8: Pressured

74 36 6
                                    

"Coleen?"

Madaling araw palang nang umalis ako sa bahay at hanggang ngayon ay madilim parin ang langit. Pumunta ako sa second floor ng ospital upang bisitahin ang kwarto ni Coleen sa Room NO. 143. Gusto ko lang sana tingnan kung nakaayos na ang lahat doon para komportable ang pananatili dito ni Coleen. Pero nagulat nalang ako nang nakita ko si Coleen sa loob na naka uniform na ng pasyente, nakaupo sa hospital bed at ready na sa kanyang pananatili.

Masyado ba siyang na-excite sa pananatili niya dito? Bakit sobrang aga naman yata niya? Nauna pa siya sa akin.

"Hi, Dra. Thompson. Ready na po ako sa pananatili ko dito."

Halata nga.

"Ang aga mo yata masyado?"

"Excited na po kasi ako sa mga tests at treatments, hindi na po ako makapaghintay gumaling."

I gave her a fake smile. Kitang kita sa mga kilos niya na desperada siyang gumaling. Sa tono ng excitement niya ay mas lalo akong na prepressure. Parang sa mga tingin nila hindi sila nag aalinlangan na hindi ko mapagtatagumpayan ang bagay na ito at ako naman dito ay nag ngangamba. Natatakot kasi ako baka hindi ko siya mapaggaling. Dalawang hindi biro na sakit ang pinagtutuunan ko ng pansin ngayon. Nalilito na rin ako kung sino ang uunahin ko. Hindi nga rin ako masyadong nakatulog kagabi kasi iniisip ko kapag nasa tabi ako ni Coleen paano si Zach? At pag nasa tabi ako ni Zach paano si Coleen?

"Alam mo po, Dra. Thompson alam kong papagalingin niyo ako kasi naturingan kayong God Doctor that never fails."

Sino naman gumawa sa pambansag na 'yan? Ano ako? Perfect? God Doctor? At Never Fails? Nagkakamali rin naman ako bakit may never fails?

Mas lalong nakakapressure. Ini-expect nila na hindi ako natatalo o nabibigo pero isa lang akong hamak na ordinaryong tao. Nabibigo rin ako pero 'yong turing nila sa akin perfect kaya hindi sila nag aalinlangan sa mga bagay na gagawin ko.

Paano na lang pag nagkamali ako grabeng hiya 'yon at makawalang tiwala. Bakit kasi ang taas ng expectations nila sa akin?

Nakakapressure.

Tumingin sa akin si Coleen ng seryoso. Nakita ko talaga sa mga mata niya ang pagkadesperada nang may buong tiwala.

"Dra. Thompson, gagaling lang ako kung nandito ka sa tabi ko at binabantayan ako 24/7."

24/7? Parang nabingi ako ng marinig ko iyon. B-bakit 24/7? Hindi naman buong araw ang duty ko dito. At paano nalang si Zach? 24/7 ko rin siyang di mababantayan? Hindi ako mapapakali n'on. Kailangan ko ding alagaan si Zach. Hindi ko pa nga siya nasisimulan ng mga tests, e. Nakakapressure talaga.

"C-Coleen wag ka mag alala may mga co-doctors naman akong kasama, pag wala ako sila ang magbabantay sayo."

Sinabi ko sa kanya.

"Ayoko sa kanila, gusto ko sa high ranking hindi ako mapapakali kung hindi mo ako babantayan."

Nakita ko na medyo nagalit si Coleen. Sa mukha niya hindi talaga siya papayag na iba ang magbantay. Gusto niya ng mataas ang tingin ng iba at may ranking. Gold oriented at magandang performance ang gusto niya. Hindi naman lahat ng iyon ay ako. Pagdating sa mga first time kong experience katulad nito ay natatakot ako. Hindi ko kasi alam ang gagawin kaya hindi ko alam kung paano i-hahandle.

Bumuntong hininga na lamang ako. Sana hindi niya makita ang pag aalala sa mukha ko. Sana hindi halata ang pag aalinlangan ko. Pawis na pawis na ako sa kaloob-looban sa pressure na nadarama. Hindi maluwang ang aking pakiramdam. Pakiramdam ko ay may mga matang nakatingin sa akin ng merong napaka taas na expectation, walang pag aalinlangan at may buong tiwala.

When Twilight Comes [On-Going]Where stories live. Discover now