16: Travis Lim

51 17 1
                                    

Buti naman at nakicooperate na si Zach sa akin. Payag na siya ng buo sa pagpapagaling ko sa kanya at hindi niya na rin pinapairal ang pagiging pusong bato. Kaya nga lang, kahit pala siya ay hindi alam kung bakit siya tinuturing ng ganoon ng kanyang mga magulang na nakakapagpababa sa sarili niya.

I mean, hindi niya alam ang dahilan ng mga magulang niya kung bakit siya minamaltrato ng ganoon. Hindi siya ang dapat kong tanungin sa dahilan kasi hindi niya alam. Ang dapat kong imbestigahan ay ang kanyang mga magulang. Ang kanyang mama at step-father.

Anyways, ngayon ay kailangan ko makipagmeet sa director ng kabilang ospital na makikipagcollab sa amin. Bago ko makausap ang pasyente ng senator ay kailangan ko munang makaharap ang director ng ospital kung saan siya incharge.

Kailangan ding pormal at presentable ang aking damit dahil iyon ang sinabi ni Director Ruschenberg. Ang red dress na binili ko sa mall dati kasama si Zach ay ang gagamitin ko sa meeting kasama ang director ng kabilang ospital.

Ngayon ay nakatingin ako sa reflection ng aking sarili sa salamin ng aking kwarto. Maganda na sana ang lahat ng meron ako ngayon; formal dress, heels, light make-up and my hair is in a bun, pero, naiinis lang ako kasi ang nagpasira sa lahat ng 'yon ay ang arm sling ko. Maganda na sana ako pero may nakasabit na cast sa braso ko dahil sa sununtok ko 'yong pader last time. Dapat hindi ko nalang sinuntok 'yon. Tanga ko talaga.

Kinuha ko ang aking bag sa kama ng aking kwarto atsaka umalis sa papunta sa sala. Dapat din pala naipaalam ko kay Zach na aalis na ako kaya naman napagdesisyunan ko munang pumasok sa kwarto niya. Tuwing umaga kasi nasa kanyang kwarto si Zach at para may ginagawa. Minsan sinisilip ko siya doon at nakikita ko na may hawak siyang lapis.

Pumasok ako sa kwarto niya matapos kumatok. Wala akong narinig na sagot mula sa loob kaya pumasok nalang ako. Pagpasok ko doon ay hindi ko rin nakita si Zach. Nilibot ko ang aking paningin sa kwarto pero wala siya doon.

"Zach?"

Sinubukan kong kumatok sa banyo pero wala ding sumagot. Asan ba siya?

Inaakala kong nasa labas si Zach kaya napagisipan ko nalang na umalis sa kwarto niya pero natigilan din naman ako ng may makita ako sa kanyang kama. Lumakad ako papalapit sa kama at paglapit ko rin doon ay may nakita akong mga papel at lapis.

Ang ibang papel ay may nakaguhit na magagandang building at gusali. Meron ding nakaguhit doon na castle at mansion. Ang gaganda ng mga drawing kaya sobra nalang ang mangha ko.

Kinuha ko ang isang papel na may nakaguhit na two-story house. Moderno ang tema at gusto ang pagkakagawa.

Si Zach kaya ang nagdrawing ng mga ito? Hindi ko alam na may talent pala siya sa pagdrawdrawing. Ang gaganda ng mga gawa niya.

Tinitigan ko ang papel na hawak ko at ngayon ay manghang mangha parin ako dito.

"Allison?"

Lumingon ako sa likod at nakita ko doon si Zach. Siya'y nakatayo sa door frame ng kanyang kwarto habang nakatingin sa akin. Ngumiti ako sa kanya at humarap, hawak-hawak padin ang papel na may modernong bahay.

"Ang ganda naman nito." Wika ko.

Tumingin ako sa kanyang mga mata at tila hindi ito nawawalan ng sulyap sa akin. Ang mukha niya'y para namangha din sa kung ano, parang sinasabi ng mga mata niya na mayroon siyang kinaakitan. Hindi niya maalis ang kanyang tingin sa akin ang seems like it's roaming from my head to my toe.

His eyes meet mine once again and why he still look like admiring something?

"Ang ganda mo."

Medyo mahina yata ang pandinig ko. Pero, tama ba ang narinig ko?

When Twilight Comes [On-Going]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن