Chapter 13

557 102 1
                                    

Marien

Kailan lang? Bakit ganito ang nararamdaman ko tuwing lumalapit siya sa akin? Tapos parang wala lang sa kaniya. Medyo nasaktan ako sa isiping yun, kung ako may nararamdaman, may nararamdaman din kaya siya? Simula noong binigyan niya ako ng halik sa noo, palagi na akong naiilang tuwing nandiyan siya. At mas lalong lumala simula noong nagboluntaryo siyang sasamahan niya kami ni Emay sa hospital, nagtagal ako sa hospital ng tatlong araw at sa tatlong araw na yun ay halos di ako makagalaw dahil sa tuwing gagalaw ako ay nandiyan siya para umalalay sa akin.

Tanging si Emay, ang mga kapatid ko at si Archi lang ang nagbabantay at nagaalaga sa akin sa tatlong araw na pamamalagi ko sa hospital
Si Aki naman ay naging busy sa part time job niya dahil simula na nang undas break, hindi man lang niya ako binisita, simula non ay kinakamusta ko na siya through text pero tuwing gabi lang siya nagrereply dahil busy siya sa umaga. Napapansin ko ring iniiwasan niya ako sa di ko alam na kadahilanan kaya minabuti ko nalang na paminsan ko nalang siyang kamustahin, alam ko namang sasabihin niya rin sa akin kapag handa na siya, kung ano man ang sasabihin niya..

Si papa ay palagi kong pinapauwi tuwing binibisita niya ako, alam kong pagod na pagod siya sa trabaho kaya pinapauwi ko nalang para makapagpahinga naman si papa kahit papaano at para hindi rin siya magkasakit

"Ako na nga" Naiiritang inagaw niya sa akin ang bag na may lamang mga damit ko, hindi naman mabigat at kaya ko naman dahil konti lang naman ang laman. Hindi na ako nagreklamo at nauna nang lumabas kasunod ni Emay. Ngayon na ang araw na pwede na akong umuwi, namalagi ako ng tatlong araw sa hospital para maobserbaran ang tuhod ko at ang lagnat ko. Medyo nanghinayang ako nang dalhin ako ni papa dito sa hospital, pwede namang sa bahay nalang sana ako nagpagaling tutal nilagnat lang naman ako at pwede namang maghilom ang sugat ko sa tuhod, at alam ko ring sinadya niyang huwag sabihin sa akin kung magkano ang bill ko rito sa hospital dahil alam niyang babayaran at babayaran ko siya. Pero naintindihan ko naman kung bakit niya ako rito dinala sa hospital, gusto niya lang makampante na magiging maayos at gagaling ako habang nagtra-trabaho siya sa gabi. Nagtra-trabaho siya mula alas singko ng hapon hanggang alas 9 ng gabi sa isang restaurant at mula 12 hanggang 5 ng umaga ay call center agent naman siya

"Kain kaya muna tayo sa labas?" Panimula ni Emay nang makapasok kaming tatlo sa sasakyan ni Archi. Pinaandar muna ni Archi ang sasakyan niya at palabas na kami nang parking lot nang sagutin ko ang tanong ni Emay

"Sige uh.. okay lang ba sayo Archi?" Tanong ko kay Archi na nakatutok ang atensiyon sa pagdra-drayb, nagtatakang nakangiting bumaling siya sa akin bago bumalik ng tingin sa harap. Hindi na siya ngayon naka mask, simula noong game nila. Malaya na ako ngayon na matititigan ang kaniyang mukha at wala nang balakid

"Magaling ka na rin naman kaya sige" Nakangiti niyang sabi. Kinagat ko ang aking labi nang maisip na makakasama ko naman siya ngayong araw. Kailangan ko rin ng break kahit one day lang, mas lalo lang akong nahuhulog sa kaniya tuwing kasama ko siya. Nahuhulog ako sa ngiti, sa paraan ng pag aalaga niya sa akin at lalo akong nahuhulog tuwing tinititigan niya ako ng matagal kapag nagkwe-kwento ako. Malala na ba ako? I mean.. may gusto ba talaga ako sa kaniya? Nagwa-gwapohan ka lang, sabi ng isang parte ng isip ko. Tumango tango naman ako bilang pagsasangayon. TAMA! Nagwa-gwapohan lang talaga ako sa kaniya

"Itetext ko nalang si papa na kakain muna tayo sa labas" Sabi ko kapagkuwan. Agad naman nag usap ang dalawa kung saan kami kakain habang ako naman ay nagtitipa sa cellphone ko, kinakausap si papa.

From: Papa

Tumawag pala ang tita desi mo kanina kinakamusta ka. Tinatanong niya rin kung nakapagisip isip ka na raw ba, tutal ilang buwan nalang 3rd year ka na nak

11:38 pm

Iyon ang huling text ni papa sa akin, hindi ko nalang nireply-an tutal hindi pa naman ako nakapagdesisiyon.. so may chance na gusto mong tanggapin ang alok? tanong ko sa sarili ko. Sa totoo lang matagal na akong nakapagdesisiyon, hindi ako aalis.. hindi ko iiwan sina Kina, Rys at papa. Malaking opportunity ang nakabukas para sa akin pero hindi ko naman yata kayang malayo sa kanila, di ko kakayanin. Dito lang ako, ayaw ko ring malayo sa kaniya

Casquiera Series #1:Sands Of Time Where stories live. Discover now