14: Meet Up

80 24 36
                                    

May kumatok sa pinto ko, for sure si Zach na 'yon. Kailangan ko ba talagang patulugin siya sa kwarto ko? Hays, kailangan nga. Para hindi na niya masaktan ang sarili niya tuwing gabi, kailangan ko siya bantayan. Kailangan niya matulog sa tabi ko. Tiis-tiis nalang.

Pumunta ako sa pinto ng aking kwarto at pinagbuksan si Zach. Bumungad sa akin ang kanyang presensya at naka-hoodie na naman siya. May dala din siyang isang unan atsaka ang kanyang phone.

"Pasok ka."

Tumabi ako ng bahagya sa gilid para bigyan ng daan si Zach. Pumasok din naman siya atsaka ko isinara ang pinto. Nakita ko si Zach na nanatili muna sa gitna ng kwarto ko habang inililibot ang paningin sa buong kwarto. Lumapit ako sa kanya tsaka kinausap.

"Malaki naman 'yong kama ko kaya kasya tayo. Kung ayaw mo ako katabi sa sofa nalang ako."

Bigla siyang umiling nang mapatingin din sa akin.

"'Wag na, tabi nalang tayo."

Tabi? Bakit parang iba talaga nararamdaman ko? Hindi talaga ako komportable na may katabing lalaki kaya ngayon palang, I'm feeling weird.

"Tulog na tayo."

Lumapit siya sa kama at inilagay ang kanyang phone sa nightstand ng aking kwarto. Tsaka rin naman siya umupo sa gilid at dahan-dahang humiga sa kama. Inayos niya ang kumot sa kanyang katawan matapos ay pumikit.

Hindi ko alam kung anong meron sa kanya pero nagtataka lang ako kasi ang bilis n'ya talaga pumayag sa sinabi ko. Di bale na, buti nga pumayag siya kasi pinagdesisyunan ko 'to para sa kaligtasan n'ya. Sa kaligtasan ng pasyente ko.

Lumapit ako sa aking kama at umupo sa kabilang gilid nito. Humiga ako sa tabi ni Zach pero nanatili sa amin ang kaunting espasyo. Bago humiga ng tuluyan sa kama'y nakita ko ang mukha ni Zach na payapang natutulog. Nakapikit na siya pero bakit...gwapo pa rin?

Gusto ko hawakan ang mukha niya, gusto ko maramdaman ang pisnge niya sa mga palad ko. Bakit ko ba 'to iniisip?

Sa hindi malamang dahilan, parang nagkusa nalang ang kamay kong lapitan ang pisnge ni Zach. Hindi ko mapigilan ang sarili ko.

Hangga't sa malapit na ang kamay ko sa kanyang pisnge bigla naman akong natauhan. Ano bang ginagawa ko? Inilayo ko ang aking kamay kay Zach at humiga nalang sa kama. Ipinulupot ko ang kumot sa aking katawan at tumalikod kay Zach. Para akong tanga? Bakit ko ba naisipan na hawakan ang pisnge ni Zach? Buti nalang hindi ko talaga nahawakan kundi baka magising pa siya.

Ipinikit ko nalang ang aking mga mata at pinilit na makatulog habang nakatalikod kay Zach. Nafe-feel ko narin ang pagka-awkward ng sitwasyon. Hindi talaga kasi ako sanay na matulog kasama amg isang lalaki. Para mas gusto ko pa matulog sa sofa. Oo tama, sa sofa nalang ako matulog.

Iminulat ko ulit ang mga mata ko tsaka umupo sa kama. I sit on the edge of the bed and was going to stand up but...may humila sa akin pabalik ng kama at tuluyan akong napahiga muli. Nakita ko nalang na ang kamay ni Zach ay nasa braso ko at tila siya ang humila sa akin. Tumingin ako sa kanyang mukha pero nakapikit parin ang kanyang mga mata. Maya-maya pa, bigla n'ya nalang ginalaw ang isa niyang braso at niyakap ito sa aking bewang. Bigla na namang bumilis ang tibok ng puso ko at noong ginawa niya iyon, hindi maikaila sa mukha ko ang pagkagulat.

Mas lalo pang humigpit ang yakap sa akin ni Zach dahilan para ilapit niya rin ako sa dibdib niya. Nananaginip ba siya? Tulog ba talaga siya?

Rinig na rinig ko na ang tibok ng puso ko, sana hindi narinig ni Zach, baka magising siya. Nanatili siya sa pagyakap sa akin habang ako ay gulat na gulat at nanahimik nalang din.

'Yong mukha ko ay nafreeze sa pagtataka habang nakapulupot ang braso ni Zach sa akin. Pinilit kong kumalas sa braso niya pero masyadong matigas at malaki ang braso niya, ang hirap tanggalin. Ang higpit rin ng pagkayakap niya sa akin kaya ramdam ko ang katawan niya sa katawan ko. Naamoy ko rin ang pabango niya at sobrang bango nito. Hindi siya masyadong matapang at nakakaakit ang amoy. Inilapit ko pa ang aking ilong sa kanya para maamoy ko pa ang kanyang pabango.

When Twilight Comes [On-Going]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ