Chapter 3

1K 168 11
                                    

Marien

Nasa library ako ngayon, nagrereview kasama ang mga classmates ko sa isang subject. Nasa dulo ako nakaupo sa harap ng table kung saan nakalagay ang bag at tatlong libro. Habang sila naman ay tatlong metro ang layo sa akin dahil mas gusto nila ang group study.

Vacant time namin ngayon at konting minuto nalang ay lunch time na. Hindi ko kasama ang dalawang linta dahil class hours pa nila.

11:48 na ng tignan ko ang oras sa aking cellphone, kaagad namang umilaw ang aking cellphone at nakitang nag text si Emay kaya in-open ko kaagad ang message niya.

Emay:

Wer yu?
sama ko BF ko🙈
umayos kayo
Cafeteria ha
Una na kami

Napairap ako sa nabasa. Tumayo kaagad ako at linagay ang cellphone sa bag bago kinuha lahat ng gamit at nagpaalam sa mga kaklase.

Pagkalabas ko ay naabutan kong nakasandal si Aki sa haligi habang nakayuko at nakatingin sa kaniyang mga sapatos, suot ang backpack . Nang tumigil ako sa harap niya ay umangat siya ng tingin.

"Tara!" Sabi ko habang nakangiti. Agad naman siyang ngumiti na para bang namamangha. Kumaway ako at doon umiba ang itsura niya agad naman siyang umiwas ng tingin

"A-ahh.. Oo! O-oo tar-ra!" Sabi niya at naunang lumakad. Nagtaka ako ngunit hinayaan nalang iyon at hinabol siya. Alam niyang palagi akong nandito sa library tuwing may vacant kami sa tanghali

Pagkapasok namin sa cafeteria ay hinanap ko kaagad si Emay. Nang nakita siya ay tumatawa ito at hinahampas hampas ang balikat ng lalaking katabi niya. Naka white polo ito at nakablue na slacks. Nakabukas ang tatlong butones at nakatupi ang manggas

Umupo ako sa bakanteng upuan sa harap ng lalaking katabi ni Emay nang di nakatingin sa kanila. Linagay ko ang aking bag sa kabilang tabi ko at tumingin kay Aki na kakaupo pa lang. Tahimik naman ang dalawa ngunit hindi ko ito pinansin.

"Ahhh guys! Si Yohan b-boyfriend ko hihi" Ani Emay at bahid sa kaniyang boses ang kilig at hiya. Tumayo naman si Aki kaya napatingin kami sa kaniya

"Akirell Andrade bro. Aki nalang" Seryoso at pormal na pagpapakilala ni Aki, inilahad niya ang kaniyang kamay sa katabi ng kaibigan. Tinanggap naman nito at sinabi ang pangalan. Inangat ko naman ang tingin sa lalaking katapat ko, tatlo sila ay nakatingin na sa akin na para bang may hinihintay.

"Rien" Tipid akong ngumiti at inilahad ang aking kamay. Tinanggap niya naman ito at agad sumagot habang nakikipagkamayan parin

"Eiji Yohan Lucreta. Ikinagagalak kong makilala ka" Pagpapakilala niya. Mangha naman siyang tumingin sa akin habang ang kaniyang mga mata ay mapupungay.

Inagaw ko naman kaagad ang kamay ko at umayos ng upo. Kaagad namang nag usap ang dalawa.

Nagboluntaryo ang dalawang lalaki na sila na ang oorder kaya naiwan kaming dalawa ni Emay. Tahimik kaming dalawa habang naghihintay pero nakikita ko mula sa gilid ng aking mga mata na tinitignan niya ako paminsan minsan.

Alam kong gusto niya akong kausapin at tanongin kung nagugustuhan ko ba itong boyfriend niyang si Yohan para sa kaniya. Ngunit hindi siya kumibo at mula sa gilid ng aking mga mata ay nakikita kong nakayuko siya at tinitignan ang kamay, nilalaro ang mga kuko.

Kaya nang dumating na ang dalawa ay nagsimula na kaming kumain.

Nagkwekwentuhan silang tatlo, tinatalo ang katahimikan at kinikilala ang isa't isa habang ako ay tahimik lang na kumakain. Minsan ay nakikitawa rin sa mga joke ni Aki at mga sinasabi ni Emay nakikinig lamang itong si Yohan kay Aki na naguusap tungkol sa totoong ugali ni Emay.

Casquiera Series #1:Sands Of Time Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon