Chapter 31

422 38 20
                                    

Marien

6 years later...

"..I'm on my way Vince. Narito na si kuya bert" Naiirita kong sabi sa kabilang linya. I heard him groan so I rolled my eyes, urgh this guy! Gusto palagi a.s.a.p. Lumingon muna ako sa apartment ko bago pumasok sa sasakyan na sumundo sa akin

"Call me when you arrive. Bye" Sa sinabi niyang iyon ay binaba ko kaagad ang cellphone ko at binalik ito sa clutch bag kong kulay itim

Huminga ako ng malalim at inayos ang ilang hibla ng buhok kong nakaharang sa mukha ko kapagkuwan ay tumingin sa labas ng bintana at pinanood ang mga matataas na building mula sa malayo

I smiled when I remembered that I work on one of those buildings. Maraming nagbago simula noong pumunta ako ng canada at iniwan lahat dito. As in lahat, pati ang mga pangako at ang ipinangako.. wala akong pinagsisihan sa mga naging desisyon ko. It was all worth it

It's been 8 months since noong umuwi ako dito sa pilipinas pagkatapos kong mag aral at mag OJT sa mga business company doon sa canada. I took business after I made my decision to take this opportunity. After all the years, I made it happen nagtratrabaho na ako ngayon sa company ng ex-husband ng tita Desi ko. Yes, sa ex-husband ng tita ko

Inalok ako ni tito Luis ng trabaho at position dito sa kumpanya niya sa pilipinas pagkarating ko doon sa canada, that's why I took business kasi hindi naman talaga ako masaya sa una kong kinuha and I was thinking na ito na talaga ang para sa akin. At syempre nagulat ako dahil kakarating ko lang 'non at magaaral palang ako ng business syempre wala pa akong alam kaya nakakagulat talaga

My journey as a business student wasn't that hard. I got tita Desi and tito Luis to support me at syempre hindi mawawala si papa. May mga naging kaibigan rin ako sa anim na taon kong pag aaral sa canada pero mas naging close ko sila Marleigh at Riley. They were my blockmates at palagi ako nilang sinasama sa mga lakad nila. Sila rin ang naging sandalan ko roon, minsan lang kami nakakapagusap nila Emay at Aki dahil iba ang oras doon sa canada at dito sa pinas

Pinilit ko rin ang sarili kong kalimutan siya, I tested myself if kung kaya ko ba kaya doon na ako nagkaroon ng boyfriend. Sinagot ko si Jake habang mahal ko pa siya, mabait si Jake sa akin at inaalala niya ako palagi kaya hindi ko naiwasang sagutin siya. He was just my first boyfriend, he was not my first love. Hindi ko naman talaga siya minahal kagaya ng pagmamahal niya sa akin. He was just like my pain reliever, my happypill for the meantime. Pinipilit ko ang sarili kong mahalin siya kagaya ng pagmamahal ko kay Archi, but I failed. Hiniwalayan ko siya and told him everything, I can't help myself from crying when he said that he understands me. He's too good for me, he's too good to be true. Hindi kami bagay.. hindi siya para sa akin

I left canada na magkaayos kami. Until now ay naguusap parin kami thru video call and chats. He's now married to someone at buntis na ang asawa niya. I envy him, not because he's not mine anymore but because I don't have a lovelife. Kasal na ang ex ko at magkakaanak na siya habang ako ay hindi pa nakakapag move on sa totoo kong minahal. Palaging pinapaalala sa akin ni papa na magpapakasal na raw ako dahil tumatanda na raw siya pero hindi ko naman alam kung kanino. Wala namang naglalakas loob na manligaw sa akin, puro lang sila love letters at pa bouquet hindi pa nilalagay ang pangalan, napaka mysterious

Ano bang nagawa ko sa nakaraang buhay ko at bakit parang kinakarma ako ngayon? Parang lang naman hindi naman masakit..

"Good evening ma'am. Name?" tanong ng staff pagkatapos kong dumaan sa scanner. I saw how he roamed his eyes on me so I looked at the opposite direction before I look back at him

"Marien Bartolome" I said sweetly. Tinignan muna niya ang kaniyang hawak na logbook bago umangat ng tingin sa akin

"This way ma'am" Sabi niya at iginiya ako papasok. Pero hindi pa naman ako nakarating sa table namin ay may humila na sa akin kaya pareho kaming napatingin ng lalaking staff sa kaniya. Lumingon ako sa staff at tinanguan siya, nakuha naman niya kaagad ang senyas ko kaya tumango rin siya kapagkuwan ay tinignan ang lalaking nakahawak sa bewang ko at tinanguan rin ito bago tumalikod at umalis

Casquiera Series #1:Sands Of Time Where stories live. Discover now