Chapter 12

513 113 0
                                    

Marien

"Tito gising na po yata si Rien" Rinig kong sabi ng pamilyar na boses ni Emay. Pagkamulat ko ng aking mga mata ay agad akong napatingin sa paligid nang makitang halos puti ang nakapalibot sa akin. Tinignan ko ang kamay ko nang maramdamang may nakaturok doon, matagal kong tinignan ang IV sa may bandang pulso ko bago tumingin sa damit ko na hospital dress na.. nasa hospital ako?

Napatingin ako sa pintuan nang pumasok ang isang doktor kasabay ang isang nurse at sa likod naman nila ay si papa na nag aalalang nakatingin sa akin. Batid kong hindi pa siya nakapagbihis dahil ang suot niya kahapon noong umalis siya ay ganun parin ang suot niya ngayon

Tumingin ako sa doktor nang tuluyan na itong nakalapit sa akin, nanghihinang sinagot ko naman lahat ng tanong niya at halos ng tanong niya ay tungkol sa sugat ko sa tuhod na natamo ko. Bago siya umalis ay pinagbilinan muna niya ako ng mga dapat kong gawin at ng mga dapat kong iwasan. Pagkalabas niya ay agad niyang sinama si papa palabas para makausap ito ng masinsinan,

"Gaga ka talaga as ever! Pinakaba mo ako sis. Ano ba kasing nangyari diyan sa tuhod mo?" Naiirita niyang tanong pagkaalis ng nurse, lumapit siya sa akin at hinawakan kaagad ang kamay ko. Mahina akong napatawa nang mapansing may namumuong mga luha sa gilid ng kaniyang mga mata. Hindi man lang tinanong kung kamusta ang pakiramdam ko, bait talaga nito

"Huwag mo nga akong tawanan. KJ 'to magd-drama sana me eh" Maarte niyang sabi. Inirapan ko nalang siya dahil wala naman akong masasagot sa sinabi niya

"Bhie! Mamaya na nga pala yung laro ni kap, pa'no na yan? Di natin siya ma i-cheer" Nag aalala niyang sabi ngumuso siya sabay humalagpak ng upo sa silya na katabi ng hospital bed paharap sa akin. Bumuga ako ng marahan sabay tingin sa labas ng bintana. Nangako ako sa kaniya na pupunta ako at susuportahan siya ngayong araw pero mukhang imposible ko nang magagawa yun dahil bukod sa hindi pa ako makakapaglakad ay hindi niya pwedeng malaman na nandito ako sa hospital

"Hindi.. ko a-alam" Malungkot akong napayuko habang nilalaro ang mga kamay ko. Ano nalang ang sasabihin ko sa kaniya pagkatapos kapag tinanong niya ako kung bakit hindi ako nakapunta ng laro nila? Na na-admit ako sa hospital at nagkalagnat ako dahil sa sugat ko sa tuhod? Alam kong medyo hindi naman big deal pero.. nahihiya ako!

"Di bale! Manonood nalang tayo ng live, meron naman daw" Excited niyang sabi at nakangiting inilabas ang cellphone mula sa bulsa. Tumaas ang aking kilay sa narinig

"Teka teka lang! Hindi ka manonood sa game?" Kunot noo kong tanong. Naguguluhang tumingin siya sa akin bago ibinalik ulit ang atensiyon sa cellphone

"Tanga! Hindi kita pwedeng iwan dito no" Mataray niyang sagot. Napangiti naman ako nang marinig ang sinabi niya, kahit medyo mataray at medyo maldita yan, mabait talaga yan lalo na kapag napaka close mo sa kaniya. At dahil sa katarayan at kamalditahan niya ay naging malapit kaming magkaibigan noon simula elementary, siya yung taong maaasahan mo, siya rin yung taong kahit isusubo niya na ay ibinibigay niya pa ito sa iba.

Ilang minuto ang nakalipas tahimik lang kaming dalawa ni Emay hanggang sa pumasok si papa na hindi parin maipinta ang mukha. Nag aalalang lumapit siya sa akin at mahina akong niyakap, agad namang nagpaalam na lalabas si Emay kaya pagkalabas nito ay umupo kaagad si papa sa upuan na inuupuan ni Emay kanina

"Papa anong sabi ng doktor, bakit ako tinanong ng doktor tungkol sa tuhod ko?" Pabulong kong tanong. Nawala naman ang pag aalala ko nang ngumiti siya sa akin

"Pasensya ka na anak ha, alam kong hindi ko kayo nabibigyan ng sapat na atensiyon at hindi ko kayo naaalagaan ng maayos. Pinapaubya ko nalang sa'yo ang mga gawaing bahay lalo na ang mga kapatid mo. Sabihin mo lang anak kung nahihirapan ka ha?" Malungkot na ngumiti si papa habang hinahaplos ang ulo ko. Hindi ko maintindihan si papa, anong ibig niyang sabihin?

Casquiera Series #1:Sands Of Time Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon