11: I'm Sorry

52 26 7
                                    

Ang sarap pala sa feeling na umiiyak ka kasabay ng pagbuhos ng ulan. Ngayon kasi nakaupo ako sa gilid ng kama ko habang yakap yakap ang tuhod at pinapakinggan ang buhos ng ulan.

Parang ayoko kasi pumasok sa trabaho ngayon, feeling ko madaming masasamang tingin ang tatama sa'kin. Parang sinisisi nila ako sa pagkamatay ni Coleen na hanggang ngayon ay pinagdadalamhati ko pa'din. Feeling ko rin na dapat lang akong sisihin, e. Napaka pabaya ko kasi.

Ano nalang ang sasabihin nila Mr. & Mrs. Hayden sa pagkamatay ni Coleen? For sure lagot ako sa kanila, nagexpect sila ng malaki at ngayon alam kong handa na silang sampalin ako.

Hindi ko parin mapatawad ang sarili ko, e. Alam kong ako ang may kasalanan kung bakit siya nawala, kahit hindi ko ginusto ang nangyari, alam kong ako ang sisisihin ng taong bayan.

Habang nage-emote ako dito sa loob ng kwarto, bigla namang may kumatok sa pinto.

"Sino 'yan?"

"Pumasok ka na sa trabaho mo."

Si Zach pala 'yon. Malamang si Zach talaga kakatok do'n, alangan namang si Ruby.

"Ayoko pumasok." Mahinahon kong sagot.

Ilang segundo siyang hindi nagsalita pero maya maya ay binuksan niya ang pinto at pumasok siya ng kusa.

"May kailangan ka ba?"

Tanong ko sa kanya. Lumapit siya sa akin at nanatiling nakatayo sa gilid ko.

He looks down on me when he said something.

"Bakit umiiyak ka parin? Hindi ko na nga itinuloy na magpakamatay di ba? Okay na ako."

Hindi lang naman ikaw 'yong iniiyakan ko, e. Sa bagay, hindi niya pa kasi alam ang tungkol kay Coleen.

"Tears of joy lang 'to, masaya kasi ako na okay ka."

Sige magpanggap ka, Allison.

"Kahapon ka pa iyak ng iyak so kahapon ka pa masaya?"

Tumango ako sa kanya at ngumiti.

"Oo, hehe."

Hindi na siya nagbigay ng kahit anong reaksyon. Pero feeling ko may napapansin siya sa akin. Oo na, pansinin niya na ang pangit at maga kong mukha sa t'wing iiyak.

"Pumasok ka na."

Kasabay no'n ay lumabas narin siya ng kwarto. Bakit niya ba ako pinapapasok sa trabaho? Maganda nga na hindi muna ako pumasok para mabantayan ko siya di'ba? At para narin matakasan ko muna ang masasakit na salita na makukuha ko sa mga tao.

Kahit na gusto kong puntahan si Coleen, ako naman muna.

Ilang minuto na din ang lumipas at napag-desisyunan ko na talagang huwag nalang pumasok.

Naramdaman ko na rin na sobrang maga na ng mga mata ko kakaiyak at ayokong makita ako ng mga tao sa gano'ng sitwasyon. Mukha akong panda with red eyes.

Lumipas narin ang tanghali at hindi ako kumain, wala akong ganang kumain ngayon, e. Maya maya pa, kumatok na naman sa pinto si Zach.

"Hindi ka papasok?"

Tanong niya mula sa likod ng pinto.

"Hindi, hindi kasi maganda ang pakiramdam ko."

Wala naman akong sakit pero ayaw ko lang talaga pumasok.

"May bisita ka." Sabi niya mula sa likod ng pinto. Ayos din 'to si Zach ah. Kinakausap na'ko ngayon ng kusa.

At sino naman kaya 'yang bisita ko?

Pumunta ako sa pinto at binuksan iyon. Bumungad naman sa'kin si Zach.

When Twilight Comes [On-Going]Where stories live. Discover now