Chapter 33

427 37 8
                                    

Marien

I was grinning from ear to ear while readying myself to leave, kakatapos ko lang tumawag kina Marleigh at Riley and we talked a lot about things that I missed in canada. Kanina pa natapos ang working hours pero may mga ginawa pa ako kaya pinauna ko na si Vince, bukod doon ay ayaw kong pilitin niya akong ihatid ako bukas baka sumama ng wala sa oras. Mahigit isang buwan na rin noong sinimulan itong proyektong ito. Sa loob ng 2-3 taon ay matatapos na iyon at sigurado akong dadayuhin iyon ng mga tao, mostly foreign tourists

"Lydia hindi ka pa ba uuwi?" I asked after closing the door. She was facing the computer so she just turned her attention at me for a second and look back

"Hindi pa madam may kailangan pa po akong tapusin" Sambit niya,probably redoing my schedule for next week

"Ah okay, how about my flight tomorrow en route to Palawan?" Tanong ko habang nagtitipa sa cellphone ko, I'm texting manong bert to get me baka mahirapan akong maghanap ng taxi sa baba mamaya

"Oh yeah, about that.. here's your ticket madam. Enjoy your flight see you next week" She said sweetly after she handed me my ticket

"Thanks Lydia. Una na ako, I'll text you when I get there tomorrow. Bye" I bid her goodbye and went straight to the elevator. I smiled at Melvin when the elevator opened, susunduin siguro niya si Lydia they're a couple after all

I chuckled and rolled my eyes when the doors closed, it sucks being surrounded by couples in this company pakiramdam ko ay magtatandang dalaga ako. Oh well, bakit ko ba 'to pinoproblema? I still have years to find my partner in life, ang bata bata ko pa hindi ko kailangangang ma stress dito. Pero hindi naman sa nagmamadali ako ah, I just feel lonely..

Pagkarating ko sa baba ay namataan ko kaagad si manong Bert na nakikipagusap sa guard. Siya ang personal driver ni Vince, pero hinahatid at sinusundo niya rin ako kapag kailangan ko siya, utos ng amo niya

Madali lang akong nakarating sa apartment kaya pagkapasok ko ay inayos ko kaagad ang hygiene kit ko, nakapag-impake na ako ng mga damit ko noong isang araw kaya pagkatapos kong magtooth brush at magpatuyo ng buhok ko ay humiga kaagad ako sa kama at nag-alarm bago natulog

"Aba, ikaw ay mag iingat ha?" Ani papa mula sa kabilang linya. I informed him that I'm going to palawan to check the construction there. Narito ako ngayon sa isang café dito sa loob ng airport, hinihintay ang flight ko. Inagahan ko na dito, ayaw kong ma late

"Yes papa, I will and uhm.. kamusta naman yung bahay, tapos na ba?" I asked about the renovation

Naisipan kong ipa-renovate nalang yung bahay kesa magpagawa. Para kasing kakalimutan namin si mama kapag magpagawa kami ng bagong bahay at lilipat. Hindi rin naman kailangang lumipat nila papa, Kina at Rys, aayusin lang yung bahay parang ganun para hindi magmukhang makaluma

"Malapit nang matapos anak, pintura nalang at saka mga idadagdag na mga muwebles na gusto mo.." Na-iimagine ko ang ngiti ni papa habang nakatingin sa bahay naming ginagawa. Sila ang dahilan kung bakit ako sumikap ng ganito, kaya dapat lang na ibalik ko sa kanila ang mga mabubuting ginawa nila sa akin

"May pera ka pa ba diyan para sa bahay pa? Ang tuition ni Rys? Si Ki—"

"Huwag kang mag-alala, may pera pa ako rito. At ang tuition ng kapatid mo huwag mo nang alalahin yun at pinagtratrabahuan naman niya, alam mo naman iyong kapatid mo ayaw niyang umaasa sa iba. Mas mabuti na nga iyon ng matuto, bago pumunta diyan sa maynila" He assured. Mabigat akong huminga at tumango

"Sige papa. Kung sakaling mahihirapan po siya sabihin niyo lang po sa akin" Paalala ko. I was about to sip in my cup when I saw a familiar face from a far. He was wearing a gray sweater, a gray joggerpants and a white sneaker. Add the shades and his messy hair that made him look hot as ever. He was heading towards my direction so I suddenly felt nervous I turned my eyes on the other side, pretending that I didn't saw him

Casquiera Series #1:Sands Of Time Where stories live. Discover now