Chapter 23

359 68 3
                                    

Marien

"Hindi ko alam 'may! Hindi ko na alam kung anong susunod kong gagawin kapag nagkita kami ulit" Nababagot kong sabi habang nakatingin sa mga materials na kinukuha ni Luke para sa project namin. Narinig kong napasinghap ang katawag sa kabilang linya

"Akala mo naman kung sino 'yong Richelle na 'yon! Kung makaasta akala mo lumaki sa pilipinas. Pagkauwi ko dyan bukas pupuntahan ko talaga iyon at sasabunutan! Naiistress dede ko sa babaitang yun!" Inis na inis niyang sabi. Napailing nalang ako. Napatingin ako kay Luke ng tumingin siya sa akin na may pag aalala ang mukha, alam kong naririnig niya ang mga sinasabi ko kay Emay dahil kaharap ko lang siya pero hindi naman niya naririnig ang mga sinasabi ni Emay dahil hindi ito naka loudspeaker. Ngumiti lang ako sa kaniya at sumenyas na ipagpatuloy ang pagkukuha ng materials

Kinausap ko siya kaninang umaga na gawin ulit ang project namin ngayon dahil sa sobrang galit at lutang ko parin kagabi dahil sa insidenteng nangyari noong isang linggo, aksidente kong nahulog sa study table ang 3d project namin. Pinaliwanag ko sa kaniya ang aksidenteng nangyari pero sa gulat ko ay um-oo lang siya, tinanong ko kung galit ba siya o hindi pero ang sabi niya ay hindi naman daw dahil kailangan din naming umulit kasi maraming mali sa ginawa namin at ngayon ngayon lang din daw niya napagtanto

"Ako nalang kakausap diyan kay Kap" Sabi niya na para bang iyon ang sagot sa problema ko na pinoproblema niya

"Wag. Baka kung ano pa isipin 'non" Reklamo ko

"Eh paano yan kapag nagkita kayo ngayon? Paano kapag makikita mo siya diyan ngayon mismo?" Giit niya. Tumingin ako sa paligid at hinanap siya. Umaasa na baka nandito siya ngayon

"Ewan. Bahala na" Walang gana kong sagot at ibinalik ang tingin sa kaharap. Ilang minuto pa kaming nagusap at nagbanggayan bago kami nagpaalam sa isa't isa

Pagkababa ko ng aking selpon ay maingay akong napabuntong hininga. Napaangat ako ng tingin kay Luke nang tumingin na naman ito sa akin pero nakangiti na siya ngayon at para bang alam na alam niya ang pinoproblema ko habang nakatingin ng deretso sa mga mata ko. Bumelat ako sa kaniya kaya napatawa siya ng mahina

"Tingin ka ng tingin sa akin, crush mo ako 'no?" Kaswal kong tanong habang nakatingin sa shelf kung saan nakalagay ang mga materials. Nakikita ko mula sa gilid ng aking mga mata na napatawa na naman siya habang nakayuko at nakakamot sa likod ng ulo

"Ano? Hindi no! I have a girlfriend" Hindi makapaniwalang tumingin siya sa akin. Ako naman na nagulat ay napatitig sa kaniya

Ang isang Lucas Navarro ay may ka-relasyon? Since high-school ni hindi ko siya nakitang nagkakagusto sa mga kaklase naming mga babae o sinong babae sa loob ng school, hindi ko lang alam sa labas ng paaralan. Alam ng lahat kung gaano ka studios type si Luke na pati sa recess, free time, pagdating sa school sa umaga at pati sa uwian ay may hawak hawak na libro na nakabuklat at titig na titig siya rito na animo'y isang story book na sabik na sabik kang basahin. Hindi naman siya nerdy type na estudyante na sinisiksik ang sarili sa isang sulok at sumasalita lang kapag tinatanong ng guro, sa totoo lang maingay talaga siya pero hindi naman gaano ka ingay, wala siyang glasses, active naman sa mga activities sa school kapag pinapasali ng teacher lalo na iyong mga quiz-quiz at ka compete mo iyong mga estudyante sa ibang school, ewan hindi naman ako sumasali sa mga ganon nasusuka kasi ako sa van, iyon kasi ang ginagamit palagi kapag pumupunta sa ibang school kapag igaganap na ang laro. Mukhang hindi naman siya napipilitan dahil mas gusto niya iyon at may thrill daw kapag ang kaniyang pinagaaralan ay tumutungo sa next level

"Ha? May girlfriend ka pala? Nagg-girlfriend ka pala?" Hindi makapaniwala kong sabi. Napangisi naman siya habang nakatingala at may inaabot na malapad na card board sa pinakataas ng shelf. Tuluyan akong humarap sa kaniya

Casquiera Series #1:Sands Of Time Onde histórias criam vida. Descubra agora