22: New Director

18 7 2
                                    

Dahil nanood pa kami ng sunset nila Mama at Papa sa Crépuscule, ginabi nadin kami ng uwi. Syempre, bago sila Mama makaalis, I make sure na safe sila.

Ngayon ay nasa tapat ako ng bahay at papasok na. Balak ko pa sana papasukin dito sila Mama pero buti nalang at umalis nadin sila kasi for sure magtataka din 'yon kapag nakita si Zach sa loob.

Nagenjoy kaya si Zach sa pinadala kong tao para di siya mabored? Hmm, I wonder.

For sure naman nagenjoy siya kay Brent. Madami siguro silang nachika sa isa't-isa kasi ang tagal nilang di nagkitang magbestfriend. Actually, medyo busy daw si Brent ngayon kaya for sure nakaalis na siya ng bahay ko. Gabi na rin kaya.

Pumasok ako sa gate ng aking bahay at dumiretso sa wooden door ko. Bubuksan ko na sana ang pinto ng bigla akong natigilan.

May naririnig akong tumatawa sa loob, parang galing sila sa sala. 'Yong isang boses, galing kay Zach kasi alam ko naman ang boses niya pero tumatawa siya ng bahagya, hindi naman halahak.

'Yong isa naman ay parang pilit na boses ng babae, parang boses bakla sa katunayan.

Waah! May kasamang bakla si Zach?! Nagpapasok siya ng taong di ko kilala?

Inilapit ko ang tenga ko sa wooden door para marinig pa sila.

"Kyaa! Ang gwapo mo talaga! Sana akin ka na lang."

Napatakip na lang ako ng bibig ng marinig ang boses ng baklang iyon. Sino sinaaabihan niya no'n?!

Hindi ako pwedeng magkamali, bakla 'yon! Parang hindi siya boses ng natural na babae. Si Zach ba ang kausap niya? Bakit niya sinabi na sana sa kanya na lang si Zach?!

Hindi pwede! Siguro ginayuma niya si Zach? Hindi naman siguro pumapatol si Zach sa bakla.

Baka naman iba ang sinasabihan niya? So may iba pang tao sa bahay ko?! Pero wala naman akong naririnig na iba pang boses bukod sa dalawa.

"Baliw ka talaga." Wika ni Zach na bahagyang natatawa.

Tumatawa si Zach kasama ang isang bakla? Masaya pa siya? Ang landi-landi nga no'ng baklang 'yon tapos tuwang tuwa pa siya.

"Let's be together, Zachary! I love you so much!"

Matapos no'n nakarinig muli ako ng tawa.

Waa! Ginayuma na talaga ng baklang 'yon si Zach! Mangkukulam, salamangkero at manggagayuma ang nakapasok sa bahay ko!

Bakit kasi nagpapapasok ng kung sino-sino si Zach. Mamaya pala budol-budol 'yan. Paano nalang ang bahay ko, mawawalan na ng mga paintings, mga plato at mga stock ng itlog kasi ninakaw na ng baklang 'to!

"Hahaha, you're crazy."

Gayumang-gayuma na si Zach! Hindi pwede 'to!

Mahuli ko lang talaga 'yang budol-budol na baklang 'yan, kakalbuhin ko siya ng buhay hangga't sa wala nang matitirang kuto sa kanya!

Kailangan gumawa ako ng paraan para mahuli 'yang budol-budol na bakla na nilalandi si Zach.

Nakakainis na, e.

Lumayo ako mula sa pinto at pumunta sa grotto na nasa gilid ng bahay ko. Lagi ako ditong nagiiwan ng dustpan at walis tingting tuwing naglilinis ako sa labas.

Kinuha ko ang plastic na dustpan sa tabi ng grotto at bumalik sa tapat ng wooden door.

Lagot ka sa'king bakla ka.

Inihanda ko ang dustpan upang manghampas. Hinawakan ko ito gamit ang aking dalawang kamay. Patuloy pa rin ang pagtawa ng nasa loob at natigilan naman ito agad ng magsalita ako mula dito.

When Twilight Comes [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon