Chapter 15

481 86 2
                                    

Marien

"Tara! Maligo ka na kasi!" Pamimilit ni Emay habang niyuyogyog ang aking balikat, kakatapos niya lang kumain habang naman ako ay kumakain pa. Hindi ko nalang siya pinansin at pinagpatuloy ang pag-kain. Tirik pa ang araw at kahit may sunblock ay takot parin akong magpaaraw.

"Mamaya nalang nga ako, tirik na tirik pa yung araw oh" Sabi ko sabay tabig sa kamay niyang nasa balikat ko, ngumuso naman siya pagkatapos umupo sa tabi ng jowa niya. Napailing nalang ako nang ito naman ang kaniyang kinulit, napakain naman kaagad si Yohan ng mabilis pagkatapos ay natatawang binuhat niya si Emay papunta sa dagat habang ngumunguya pa. Naka swimming shorts na ito kaya masayang dumeretso kaagad silang lumubog sa tubig

Agad naman akong napatingin kay Archi nang ilapag niya sa harap ko ang isang pinggan na may lamang barbecue na kakaihaw niya lang. Kumuha ako ng pork at hinipan muna ito bago kinain, napatigil ako sa kaligtnaan ng pagngunguya nang mapansing nakatingin siya sa akin. Nakaupo na siya ngayon sa tabi ko

"Barkit?" Nakataas ang dalawa kong kilay habang dahan dahang ngumunguya, naghihintay ng sagot. Inayos naman niya ang buhok ko na sumasagabal sa gilid ng mukha ko bago umiling at sumenyas na kumain pa. Kagat labing tumango ako sa kaniya bilang sagot at dinaan nalang sa pag-kain ang kilig na nararamdaman.

Ito na naman siya at ang mga ginagawa niya sa akin, sobra na ang pagpapakilig niya at konti nalang ay sasabog na yata ako. Simula noong dumating kami kanina rito ay palagi kong nararamdaman ang malagkit niyang tingin sa akin, at tuwing tinitignan ko siya ay agad naman siyang umiiwas at bumabalik sa kaniyang ginagawa na parang walang nangyari. Iwas na iwas ako sa isiping binibigyan niya ako ng motibo na nagpapakita siya ng motibo sa akin na gusto niya ako! Lahat naman yata ay nagaasang may gusto rin sa akin kanila yung taong gusto nila, diba? Kasi kung pareha kami ng nararamdaman which is hindi kapani-paniwala, iiwas ako-iiwas ako agad agad kasi maling mali 'to! at alam kong pareho kaming masasaktan sa huli dahil wala namang patutunguhan 'tong nararamdaman ko at kung sakaling may nararamdaman din siya sa akin

"Sabi ni Emay sa akin kaibigan mo pala ang may ari nitong beach resort" Panimula ko para maibsan ang katahimikang bumabalot sa aming dalawa. Naghihimay ako ng hipon nang tumingin ako sa kaniya, dumugtong ang makakapal niyang kilay habang naiinis na binabalatan ang hipon

"Yes, Ri" Maikli niyang sabi lihim akong napangiti nang tinawag na naman niya ako sa ginawa niyang nickname sa akin. Nawala naman kaagad iyon sa aking isip nang mapansin kong hindi naman ako nagtanong kaya nahalata kong ayaw niya yatang makipagusap. Tinikom ko nalang ang aking bibig at tumango nalang, mukha kasi siyang galit kaya mas mabuti pang huwag nalang magsalita, gusto ko rin sanang magtanong kung bakit mukhang naiinis siya sa hipon? galit ba siya sa hipon?

Nakaupo na ako ngayon sa duyan dito lang sa gilid ng cottage naghihintay na mag hapon habang si Emay naman ay nakahiga sa kaniyang dalang malawak na kumot para hindi siya madumihan ng buhangin habang nagseselfie, ang dalawang lalaki naman ay masayang nagiinuman at kasama nila yung lalaki kanina na nagpakilala sa akin bilang Hans pero Cole yung tawag sa kaniya ni Archi. Ah baka apelyido niya yung Cole..

Nahuli kong nakatingin sa akin si Archi nang bumaling ako sa gawi nila, hawak ng kanan niyang kamay ang isang bote ng san mig habang ang isa ay nakaakbay kay Yohan, mukhang wala naman silang balak na magpakalasing dahil tatlong maliliit na bote lang naman ang nakalapag sa mesa, hindi rin sila pwedeng magpakalasing dahil uuwi pa kami mamayang gabi. Ngumuso ako sa kaniya at sinubukang igalaw ang aking ilong, natawa naman siya sa ginawa ko kaya nginitian ko nalang siya bago ibinalik ang tingin sa dagat

Naghintay ako ng ilan pang oras hanggang sa mapansing hindi na masakit ang tama ng araw sa aking balat, agad kong hinila patayo si Emay at hinubad ang aking see through. Naka halter top white bikini ako, hindi ko na hinubad ang aking shorts dahil naiilang ako at hindi naman ako sanay kaya okay na sakin 'to

Casquiera Series #1:Sands Of Time Where stories live. Discover now