Chapter Thirty One : Part 2

35.8K 864 22
                                    

A/N : SORRY SA LATE UPDATE..BUSY KASI EH..SANA MAY NAGBABASA PA NITO :)

Winter's Pov :

"Tumiwalag kana pala sa grupo King! Hindi nga ako nagkakamali ng hinala na tatraydorin mo kaming kasapi mo noon"

Akala ko tumigil na sila dahil wala na silang leader na maasahan pagdating sa pagtatakbo ng organisasyong ito, nakalimutan kung matagal na pala akong pinapadispatya ni dos para lang siya ang maging pinuno.

Pati pagiging magkaibigan namin ng ilang taon ay pinagpalit niya para sa mga bagayng hindi naman dapat pahalagahan.

"Shock? Well as you can see, ako na ang bagong pinuno ng org nato, paano ba naman kasi, iniwan kami ng boss namin at ipinagpalit sa ibang org. Nagsisi nga kami kung bakit ikaw pa ang naging boss namin noon dahil kung alam lang namin na ganito pala ang gagawin mo samin, baka hindi mo na naranasang maging isang pinuno."

"Itigil na natin ang kalokohang ito dos! Kahit anong gagawin mo! Wala ng magaganap na war!"

"Ha! Bakit ko ititigil kung ikaw naman mismo ang nagsimula nito?! Diba gusto mong mamuno sa lahat?! Diba ginusto mo tuh?! Pero bakit gusto mong tigilan ko na tuh?! Naduduwag ka na ba ngayon?!"

"Kahit kailan hindi ako duwag dos at alam mo yan pero hindi na kasi tama ito! Kaya tigilan na natin tuh!"

"Tigilan?! TIGILAN?! kung lahat ng bagay napipigilan sana maganda ang buhay ko ngayon! Edi sana kompleto pa kaming magkapamilya ngayon! Edi sana hindi nangyayari lahat ng mga bagay noon!"

"A-anong ibig mong sabihin dos?"

"Hindi mo alam?! Tang*** ka pala eh!!! Sisihin mo ang mga kapatid mo dahil sila ang may kapakanan kung bakit nangyayari ang lahat ng gulong eto!!! Sana mawala na sila sa mundo!! Katulad ng ginawa nila sa pamilya kung walang-awa nilang pinatay!!!"

"Baka nagkakamali ka lang ng paratang dos, alam kung hindi sila pumapatay ng walang kasalanang ginawa"

"NAKITA KO!! Kitang-kita ng dalawang mata ko kung paano nila pinatay sa harap ko ang pamilya ko!! Ang mas masakit ay kitang-kita ko kung paano nila kinuha ang puso ng tatay ko sa harap ko mismo!!! Kitang-kita ko noon pagdating ko sa bahay na patay na ang nanay ko at mga kapatid ko at sa walang sawa nilang pagpatay sa tatay ko!! Hindi pa ba masama yun?!! Alam kung walang ginagawa ang pamilya ko dahil alam ko lahat bawat galaw nila!!!"

Grabe, hindi ako naniniwala sa mga sinasabi niya. Oo, alam kung pumapatay ang mga kapatid ko pero sa mga taong may kasalanan lang. Magsasalita pa sana ako ng unahan ako ni Ice.

"Sinungaling"

"Sinungaling?!!!!"

"Oo, sinungaling ka. Nagkakamali ka ng akala na lahat ng galaw ng pamilya mo ay kabisado muna. Hindi mo alam na sa mga oras pala na wala ka ay iba na ang ginagawa ng tatay mo, at tsaka pinatay namin ang mga kapatid mo at nanay mo?! Tsk! Leche plan ka pala eh!" Ice

"A-anong ibig mong sabihin?! Na lahat ng nakikita ng dalawang mata ko ay hindi totoo?!"

"Hindi lahat ng nakikita mo ay totoo" Frost

"To see is what you believe" Dos

"Hindi lahat ng sabi-sabi ay totoo, kaya nga tinatawag na sabi-sabi diba dahil gawa-gawa lang nila ito. Kailangan mo munang alamin ang lahat sa likod ng isang pangyayari bago ka mag-react na parang nakatakas na ahas na sa sobrang likot ay madami na palang nakagat na patalim" Frost

Ano namang connect dun? Hindi ko naintindihan eh

"Ang ibig kung sabihin ay dahil lang sa hindi pag-alam sa likod ng mga pangyayari ay marami kanang nasaktang walang kinalaman sa nangyayari sa paligid mo, hindi mo alam na lahat ng nakikita mo ay patibong lang pala ng kalaban. Hindi ikaw ang kalaban namin dos but if you insist, sure why not coconut diba?" Frost

"Pwede bang dieritsuhin niyo nalang ako!?!"

"That time..."

Nabaling ang tingin namin kay ice ng bigla itong nagsalita.

"Naglalaro lang kami ng habulan ni frost sa tapat ng bahay namin ng makarinig kami ng nag-aaway at nagsisigawan, dahil gusto kung malaman kung ano yun ay pinuntahan ko at dahil wala din namang choice si frost ay sumunod siya sakin

Nalaman namin na sa katabing bahay lang pala namin. 11 years old palang kaming dalawa ni frost pero marami na kaming alam kaya alam naming hindi maganda ang nangyayari dun. Hindi na sana namin papansinin yun ng masilip ko ang bintana niyo.

Nabigla ako sa nakita ko at pati narin si frost, alam mo ba kung bakit? Dahil hindi ko akalaing kaya ng isang ama ang gahasain ang sariling anak sa harap pa ng isang nanay na nakatali ang mga kamay at paa para hindi makawala"

Maluha-luha namang napatulala si dos pati narin ako, hindi ko akalaing nangyayari pala sakanya ang mga bagay natuh. Nagpatuloy naman sa pagkwento si Ice

"Gusto ko na sanang puntahan dun ang mga magulang mo para tulungan pero agad akong pinigilan ni frost, sabi niya tatawag nalang daw kami ng pulis dahil hindi pa kami masyadong bihasa pagdating sa mga ganung bagay.

Tinawagan nga namin pero makalipas ang ilang minuto ay walang ni isang pulis ang dumating, hindi nga sila macontact eh kaya hindi ko na napigilan at napasugod ako sa bahay niyo ng makita kung naglabas ng baril ang tatay mo pagkatapos niyang gahasain ang kapatid mo.

Pagpasok ko sa bahay niyo ay huli na, huli na ako dahil nakarinig ako ng sabay-sabay na putok ng baril at nakita ko nalang na nakahandusay na ang kapatid at nanay mo. Nagdilim yung paningin ko at dun na nagsimula ang pagtorture namin sa tatay mo at dun mo din kami nakitang pinapatay namin ng dahan-dahan ang tatay mo kaya para maging madali ang lahat , wala kaming kasalanan sa nangyari dahil kung tutuusin, ang sarili mo pang tatay ang may kasalanan"

"H-hindi, h-hindi yan totoo!!! Mamamatay nakayong lahat ngayon!!! Lalong-lalo na kayo ice at frost!! AHHH!!"

"WAGGGGG!!!!!!!!"

*bang!*

God! Babarilin na din sana ni Ice si dos pero humarang si Trace sa daan at tsaka naman sabayng bumagsak ang katawan nilang dalawa ni dos. Bumaril din kasi si Ice at tumama iyon kay Dos habang nabaril naman ni dos si Trace pero kung titignan mo parang si Ice yung bumaril kay trace dahil nasa harapan ni Ice si trace na ngayon ay nakahandusay.

Pero kung si Ace ang makakita ng ganung set-up ay alam kung hindi niya mapagbintangan ng bagay na hindi naman ginawa ni ice dahil alam kung may tiwala siya kay Ice

Lalapitan na sana namin si Trace ng bigla nalang dumating si Ace kasama yung iba. Shock naman siya ng makita niya ang ate niya.

"ATE!!!"

Dali-dali niya itong nilapitan at tsaka binuhat pero bago siya lumabas ay lumingon pa siya kay Ice at sinabi ang mga katagang hindi naman dapat para kay Ice.

"WHAT HAVE YOU DONE!!?"

At iniwan niya kaming natulala at napaluhod nalang si Ice kaya nilapitan naman ito ni frost at tinulungang tumayo.

Hindi ko akalaing mababaw lang pala ang tiwala ni Ace sa kapatid ko...sana hindi ko nalang pinagkatiwala sa kanya si Ice kung sasaktan lang din naman niya ng ganito ang kapatid ko, mas mabuti pang ibang lalaki nalang, yung malaki ang tiwala sa taong mahal niya

The Cold Empress/Gangster ✔️ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon