Chapter 14

502 94 1
                                    

Marien

Dalawang araw na simula noong lumabas ako ng hospital, noong hapon ng araw na iyon ay dinalaw din namin ang puntod ni mama kasi hindi kami nakapunta dahil nasa hospital nga ako noong mga panahon na iyon, pagkagabi 'non ay doon din kumain si Archi kasama ako at ang mga kapatid ko,wala si papa dahil nasa trabaho na siya 'non. Siguro mga bandang alas 7 na siya nakauwi dahil nagkwentuhan pa kami tungkol sa mga kung ano ano. Mas nakilala ko pa siya ng maayos at marami rin akong nalaman tungkol sa kaniya, hindi ko aaakalaing magkwe-kwento siya ng mga bagay na kahit si tita Adele ay walang kaalam-alam. Siguro dahil nasabi niya nga sa akin na komportable daw siya tuwing kasama niya ako lalo na kapag pinaguusapan namin ang tungkol sa mga pamilya namin

"Naku! pasensiya ka na hija at hindi ako nakabisita sa'yo noong nasa hospital ka, nasabi naman siguro sa'yo ng anak ko na nag out of town ako diba?" Mahinahon na parang nagrarap na sabi ni tita. Alam mo yung parang nagsasayaw ka ng hiphop pero graceful parin tignan, parang ganiyan si tita Adela kung magsalita. Nasa bahay ako ngayon nila Archi, hinihintay siya rito sa sala nila dahil inanyayaan kami nila Emay at Yohan na sumama daw sa isang beach resort, ang yaman lang pero hindi naman daw mahal ang entrance fee. Hindi naman daw kami mag oovernight doon, sasamahan lang daw namin sila sa momthsarry celebration nila. Napairap nalang ako sa kaartehan nilang magjowa, hindi pa naman sila nag iisang taon pero kung makapagbeach resort ay akala mo naman ay 5 years nang nagsasama eh ilang months palang naman.

"Opo tita" Nakangiti kong sabi. Nilapag niya sa center table sa harap ko ang tray na may lamang juice at dalawang sandwich. Pinasalamatan ko siya nang tumingin siya sa akin at ngumiti

"Kung wala lang sana kaming out of town business ay sana ay nakapunta ako sa laro niya, mabuti nalang at nagaabang din iyong mga ka office mate ko sa laro nila sa live kaya naka nood ako" Nanghihinayang niyang sabi pagkatapos ay umupo sa pang isahang sofa sa harap ko tanging center table lang ang namamagitan sa amin

"Kaya nga kami natalo eh kasi hindi nakanood yung number 1 supporter ko, hindi ako nainspire ma" Usisa ni Archi. Madramang napahawak siya sa kaniyang dibdib habang pababa siya ng hagdan, nakasukbit sa kabila niyang balikat ang kaniyang bag habang hawak nito ang strap.

Oo natalo nga sila sa laro nila noong isang linggo, magaling naman silang maglaro at ganun din ang kabilang team. Mas lamang nga lang sa puntos ang kabila kaya sila yung nanalo at natalo ang casquiera pride. Pili lang ang mga sumali sa game at isa na doon si Archi. Hindi man sila nanalo pero panalong panalo siya para sa akin

"Kay Rien hindi ka ba nainspire?" Napalingon siya kay Archi, at batay ko ay nakangisi na ito habang tinitignan ang anak, nakatalikod kasi si tita sa akin kaya hindi ko makita ang kaniyang mukha at reaksiyon. Nahihiyang tinaponan ako ng tingin ni Archi, bago siya bumaling kay tita at napakamot sa ulo. Nakaramdam ako ng hiya at kilig nang sinabi iyon ni tita Adele, hindi ko inaasahang sasabihin niya iyon, alam kaya ni tita na may gusto ako sa anak niya? napainom nalang ako sa juice ko nang pumasok sa isip ko yun.

Hindi pa naman ako sigurado kung gusto ko talaga siya, pero nagsearch ako kagabi at halos nang nabasa ko ay relatable. Tinry ko rin yung 'Crush test' sa isang site na nakita ko kagabi habang nagreresearch ako about sa feelings ko sa kaniya, guilty-ing guilty ako nang makakuha ako ng 76% kagabi sa test. Wala naman akong napulot kay Emay dahil puro naman siya katarantaduhan at kung ano-ano yung mga sinasabi kaya naisipan ko nalang na mag research. Wala namang masama kung mag research diba? Nalilito lang naman ako sa nararamdaman ko para sa kaniya at isa pa normal lang naman daw magkacrush sabi noong teacher namin noong highschool pwera nalang kung mahal mo na yung tao, ibang sitwasiyon na yon.

"Of course she's my friend and one of my top fans, bakit naman hindi?" Kaswal niyang sagot. Napakagat ako sa pisngi ko sa loob ng marinig ang sinabi niya, medyo nasaktan ako doon dahil umasa ako na iba ang sasabihin niya. Sino nga naman
ako, isa lang naman ako sa marami niyang fans at kaibigan niya lang, ano sa tingin mo ang sasabihin niya? Oo naiinspire siya kasi gusto ka niya? Yun ang akala ko, na baka gusto niya rin ako kahit konting clue man lang para malinawan ako, at para hindi na ako mapakali sa kakaisip nitong nararamdaman ko para sa kanya

Casquiera Series #1:Sands Of Time Where stories live. Discover now