23: Forbid the Feelings

18 5 0
                                    

From: Your cute Doctor
To: Mr. Hoodie

'Nagcommute ka? Asan ka na?'

Matapos ko iyon i-text kay Zach binalik ko na ulit ang aking phone sa bag at pinagmasdan ulit ang araw na malapit na lumubog mula sa dulo ng tanawin dito sa hill ng Crépuscule.

Medyo natagalan kasi siya. Siguro traffic din o kaya naman may dinaanan. Ano naman kaya dinaanan no'n?

Pinalitan ko na rin ang nickname naming dalawa sa contacts kasi wala lang. Ang cute lang pag may nickname kami at hindi masyadong formal. Parang hindi naman kami nakatira sa iisang bahay.

Nagintay pa ako ng ilang minuto dito sa park habang nagaalangan din dahil baka hindi maabutan ni Zach ang sunset. Malapit na kasi lumubog iyon. Kulay pink na may pagka purple naman ang langit at malamig ang simoy ng hangin.

Pero maya-maya ay napangiti naman ako nang masulyapan ang papalapit na Zach 'di kalayuan mula sa kinaroroonan ko.

"Hi Zach!" Bati ko sa kanya ng may ngiti at kumakaway pa. Bahagya lang naman siyang ngumiti sa akin at tumango nang makalapit.

Sabay kaming lumapit sa pinaka dulo pa ng hill, sa bandang may railings at doon nagpahinga.

Ang hangin ay pumapalo sa aming buhok at balat na mas lalong tumutulong para maging aesthetic ang tanawin. Sakto din naman na lumapit na rin ang ibang namamasyal sa park malapit sa railings at saka nagpicture sa langit.

Napaka ganda nito. Maaliwalas, nakakabighani at nakakagaan ng loob. Hindi ko alam kung gaano ako kasaya tuwing nasisilayan ang sunset. Kahit saang lugar pa 'yan, ma-pa beach or city, I love those. Sa tingin ko kasi, sa mga times na pagod ako mula sa trabaho, ito ang aking get-away pill. I feel like it is lifting me up from where I'm standing which is worn out and letting me fly through the sky of hope and carefree.

Mas lalo pang nagpapagaan ng loob ko na may kasama akong manood ng sunset. Okay lang naman sa pakiramdam na mag-isa ako like what before but today just felt different. Mas masarap sa pakiramdam na may kasama ka.

Sumulyap muna ako sandali sa kanya at nakitang nakatingin lamang siya sa araw na nagbabadya nang lumubog.

Side view, gwapo. Front, gwapo. Likod, gwapo. Bakit ba kasi ang gwapo niya?

Bakit parang 'yong mukha niya ay mas maganda pang scenery kaysa sa sunset?

Ay ano ba 'to! Ano na naman ang iniisip ko. Oo, gwapo si Zach 'yon lang 'yon pero wala pa ring tatalo sa get-away pill ko. 'Di ba?

"Do you want something to eat?" Wika niya na nagpabalik sa aking sarili. Nakatingin na din siya sa akin.

"Mamaya na. Baka pag bumili pa tayo, hindi na natin makita ang sunset." Sabi ko habang umiiling. Tumango lang naman siya at binalik ang mata sa tanawin.

"It's beautiful."

"H-huh?" Tanong ko nang may pagtataka. Sino daw 'yong beautiful? Baka may ibang iniisip 'to ah.

"The sunset." Aniya. Ah, 'yong sunset pala. Akala ko may ibang babae siyang iniisip.

"Syempre beautiful talaga ang sunset 'no? That's my favorite scenery." Sabi ko nang mabalik ang tingin sa araw na ngayon ay nagmamarka na ng isang magandang tanawin.

Palubog na ito at i-ginuguhit na ang magpapakislap sa aking mga mata. Kyaa, ang ganda talaga!

The cold wind breeze continue to thump on our skin to make the topography even more aesthetic and calm. Along with the clouds, purple-pink sky, sun and the moon, they made another history of their unforgettable painting. It is like their closest bond to friendship and those subjects suits together pretty well.

Hai finito le parti pubblicate.

⏰ Ultimo aggiornamento: Feb 01 ⏰

Aggiungi questa storia alla tua Biblioteca per ricevere una notifica quando verrà pubblicata la prossima parte!

When Twilight Comes [On-Going]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora