Chapter 27

371 61 0
                                    

Marien

Nagkunwari akong walang nakita pagkatapos ng lahat ng nangyari. Pinilit ko ang sarili kong palakasin at umakto na parang wala lang habang kasama ko siya sa mga nagdaang araw. Hindi rin ako sumama sa kanila noong hinatid nila si Faye sa Lerman Airport, natatakot ako sa imposibleng makikita ko roon kaya mas minabuti ko nalang na iiwas at ingatan ang sarili sa sakit. Nakausap ko naman si Faye bago sila umalis

Tanging kay Aki ko din lang sinabi noong gabing iyon ang lahat ng hinanakit ko at hindi na ako nagabalang ipagsabi pa ito kay Emay dahil alam kong magagalit iyon at alam ko rin kung gaano ka busy ang business students ngayon. Noong nagkita kaming tatlo noong isang araw ay sinabi ko na rin sa kanila na aalis ako pagkatapos ng graduation at ang sadya ko doon, alam kong busy talaga silang dalawa 'non lalo na si Aki pero dahil nagpumilit ako ay pinagbigyan nila akong dalawa. Nalungkot naman sila sa pinakawalan kong balita, hindi naman maiwasan ni Emay na mapaiyak kaya napaiyak rin ako. Mamimiss ko sila-sila lang ang pinakamatagal kong kaibigan at pinakamalapit. Siguro mas lalo lang akong ma ho-home sick dahil lang sa dalawang 'to, ang mga bardagulan, samahan at tawanan mamimiss ko' yun. Sa tagal naming nagsama alam kong hahanap hanapin ko iyon doon sa canada. Hindi pa nga ako umaalis pero naiiyak na ako, anu ba!

Patagong pinunasan ko ang luhang nakatakas gamit ang likod ng aking kamay. Maingay akong bumuga habang nakapikit bago lumingon sa kung nasaan si Archi. Iniwan muna niya ako dito sa loob ng sasakyan niya, may bibilhin raw muna ito bago kami tumuloy sa kung saan na naman niya akong dalhin, napakahilig talaga nito sa pagsusurpresa

Nang mahanap siya ay nakita ko itong nakaupo sa pang dalawahang lamesa habang nakatingin sa kaniyang phone, nakaipit ang isang kamay sa kili kili habang ang isa naman ay nakahawak sa cellphone at pasulyap sulyap sa kaniyang relo. Humaba ang aking leeg nang may babaeng lumapit sa kaniya at kinausap ito, nakita kong tumango si Archi bago umupo sa bakanteng upuan na kaharap nito ang babae. Maputi ito, matangkad at mahaba ang maitim na maitim nitong buhok na hanggang bewang. Lumingon muna ito sa sasakyan kung nasaan ako bago ibinaling ulit ang tingin sa kaharap. Mabilis naman akong umiwas nang maalalang hindi pala tinted itong sasakyan niya. Nilingon ko ulit sila na ngayon ay tumatawa na, mukhang magkalapit ah.. sige lang Archi maghihintay lang ako dito hanggang sa mamatay ka kakatawa diyan

Padabog kong pinaandar ang music system ng sasakyan bago bumaling sa kabilang dako, umiiwas. Ngayon wala nang Faye, parang may bago na naman akong kaagaw sa atensiyon niya. Kung kailan aalis na ako, sus!

Napairap nalang ako sa naisip. Simula noong nagkagusto ako sa lalaking yun nagkakaganito na ako, ano bang ginagawa mo sa akin Roshan Archigel at bakit ako nagkakaganito? Kung kinulam mo ako, acceptable naman..

Naka-limang music siguro ako bago siya lumabas sa mamahaling café na may dalang basket. Ngingiti na sana ako nang lumabas at hinabol siya ng babaeng kausap niya kanina. Kinakausap siya nito at panay iling naman siya habang patuloy parin na naglalakad palapit sa sasakyan. Akala ko ay aalis na ang babae pero tumigil sila sa harapan ng sasakyan at doon nagusap. Nang bumaling ang babae sa gawi ko at magtama ang mga mata namin ay mabilis akong umiwas. Nakikita ko mula sa gilid ng mga mata ko na tumingin muna si Archi sa relo niya bago umalis sa harap pero nasa sakin parin ang mga mata ng babae. Hindi ko siya gustong titigan, wala siyang karapatan para tignan ng mga mata ko. Bahala ka manigas ka kakatitig diyan. Maganda ka lang, ma pride ako!

Tinapunan ko ng tingin si Archi nang pumasok na ito. Naramdaman kong nilagay niya sa backseat ang binili bago ako tinignan

"Sino yun?" Agaran kong tanong habang nakatingin sa labas ng bintana. Pinapanood ko mula sa gilid ng aking mga mata ang pag alis ng babae na nakaangkla ang kamay sa braso sa kasama na niya ngayong lalaki. Ano ba siya? Trabaho niya ba yan? Kulang nalang humawak na siya ng brochure

Casquiera Series #1:Sands Of Time Where stories live. Discover now