Chapter Twenty : Part 2

53K 1.1K 20
                                    

A/N : ENJOY PO SA PAGBABASA AND PLS DON'T FORGET TO VOTE OR COMMENT :)

Chapter Twenty : Part 2

Ice Pov :

"ROAARRRR!!/SSSSSSSS!!/TWITTWIT/GRRRR!!"

Hindi ko talaga inaasahan tuh, lagot na, mukhang may nangyari sa control ah, and yes hindi sila totoo kundi isa din yan sa mga ininvent ko. Mukhang may gumamit ng control ng hindi nagpapaalam ah but before that, let's just finish this business dahil mukhang gutom na gutom talaga sila eh kung tutuusin hindi naman sila totoo.

Kung ang lion, tiger at ahas ay nakamamatay pagnakagat ka, pwes ito naman ay sa loob lang ng 30 minutes pag hindi pa naagapan o nahahanapan ng lunas ang kagat mo ay mamamatay kana.

"A-anong gagawin natin Ice?"

Hindi ko pinansin ang tanong sakin nila tristan at naisipan nalang na magpapatuloy sa pagpasok dahil wala na talaga kaming takas dito dahil nakasara na kasi yung pintuan na pinasukan namin.

Unti-unti akong lumapit at unti-unti ding sumalubong sakin ang isang lion kasunod nun ang iba. Hindi lang kasi ang lion, tigre at ahas ang nandito kaya dapat talaga kaming mag-ingat.

"Hime ano ba! Go back here!!!"

Tawag sila ng tawag sakin pero hindi ako nakinig, tinignan ko lang ang mga hayop na nasa harapan ko. Alam kung kahit anong oras ngayon ay mamamatay ako dahil sa mga ito pero dahil sa likas akong matikas ay nagdala ako ng mga armas ng hindi alam ng mga kagang ko pati nadin nila frost.Buti nalang pala at matikas akong tao, akala ko wala ng silbi tuh.

Naglabas ako ng isang katana sa relong suot ko, yung ininvent ko din noon. Pagkatapos ay tinutok ko sa lion na nasa harapan ko.

"Let's just end this game"

Pagkatapos kung sabihin yun ay agad kung pinugutan ng ulo ang lion na nasa harapan ko kanina pagkatapos ay tumalon ako ng mataas at tsaka winasihas ang katana na hawak ko kaya lahat ng nadaanan ko ay napapatay ko. Pero hindi padin yun sapat dahil wala pa sa kalingkinan ng maze na ito ang nandito sa harap.

Pagtingin ko sa likod ko ay nakita ko silang nakatulala na parang hindi naniniwala na hindi totoo yung mga hayop na nilbanan ko.

"P-paanong.."

Tumalikod na ako at naglakad ulit bago ko sila sinabihan kung ano nga ba ang mga ito.

"Isa lang silang mga robot na nakamamatay"

Ramdam ko ding sumusunod sila sakin. Pero ngayon mas sumiksik pa sila sakin. Para tuloy kaming sardinas nito na nasa isang can, ang luwag pa nga ng daan eh pero mas pinili nila ang ganito kesa daw mamatay sila ng maaga.

Third Person's Pov :

"Ano ba naman yan, anong klasing damo tuh at ang baho!"

Kanina pa sila tumigil sa paglalakad dahil narin sa pagod kaya nagpapahinga muna sila sa ilalim ng isang puno.

"Tumahimik ka nga jan Franklord!"

Sigaw ni tristan kay franklord dahil talagang kanina pa siya reklamo ng reklamo dahil sa buong paglalakad nila ay nasa pinaka left side siya kaya halos lahat ng madaanan niya ay may damo talaga DAW.

"Tss, tignan mo pa tuh dali!"

Kahit ayaw ni tristan ay pumunta pa din siya dahil na din sa kaingayan ni Franklord kaya nagbabakasakali siyang pag pumunta siya dun ay hindi na ito mag-iingay.

"Asan?!"

Tinuro naman ni Franklord ang hawak niya kaya tinignan din ito ni Tristan. Pagtingin niya dun sa nahawakan ni Franklord ay nagtaka siya.

The Cold Empress/Gangster ✔️ Where stories live. Discover now