Chapter 28

372 57 3
                                    

Marien

"Kating kati na ako maka graduate!"

"Beri gud yan kesa doon sa ibang kating inaatupad mo! Landi mo talaga"

Napailing ako sa narinig na usapan ng dalawang babaeng napadaan. Pinanood ko sila kasabay ng mga estudyanteng tinatahak ang daan palabas hanggang sa lumiko sila sa business ad building. Matagal kong tinignan ang librong inaaral ko bago isnukbit ang bag at napagdesisyunang tumayo dala dala ang tatlong libro sa mga bisig ko

Bukas na sa makalawa ang exam. Kinakabahan ako baka hindi ako makapasa. Ano nalang kaya ang magiging reaksiyon ni papa kapag bumagsak ako? Wag naman sana baka pati si mama magagalit, mumultuhin ako. Pero paano kung sakaling hindi ako makapasa? Maiintindihan naman siguro nila. Hindi naman perpekto ang buhay, minsan nasa taas tayo, minsan nasa baba at minsan nasa gitna

Sa mundong puno ng surpresa maaaring lumiko ang tadhana at hindi mo masasabi kung hanggang saan ang kaya mo o kung saan ka man tutungo. May mga panahong madadapa at matutumba ka dahil sa gulo ng buhay pero wag mong kalimutan na bumangon

Tibayin mo ang loob mo Rien! Sa dalawang taon mo sa kolehiyo ngayon ka pa panghihinaan ng loob?

Pagkasakay ko ng jeep ay nagtext ako kila Emay at Aki. Nasa bahay na ako ng matanggap ang mga reply nila. Alam kong abala din sila kagaya ko kaya nagtext lang ako ng simpleng 'Good night at Goodluck' bago ibinalik ang sarili sa pagrereview. Nagtext na rin ako kay Archi pero sa halip na text ang matanggap ay doon siya nag send sa IG. Matagal ko nang hindi na-open ang mga social meds ko dahil wala naman akong interes na buksan ang mga iyon

Pagkabukas ko ng message niya ay bumungad sa akin isang picture. Kinunan niya ng litrato ang librong hawak niya at ang notebook at iba pang libro na nakapatong sa crafting table niya. Matagal akong nakatitig sa kamay niyang hawak ang librong pinagaaralan. Maugat ba ang mga kamay niya? Bakit ngayon ko lang napansin? Madalas niya iyong tinatago sa loob ng mga bulsa niya kaya hindi ko palagi napapansin

arkiarchic: magsusunog ng kilay para sa   
                     pamilya at sa ikakaunlad ng
                     bayan.


Natawa naman ako sa sinabi niya. Ikakaunlad raw ng bayan, mayor ba siya? Susunod yata 'to sa tatay niya. Dami talagang alam nitong lalaking 'to

Nalipat ang tingin ko sa bago niyang sinend na picture. Kagat labi siyang nakatingin sa camera habang nasa batok ang kabilang kamay. Sumisilip ang magulo niyang buhok sa ilalim ng navy blue niyang jacket. Medyo pagod siyang tignan dahil sa mga eye bags niya pero ang gwapo parin, kainggit naman. Howtobeyoupo.. Napangiti naman ako sa picture niyang iyon bago i-save sa gallery, ang hot naman ng lalaking ito maawa ka sakin

arkiarchic: gwapo ba?

justrienb: matulog ka muna

Napatakip ako sa bibig ko ng magsend siya ng picture niyang nakakunot ang mga noo na para bang may sinabi akong masama. Mahina akong napatawa bago inilayo ang camera ng konti sa akin at ngumiti doon. Nakailang take ako bago nagsend sa kaniya ng picture kong nakangiti at nakapatong ang baba sa kamay ko na nakatukod sa mesa

arkiarchic: mas kailangan mo ng tulog ghorl

arkiarchic: jk. cute mo jan. Hey baby may ate ka? 😘

Nakangiting tumayo ako dala dala ang cellphone ko at pinatay ang ilaw. Hindi ko alam kung maiinis ba ako o matutuwa sa sinabi niya. Ako yung ate! Bakit?

Inayos ko muna ang sarili ko sa higaan bago nagselfie ulit. Magulo ang buhok ko doon at nakatakip ang comforter hanggang taas ng dibdib ko

justrienb: Good night na! Goodluck sa exams niyo bukas

Casquiera Series #1:Sands Of Time Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon