Chapter 11

603 113 0
                                    

Marien

Tangahali na nang magising ako dahil sa liwanag ng araw na sumisilip sa kurtina, tumagilid ako at pinagapang ang aking kamay sa center table para abutin ang aking phone, tinatamad na tinignan ko ang oras sa aking cellphone bago ito ibalik ngunit umagaw sa aking atensiyon nang mapansin ko ang isang text

From: ARCHItect

I'll pick you around 5. See you

5:00 am

Nagtatakang paulit-ulit ko iyong binasa, kaninang umaga niya pa ito sinend sa akin siguro inagahan niyang gumising kasi todo practice na sila ngayon dahil 2 days nalang linggo na at maglalaro na sila para sa regional. Nireplyan ko siya at ilang minuto akong naghintay pero wala parin siyang sagot, naiintindihan ko rin naman baka busy lang talaga siya sa practice nila.. pero bakit siya biglang nagyaya at bakita mamaya pa? Dinner date? Tumayo ako at akmang papasok ng banyo nang maalala ko kung anong ganap ngayong araw

"Bakit ko naman kasi nakalimutan!" Inis kong sigaw. Napasabunot ako sa aking buhok pagkatapos ay dali dali akong pumasok sa banyo. Impit akong napasigaw nang madulas ako sa tiles ng banyo pagkapasok ko, napahawak ako sa aking tuhod nang makaramdam nang sakit dahil sa pagkaluhod. Dahan dahan akong tumayo habang nakahawak sa hamba ng pintuan. Tinitiis ko ang sakit hanggang sa makatapos ako

Lumabas ako sa banyo habang tinitiis parin ang sakit, tinignan ko ang tuhod ko at medyo namumula iyon. Hindi ko nalang iyon inisip pa at lumapit nalang ako sa cabinet at naghanap nang aking susuotin mamaya, natagalan ako sa pagpili dahil hindi ko alam kung kailangan ko bang magsuot ng formal dahil tanging mga kapitbahay lang naman daw ang bisita nila at pati narin ang mga ka office mate ni tita. Pinili ko nalang 'yong semi formal na off-shoulder floral dress na hanggang taas ng tuhod at pinaresan ng white sandal. Kinabit ko ito sa pintuan ng cabinet bago nagsuot ng pambahay na damit at lumabas ng kwarto

Pagkababa ko ay agad akong umupo sa sofa at nanonood nalang ng tv bilang pampalipas oras. May apat pa akong oras bago mag alas 5, naisipan ko ring mag alarm baka sakaling makatulog ako.

Nakatatlong movies na ako nang tumunog ang aking alarm, agad ko namang pinatay ang tv at nagluto muna ako bago umakyat sa aking kwarto. Pagkatapos kong mag half bath ay agad akong nagbihis, naglagay rin ako ng konting make up sa aking mukha bago kinuha ang aking sling bag at lumabas na nang kwarto. Pagkatapos ay bumaba ako para magpaalam kay papa. Habang pababa ako ng hagdan ay napansin ko ring medyo hindi na sumasakit ang aking tuhod ko at hindi na rin ito namumula, galing talaga ng efficacent!

Pagkapasok ko sa kusina ay naabutan ko si papa na kumakain mag isa, nakasuot na siya nang kaniyang uniform at ang kaniyang bag ay nasa tabi niya na. Susubo na sana siya nang makita ako. Tinignan niya ako mula paa hanggang ulo sinusuri ang aking damit at hindi makapaniwalang nakasuot ako ng ganito

"Saan punta mo at bakit mukhang pormal ka ngayon?" Tanong niya pagkatapos ay sumubo ulit siya habang sa akin parin nakatingin. Tinignan ko muna ang sarili ko bago tumingin ulit sa kaniya

"Uh, may pupuntahan lang po akong birthday party pa.. " Ani ko. Hindi pa siya nakasagot nang marinig naming sumigaw ang kapatid kong si Kina

"Ate! Nandito si kuya Archi!" Sigaw niya mula sa labas ng bahay. Tumingin muna ako kay papa bago mabilis na lumabas nang bahay, pagkalabas ko ay nasa harap na siya nang gate namin. Pinagbuksan siya ng kapatid ko kaya agad naman siyang pumasok. Halatang nakauwi na siya dahil mukhang kakaligo niya lang, basa pa ang kaniyang buhok at naaamoy ko rin ang pabango niya

naramdaman kong nasa likod ko si papa kaya nang tumingin ako sa kaniya inaasahan kong sa akin siya nakatingin ngunit nakatingin na siya ng deretso sa harapan, sinundan ko ang kaniyang tingin kaya napatingin ako kay Archi

Casquiera Series #1:Sands Of Time Where stories live. Discover now