Chapter 25

396 59 1
                                    

Marien

"Archi.. Gising na.." Bulong ko habang niyuyugyog ang kaniyang balikat. Matagal siyang nagising bago gumalaw at dahan dahang minulat ang mga mata

Magaalas kuwatro na ng umaga. Inagahan ko ang paggising para gisingin si Archi para hindi siya maabutan ni papa dito, malalagot talaga kami lalo na ako kapag malaman niyang may pinatulog ako dito at lasing pa

"Hmm?" Inaantok niyang tanong habang nakatingin sa kawalan

"Kailangan mo nang umalis rito. Maabutan tayo ni papa" ani ko na parang takot na girlfriend na tinatago ang jowa.

Napahawak siya sa kaniyang ulo nang umupo siya at medyo mulat na ang mga mata. Kunot noo itong tumingin sa paligid bago umangat ng tingin sa akin. Nagulat ito noong una pero kalaunan ay kumalma naman kaagad

"Ri? A.. anong ginagawa ko rito?" Naguguluhan siyang tumingin ulit sa kabuunan ng kwarto bago tumingin sa kama at umangat ng tingin sa akin. Umupo ako sa tabi niya at itinukod ang isang kamay bilang suporta

"Lasing na lasing ka kasi kagabi. Ewan ko sa kaibigan mo bakit ka niya dinala rito, ayaw mo rin naman kasing umuwi sa inyo. Wala naman akong magagawa kasi umuwi pang Graciela 'yon kagabi" Paliwanag ko

"Gago talaga" Bulong nito, rinig na rinig ang galit sa kaniyang boses

"Uh.. Gusto mo bang kumain muna bago ka umalis?" Tumayo ako mula sa kinauupuan. Handa nang umalis para ipagluto siya ng agahan kung sakali. Nakatingin lang ako ng deretso sa kaniya, hinihintay ang kaniyang sasabihin. Ngunit nakikipaglaban lang din siya ng titig sa akin, parang walang masabi o nasa mukha ko yung isasagot niya na hindi niya mabasa basa. Kahit medyo madilim at tanging ilaw lang galing sa night light na nasa center table ay nakikita ko pa rin ang gwapo niyang mukha. Kahit mukhang sabog siya ngayon ang gwapo niya parin. Kung hindi ko siguro ito kilala matagal ko na 'tong pinagkamalang artista o model.

"I'm sorry. G-galit ka pa ba sakin?" Parang tuta na ito kung makatingin sa akin. Takot na takot sa magiging reaksiyon o sasabihin ko

Sa halip na sagutin siya ay tumingin ako sa ibang dereksiyon. Pinipilit ang sariling kumalma. Oo galit pa ako sa kaniya pero hindi na kagaya ng dati. Hindi ko alam kung papaniwalaan ko ba iyong mga sinabi niya kagabi, walang kasiguraduhan kung totoong nakokonsensya nga siya sa mga sinabi niya sa akin. Pero sa nakikita ko ngayon mukhang sising sisi naman siya sa ginawa niya

Pati ba iyong huli niyang sinabi may katotohanan din kaya iyon?

Kasi ayokong aasa na naman ako sa wala. Nandito parin yung takot na hinding hindi niya ako magugustuhan kasi hindi naman niya ako kalebel. Hindi ako kalebel ni Faye,hindi ko sila kagaya. Kasi nasa baba ako habang sila naman iyong mga nasa taas. Ang gulo diba?

"Sorry na please" pagmamakaawa niya. Tumingin ako sa kaniya nang inabot niya ang kamay ko at mahigpit na hinawakan iyon na para bang aalis ako at handa nang iwan siya

"Sorry sa mga sinabi ko. Hindi ko iyon sinasadya. Sana mapatawad mo ako"

Maingay akong napasinghap at simpleng ngiting tumango sa kaniya. Agad namang lumiwanag ang mukha niya na parang nanalo sa lottery. Pinalawak niya ang kaniyang mga kamay at sumenyas na yakapin siya. Walang pagdadalawang isip na lumapit ako sa kaniya at agad siyang niyakap. Nang sinalubong ako ng mabango niyang damit ay mas lumawak ang aking mga ngiti, nakakaturn-on talaga ang mga lalaking ganito lalo na kapag sobrang bango. Binaon niya ang kaniyang mukha sa aking leeg pero nagulat ako nang maramdaman ang pagdampi ng kaniyang malambot na labi sa aking leeg. Parang nanghina ako ng tatlong beses niyang ginawa iyon. Pero medyo nakabawi din naman kaagad ng kumawala na sa pagkakayakap. Ilang segundo kaming nagtitigan hanggang sa mahina siyang napatawa kaya napatawa rin ako, bago namin napagdesisiyunang tumayo

Casquiera Series #1:Sands Of Time Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon