akala namin magagawa namin siyang iligtas pero...

When Twilight Comes [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon