Chapter Thirty Seven :

33.5K 813 46
                                    

A/N : wee..sorry sa mga nabibitin...
Vote comment and be a fan :)

Chapter Thirty Seven :

King's Pov :

Nasa cafeteria ako kasama ang babaeng ito na kung makakain parang wala ng bukas. Pinapaimbistigahan ko kay Finn ang babaeng ito at ang tanging nakuha lang niyang impormasiyon ay ang pangalan nito at tsaka edad.

Kung bakit ko pa pinagtutuunan ng pansin ang babaing ito? Aba ewan ko din ang alam ko lang ay siya lang ang nag-iisang tao na kaya akong sungitan, barahin at tsaka ang isang taong pinapakialaman ang baba ko -_-

Hindi ko alam kung bakit hindi ko masapak ang babaeng tuh..kahit kasi babae sinasaktan ko  kapag hindi ko gusto ang ginagawa pero ito..ewan ko bakit sa lahat ng panlalait na sinasabi niya parang naaaliw pa ako sakanya.

Nagulat nga din si Finn kung bakit ko daw yun pinapaimbistigahan at talagang babae pa..ngayon ko lang kasi yun ginawa dahil wala naman akong pakialam sa lahat.

"Alam mo..ang gwapo gwapo mo pero ang cold mo..ganyan din ako dati eh pero tignan mo ako ngayon..happy go lucky na..subukan mo kaya akong gayahin"

Tinignan ko lang siya habang siya naman ay patuloy sa pagkain ng chocolate cake niya.. Akalain niyong ako pa ang pinabayad niyan..tss

" Hay..masasayang lang ang laway ko sayo..grabe ka... Pero may tanong ako"

"What."

"Marunong ka bang gumawa ng sentence? Katulad nalang ng simple sentence o di kaya naman ay compound sentence"

"Why?"

"Para kasing wala kang alam eh..tignan mo..kahit isang simple sentence...wala ka paring nasabi simula noong nagkakilala tayo"

"Tss"

Eh bakit ba? Nakakatamad kayang magsalita at tsaka hindi kasi ako sanay na magsalita ng mahaba.

Bata palang kasi ako ay hindi ako pinapalabas sa room ko ng mga magulang ko. Pinapadalhan lang nila ako ng makakain at tsaka mga bagong libro tungkol sa mga business at tsaka ibang libro na pang matalino lang.

Sinanay ko na din naman yung sarili ko nun kaya hindi na nagtaka ang mga magulang ko kung bakit ako tahimik at cold nung pinalabas na nila ako..since gusto din naman daw kasi nilang maging isang parang robot ako dahil yun daw talaga ang pangarap nila..

Magkaroon ng isang anak na robot.

"Ay oo nga pala! Nakalimutan kung mag pakilala sayo..ako nga pala si Ice..alam kung Aidan ang pangalan mo pero pwedeko bang malaman ang buo mung pangalan? Pero kung ayaw mo naman..okay lang din saakin"

Hindi ko ugaling magsabi ng buong pangalan ko pero sa pagkakataong ito..hindi ko alam pero kusang lumabas sa bibig ko ang totoo kung pangalan

"Aidan. Aidan Harisson Scott."

***

Natapos na naman ang isang buong araw ko pero hindi ko na ulit nakita si Ice..buti nalang at walang makulit pero parang namiss ko ang panglalait niya? Hay..ewan..ano bang nangyayari sakin..tsk..

Naglalakad na ako ngayon papuntang parking lot ng makita ko si Ice na may kasamang lalaki.. Pamilyar yung lalaki pero hindi ko na maalala kung saan ko yun nakita.

Hindi ko alam pero parang naiinis ako sa nakikita ko ngayon..paano ba naman kasi kung makayakap yung lalaki kay Ice parang linta..tsk at tsaka yung mga ngiti ni Ice iba sa mga nakikita ko kapag ngumingiti siya pag nag-uusap kami.

Ito kasi ay puro saya ang nakikita ko sa mata niya pero nung ngumiti siya nung kasama niya ako..may kasamang lungkot.

Nabigla nalang ako na para bang may sariling buhay ang mga paa ko dahil bigla nalang akong naglalakad papunta doon sa pwesto nila Ice at tsaka dumaan sa gitna nila. Nabigla nga sila eh dahil may daan naman kasi sa gilid nila pero heto ako tanga..dumaan pa sa gitna nila.

Naghiwalay tuloy sila sa pagyayakapan kaya nasira ang moment nila *sarcasm*

"Hoy! Panira ka ah!"

Sigaw nung lalaking kasama niya pero pakialam ko ba diyan tsk. Nainis naman ako nung nakita kung lumapit si Ice dun sa lalaki at pinakalma ito.

"Ano ba naman yan Aidan..may daan naman sa gilid ah! Tsk! Sigurooo......nagseselos ka nuh?"

Aba! Kapal namanng babaeng tuh! Tsk! Ako nagseselos?! Ha! Ang isang king na katulad ko nagseselos?! Bwesit!

"Eto naman ang seryoso ng mukha..joke lang naman eh"

Sabi niya pa ulit pero hindi ko siya pinansin at sinamaan ng tingin yung lalaki na ngayon ay matamang nakatingin sa akin na para bang may inaalala.

"Parang kilala kita ah"

Lumapit ito sakin at tsaka ako pinaikotan ng tingin..tss inlove na siya sakin niyan? Tss

"Parang ikaw talaga eh...patingin nga ng kamay mo"

Bigla niyang hinablot ang kamay ko na parang may tinitignan..nandoon pa naman yung tattoo ko pero grabe! Bading ata itong kasama ni Ice eh.

"Tss hindi ako bading bwesit!"

Baka siya ang bwesit sa aming dalawa..leche! Kung mkabwesit tung isang tuh ah

"Sabi na nga ba eh! Ikaw nga!! Hooooo!!! Welcome back king!!!! Magsasail na naman ang ship ng mga shippers natin haha ROAN for the win hahaha!!! Weee! Em se heppe!!!!"

Niyakap niya akong bigla at tsaka nagtatalon talon na parang bata pero teka teka..sino ba tuh..

"Hindi mo na ako maalala King?! Ako tuh si Frost!!"

The Cold Empress/Gangster ✔️ Where stories live. Discover now