9: Choose One

65 33 5
                                    

Habang natutulog sa kala-gitnaan ng hating gabi, narinig ko ang aking phone na nagri-ring.

Habang nakapikit ang mata kinuha ko ang phone ko sa lamesa na katabi ng kama ko. Buti nalang nakuha ko ito kahit walang nakikita. Antok na antok pa kasi ako, e. Anong oras na ba? Binuksan ko ng bahagya ang aking mata at nakita ang oras na 3:30 am. Okay 3:30- Ang aga aga pa ah!!

Sinagot ko ang tumatawag sa aking phone habang mukha ako ditong zombie na pinipilit imulat ang mga mata.

"Dra. Thompson!!"

Bakit naman sumisigaw itong nasa kabilang linya? Madaling araw palang sumisigaw na. Ano bang problema?

"Si Coleen!!"

Tuluyan kong namulat ang aking mga mata no'ng marinig ang pangalan ni Coleen. Agaran akong nag-alala dahil baka may nangyari ng masama sa pasyente ko habang iniwan ko siya nang di niya alam.

"Bakit?! May nangyari ba, Nurse Lorie?"

"She is losing control, Dra Thompson! Hinahanap niya kayo at nagwawala siya ngayon! Kailangan ka namin."

Tumayo ako bigla sa kama ko at kinuha ang aking car keys. Pupunta ako ngayon sa ospital, baka kung ano na ang nangyayari kay Coleen. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may nangyaring masama sa kanya.

"Pupunta na ako d'yan, Nurse Lorie."

Pinatay ko na ang tawag at dumeretso sa baba.

Napadaan ako sa kusina ng bumaba ako mula sa second floor. Nakita ko doon si Zach na nakatalikod sa akin. Tumigil muna ako sandali at pinagmasdan si Zach. Anong ginagawa niya rito?

Pagkaharap niya sa akin nakita ko ang kanyang mata na umiiyak kaya mas napuno pa ng gulat at pag aalala ang araw na ito. Umiiyak siya dito sa kusina sa kala-gitnaan ng madaling araw. Malungkot na naman kaya siya?

Nang makita niya ako ay pinunasan niya ang kanyang mata at pinilit na tumigil sa pag-iyak. Pero patuloy parin siyang umiyak at naghagulhol.

Sinubukan kong unti-unting lumapit ako sa kanya pero pinigilan niya ako.

"Lumayo ka sa akin!"

"Pero Zach-" Hindi naman ako mukhang multo sa madaling araw para pagtabuyan niya 'no?

"Huwag mo akong pakialaman!"

Nais ko pang lumapit sa kanya pero nagalit lang siya sa akin. Muling tumunog ang aking phone at nakita ko ang message doon ni Nurse Lorie.

'Kailangan ka na namin dito doktora. Sobra ng nagwawala si Coleen.'

Pinatay ko ang aking phone at tumingin ulit kay Zach. Patuloy parin siya sa pag-iyak.

Gusto ko siya lapitan at damayan pero pinapalayo niya ako. Gusto ko siyang i-comfort pero kailangan ko naring umalis kasi kailangan ko puntahan si Coleen. Sinusumpong rin ng sakit si Coleen ngayon at kailangan niya ako pero kailangan din ako ni Zach ngayon. Kailangan niya ng dadamay sa kanyang sa kalungkutan. Baka kung iwanan ko siya, saktan niya ang sarili niya.

Bakit ba siya umiiyak?

Pero sumagi na naman sa isip ko si Coleen. Kailangan niya rin ako. Sobra na siyang natatakot at si Zach naman ay sobrang nalulungkot.

Sino ang uunahin ko sa kanilang dalawa? Pareho silang kailangan ng tulong ko ngayon. Sino ang tutulungan ko? Bakit pa kasi sila nagsabay sumpongin, e. Gulong-gulo na ako. I have to choose one between them.

"Umalis ka sa harap ko!!"

Kanyang sigaw sa akin. I step back and decided to leave. Kahit hindi ko gusto ang desisyon, iniwan ko siya.

When Twilight Comes [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon