13: Li'l Sis

74 24 47
                                    

Zachary

"Zach!"

Nilingon ko si Brent. Tumigil ako sa paglalakad at pumunta naman sa harap ko si Brent.

Kitang kita sa mukha n'ya ang pagkagulat at pagtataka. Bakit? Ano bang bago? Lagi naman silang nagtataka sa mga kilos ko, e. Lahat nalang mali.

"Andito ka lang pala."

Hindi ko naman mapigilang i-bola ang aking kamao.

"Leave me alone, Brent."

Huminga siya ng malalim bago magsalita muli.

"Matagal ka nang hinahanap ng pamilya mo."

Tsk, wag mo sabihing papauwiin n'ya ako.

"Ang sabihin mo wala silang pakialam sa'kin."

Iniling naman ni Brent ang ulo n'ya. Ano bang pinapamukha niya sa'kin?

"Umuwi ka na."

Bigla agad nanoot ang galit at pighati na mga naramdaman ko noong nasa bahay pa ako ng mga magulang ko. Hindi na ako doon babalik at wala akong balak bumalik.

"Ayoko."

Tumalikod ako sa kanya at nagpatuloy maglakad pero hindi pa ako nakakalayo, hinawakan n'ya ang balikat ko para lang matigilan ako. Kaya naman din napaharap ako sa kanya ng ginawa n'ya iyon.

"Kung ayaw mo pa umuwi, naiintindihan kita. Pero magusap muna tayo kung anong nangyari sayo."

Nginitian n'ya ako kahit papa'no. I just let out a sigh before I agreed to his suggestion. Hindi ko naman matitiis ang bestfriend ko since college. Madami kaming napagdaanan at namimiss ko narin siya. Actually, nasiyahan nga ako noong nakita ko siya kanina pero naalala ko na isa din siya sa taong gusto akong pabalikin sa demonyong tahanan namin.

Naghanap kami ng lugar kung saan tahimik kaming makakapagusap. Napadpad naman kami sa isang maliit na park na malapit lang din sa café. Umupo kami sa bench noong park atsaka nagsimulang maglahad ng katotohanan.

"Kamusta ka na?"

Tumingin ako kay Brent tsaka rin sumagot.

"Okay ako kasi malayo ako sa kanila."

Huminga na naman ng malalim si Brent sa sagot ko. Pakiramdam ko hindi niya gusto ang sagot ko.

"Maniwala ka man o hindi, hinahanap ka ng magulang mo. Mas gusto nilang nasa tabi ka nila para alam nila na okay ka."

"Mas lalong magiging miserable ang buhay ko kung lalapit ako sa kanila. Mas magiging okay ako kung hindi nila napaparamdam ang sakit sa akin."

Sumandal si Brent sa likod ng bench at tumingala sa langit.

"Talagang tumigas na ang puso mo."

I rested my elbows to my knees and stared at the ground.

"They are the one who made me like this."

"Kung may isang tao lang na makakapag palambot at pukaw ulit ng puso mo, I will thank her a lot."

Wala na. Gan'to na talaga ako, wala nang pwedeng makapagpalambot ng durog at tuso kong puso. Hindi na nila ako mababago.

"Bakit ka nga pala nandito?"

Tumingin ako lay Brent at nakatingin na pala siya sa akin noong maitanong n'ya iyon.

"Wala na akong mapuntahan kaya dito nalang ako."

"May tinutuluyan ka ba ngayon? If you need shelter, I'm just here. Di ba bestfriends tayo?"

When Twilight Comes [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon