Chapter 5

775 147 4
                                    

Marien

"Ate... sama ako" pagmamakaawa ni Kina, nakahawak siya sa laylayan ng aking damit habang pinipilit akong isama siya sa palengke

"hindi" inis kong sabi sabay alis ng kaniyang mga kamay sa aking damit

bago ako umalis ay sinabihan ko ang dalawa kong kapatid na bantayan ang bahay at wag magpapasok ng kung sino sino. Si papa ay may trabaho tuwing linggo kaya ako ang namamalengke dahil kaya ko naman. Ako rin palagi ang gumagawa ng mga gawaing bahay at minsan ay tinutulungan ako ng dalawa kong TAMAD na kapatid.

Pagkalabas ko ng gate ay sinarado ko kaagad iyon at tumungo papuntang main highway, doon sa unahan sa may crossing, doon kasi ang sakayan ng mga tricycle, jeep at iba pang nagpapasada

"Bayad po" Sabi ko pagkahinto ng tricycle sa tapat ng botika. Lumabas kaagad ako at binuklat ang payong. Pucha ang init naman! Tanghaling tapat kasi

Tinahak ko ang daan papuntang palengke, sa likod lang ito ng botika kaya nakarating kaagad ako. Linabas ko ang aking listahan at pitaka habang bitbit ang basket at ang payong.

Dala ang dalawang malaking plastic cellophane habang nakasabit naman sa braso ko ang basket. Nasa tapat na ako ng botika at naghihintay ng masaksakyan ngunit napagod pa ako kaya nagpahinga muna ako saglit.

"Hey"

Nagpupunas ako ng aking leeg ng sumulpot siya sa harap ko. Naka white shirt na may print na 'Fly Emirates' siya, naka cargo pants at naka tsinelas. Nakangiti siya sa akin habang nasa loob ng dalawa niyang bulsa ang kaniyang kamay.

"Oh. Ano ginagawa mo dito?" Tanong ko habang ang isa kong kilay ay nakataas. Nagtataka ako dahil ang isang katulad niya ay nandito sa palengke, ang init pa.

"Just passing by" Sabi niya habang nakatingin sa ibang dereksyon

"Ahh" Sabi ko. Akmang aalis ako ng pigilan niya ako

"Mukhang ang bibigat niyan ah. Tara! I'll drive you home" Pag-aaya niya. Kinuha niya ang kaniyang susi at pinakita ito sa akin.

"Wag na. Kaya ko na 'to" Pigil ko sa kaniya. Agad niya namang kinuha mula sa mga kamay ko ang dalawang malaking plastic cellophane.

"I insist. This is me, saying sorry for blaming you back there" Napakamot siya sa kaniyang batok. Ang tinutukoy niya ba ay iyong nangyari sa kaniyang sasakyan noong una naming pagkikita? Napatingin ako sa kaniyang sasakyan na nakaparking sa ilalim ng puno bago bumaling sa kaniya.

"Wala 'yon" Sabi ko.

"So... let's go? I have nothing to do anyways." Ani niya. Bimuhat niya ang dalawang plastic cellophane sa kanan niyang kamay at kinuha ang payong ko upang buksan ito. Tumango ako at sumunod sa kaniya papuntang sasakyan niya

hindi ko na tinuro ang daan papuntang bahay dahil alam niya na daw, kasi malapit lang ang bahay ng tita niya sa amin. Nagkwentuhan lang kami habang nagmamaneho siya, may konting alam na ako tungkol sa kaniya. 4th year na siya sa college at since 1st year ay varsity na daw siya. Nagiisa lang rin siyang anak. Ang nanay niya ay nagtratrabaho sa munisipyo bilang budget officer. At hindi din daw siya lasenggero at minsan lang daw siya nambabae. May pa minsan-minsan pa eh pwede namang araw arawin. Sus

Tapat na tapat na ang araw ng makarating kami sa bahay. Pinapasok ko siya dahil nakakahiya naman kung papaalisin ko kaagad hindi naman siya tumanggi at wala rin naman daw siyang gagawin. Pagkapasok namin sa bahay ay bumungad sa amin ang nanonood ng tv na si Kina. Tinignan ko ng buo ang sala namin at naghahanap ng kalat ngunit wala akong nakita.

Pinaupo ko muna si Archi sa sofa, agad naman siyang in-interview ng bungangera kong kapatid. Tumungo ako sa kusina dala ang basket at ang dalawang plastic cellophane bags.

Casquiera Series #1:Sands Of Time Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon