2: Hidden Patient

155 44 22
                                    

"Aray." He hissed

"Tiisin mo nalang parang kinakagat ka lang naman ng langgam, e."

Dampi lang naman ng polysporin ang ginagamit ko para sa sugat niya. At wag kayo magreklamo dahil polysporin lang ang meron ako dito sa kotse. Okay na din 'yon para sa wound and cuts niya.

Para sa akin, di rin naman ganoon kasakit ang gamot na 'to. Parang kinakagat ka nga lang ng langgam.

"Loko loko talaga 'yong mga lasing 'yon." Punto ko sa nangyari kanina.

Di ko rin naman kasi alam na may mga masasamang loob pala sa lugar na 'yon at saka do'n ako nadala ni Mr. Hoodie na 'to. Tuloy 'yan, nabugbog pa tuloy siya at dumami pa ang sugat.

Matapos din ang kanina ay isinama ko siya dito sa loob ng kotse ko. Ngayon ay nakaparada ito sa gilid ng kalsada malayo-layo na sa iskinita kanina. Para lang magamot ko ang mga sugat niya, kinailangan ko rin na magpa-awa para lang sumama siya sa akin. Hindi madali na pilitin 'tong si Mr. Hoodie lalo na't una palang na pag-uusap namin ay malamig na ang pikikitungo niya. Pero buti nalang napilit ko siya kung hindi baka umabot sa point na sumabit na ako sa binti niya para lang di umalis.

Nagpatuloy pa ako sa pagdampi ng huling bulak sa sugat niya sa braso pero nakita ko na nakalingon na pala ang mukha niya sa akin. Hays, bakit kasi di ko pa rin makita ang mga mata niya. Di ko tuloy alam kung diretso siyang nakatingin sa'kin.

He's still looking so mysterious under his hood and hair blocking his eyes. Every minute nararamdamn ko na malalim ang tingin niya sa akin pero ngayon parang mas malalim pa.

Bakit? May ginawa ba 'ko sa kanya? Ginagamot ko lang naman 'yong sugat niya, e.

"Bakit mo 'ko sinundan?" Tanong niya habang malalim pa rin ang tingin sa akin.

Iyon ba ang dahilan kung bakit mukha din siyang galit sa ilalim ng hoodie niya?

Bago magsalita ay binaba ko muna sa ang bulak na ginamit ko sa sugat niya kasama ang iba pang panggamot.

"Gusto kasi kitang tulungan." Tangi kong sagot. Kumunot naman agad ang ekspresyon niya na tila hindi kumbensido sa dahilan ko.

"I'm just so willing to heal you. Not only the wounds you got today pero gusto ko din pagalingin ang sugat sa puso't isipan mo." Hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha niya matapos ang dugtong ko.

"What do you mean?" He asked looking confused.

Bumuntong hininga ako at kinuha ang kamay niya. Hinila ko ang manggas ng hoodie niya gamit ang isang kamay para makita ulit doon ang dalawang guhit sa kanyang pulso. Tiningnan ko siya na ngayon ay nakatingin sa sugatan niyang pulso.

"Are you okay?"

Taos puso at malalim kong tanong. Gusto ko iparamdam sa kanya na ang tanong kong iyon ay seryoso at totoo. Truthfully concern about the true feelings and emotions his having generally in the mean of time.

He is not. He is not okay.

"Alam kong may pinagdadaanan ka ngayon. Unang kita ko palang sa iyo alam ko na kailangan mo ng tulong, kausap, at pwedeng kaagapay sa...lungkot."

I felt his gaze glowers and having a little guilt in his barely half face. Pero kahit na ganoon, mas umiiral pa rin ang lalim ng tingin niya. Furiously.

When Twilight Comes [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon