Chapter Twenty : Part 3

48.7K 1K 35
                                    

A/N : HELLO PO SA INYONG LAHAT..SANA MAG-ENJOY KAYO AND PLS DON'T FORGET TO VOTE OR COMMENT :)

Chapter Twenty : Part 3

Third Person's Pov :

Walang nagsasalita kahit ang higanting unggoy ay natahimik, parang natakot din dahil kay Ice. Lalo na ang dalawang taong nagngangalang Tristan at Franklord, bago pa nga lang sila nakatakas sa panganib kanina ay ito na naman ang kinahahantungan nila.

"A-ahehe y-yung control ba *cough* Ice, Uie! Sino daw uie!" Tristan

"H-a ha ha oo nga guys! Magsalita na kayo uie!" Franklord

Seryoso lang na nakatingin ang lahat sa kanilang dalawa lalo na si Ice,para ngang anytime ay kakatayin na niya yung dalawa eh.

"S-sabi ko sayo tristan eh! Umamin ka!" Franklord

"A-aba! Anong ako?! Ikaw kaya yung pindot ng pindot dun!" Tristan

"Aba't---"

"GRRROOOOAAARRR--ack!"

"TUMAHIMIK KA NGANG UNGGOY KA! KITA NG MAY NAG-UUSAP EH!" Franklord at Tristan

Paano ba naman kasi, tinaponan ba naman ng tig-iisang sapatos yung unggoy at talagang sila talagang dalawa.

"Tignan mo! Pati unggoy nadadamay eh! Umamin ka na kasi!" Franklord

"Ako ba niloloko mo?! Eh hindi nga ako eh!"Tristan

"Paano naman kita lolokohin eh wala akong ginawa sayo tsaka tinignan ko lang naman kasi yung control kanina, ni isang hawak hindi ko nga ginawa!" Franklord

"Ako din naman ah! Isang sulyap lang naman ang ginawa ko!" tristan

Nagtinginan naman silang dalawa na para bang nagkasundo.

"EH SINONG GUMAWA?!"Sigaw nilang dalawa

Magsasalita pa sana silang dalawa ng may biglang pinasok si Ice sa mga bunganga nila. Pagtingin nila ay grabe nalang ang gulat nila ng malamang patay na ahas pala ang nilagay ni ice.

"Yan! Mamaya na natin yan pag-uusapan, may kailangan pa tayong asikasuhin dito"

Dali-daling niluwa ng dalawa ang patay na ahas at tsaka nila walang tigil na pinunasan ang bunganga nila

"PWEE! PWEE! KADIRI!!"

Sabay ulit nilang dalawa pero pinabayaan nalang nila ice iyon pero tawa padin ng tawa ang iba.

Tinignan na nila ngayon ang unggoy na nasa harapan nila at agad namang sinugod nila zeke at wayne yun pero winakli lang sila ng unggoy na parang wala lang. Sa laki ba naman ng higanti na unggoy na ito ay hindi talaga ito basta basta lang matatalo.

Habang si zeke at wayne naman ay pinagpahinga muna nila xiarah sa tabi ng isang puno dahil narin sa pagwakli ng unggoy sa kanila ay tumama sila sa isang puno at talaga namang masakit ang pagkalanding nila dahil may mga bato.

Sumunod namang sumugod sila stanley, tristan at franklord na nililito ang unggoy. Mabilis kasing tumakbo ang tatlo kaya iniikutan nila ito habang may isa namang aakyat sa unggoy at yun ay si Franklord.

Nasa likod ng unggoy si franklord at dahil maliit ang mga tao para sa higanti ay para nadin itong lamok para sakanila kaya ang unggoy ay talagang pinipilit maabot si franklord na sinugatan naman ang likod nila gamit ang isang katana na bigay ni Ice kanina sa kanya.

"GRRRRR!!!!"

Sa galit ng unggoy ay nagtalon talon ito para bumagsak si franklord sa likod niya at hindi naman ito nabigo kaya ang resulta, bumagsak na nga siya, nauna pa ang mukha (*facepalm)

"Ajriellzne! Ang gwapo kung mukha!!!huhuhu!!! Leche plan!"

Agad na tumayo si franklord habang nasa mukha padin ang kamay kaya hindi niya na kita ang batong nasa harap niya kaya natalisod siya.

"Leching! BUHAY NAMAN OH!"

Hindi nalang nangialam si franklord sa laban dahil sa sakit na naramdaman niya at ngayon ay nagluluksa siya sa pagkamatay ng mukha niya huhuhu condolence brad at syempre joke lang yun, umupo nalang siya sa gilid nila zeke at wayne na ngayon ay masakit parin ang katawan.

Habang nanunuod sa laban sila wayne ay hindi nila napansin ang isa pang ahas na akala nila kanina ay ubos na pero dahil matibay ang isang ahas nato ay nagtago ba naman sa mga dahon ng puno, mautak siya ha

"AHHH!!"

Naagaw naman ang pansin nila ice at agad napatingin sa gawi nila wayne na ngayon may kagat ng ahas na nakapagpagulat kila ice dahil may 30 minutes nalang sila at dapat nakalabas na sila at makahanap ng lunas para sa kagat.

At dahil nga naagaw ang pansin nila ice ay hindi napansin ni ice na malapit na pala siyang matamakan ng unggoy kung hindi lang siya nailigtas ni Ace.

"Are you okay?"

Alalang tanong ni ace dahil sobrang kaba ang naramdaman niya kanina ng makita niya ang sitwasyon nayun. Tumango lang si Ice bilang sagot.

"We have to get out of here as soon as possible!"

Tumango sila at agad nilabanan ang unggoy hanggang sa may maalala si Xiarah. Dali-dali niyang kinuha ang tali na para daw sana sa hiking nila kaya lang ay hindi ito nagamit kaya binigay niya ito kay ice at tsaka nagsalita.

"Alam kung alam mo ang gagawin kaya tara"

Tumango lang si ice bilang sagot at tsaka sila tumakbong paikot sa unggoy at dahil mabilis silang kumilos ay agad nila itong natalian sa paa nito at tsaka ito pwersahang hinila sa harapan nila at dali-dali naman silang tumakbo paalis sa pwesto nila. Agad naman silang tumakbo papuntang pintuan kung saan makabalik ka na sa mansion habang buhat-buhat ni stanley si wayne.

10 minutes nalang bago tuluyang kumalat ang lason at tsaka tuluyang mamatay si wayne kaya nung nakalabas sila ay para bang may hinahanap si ice sa mga taniman sa paligid nila

"Anong hinahanap mo ice?! Pwedeng mamaya nayan?! Wala na tayong oras!"

Sigaw sakanya ni stanley pero hindi niya ito pinansin at nagpatuloy sa paghahanap. Nahanap naman agad ni ice ang kanyang hinahanap. Isa pala itong control din pero iba sa control kung saan nawawalan ng control ang mga nasa loob ng maze pero itong hawak niya ngayon ay makakapagwala sa mga sugat at kahit ano pang nangyari.

Pati nadin yung mga ininvent ni ice sa loob ng maze ay mababalik sa dati.
Agad namang pinindot ni ice iyon dahil kung hindi ay matitigok si wayne ng wala sa oras. Nalaglag naman ang mga panga nila tristan ng makitang wala na silang galos pati si wayne ay maayos na din ang kalagayan.

"A-anong.."

"One of my inventions too."

Pumasok na sila sa loob ng mansion para makapagpahinga.

***

Habang may ginagawa ang lahat para maibsan ang kaboringan ay nagtaka sila nung umupo si zeke sa sofa at nakinuod sa kanila ay malaki ang ngiti nito na parang nanalo ng house & lot

"Masaya ka ata?" Franklord

"Huh? Ah! Hehe may nakita kasi akong control kanina dito sa sala eh, ito nga oh hehe ganda diba?"

Nanlaki naman ang mata nilang lahat ng mapagtanto ang sinabi ni zeke, so all this time na kay zeke pala ang remote control at talagang nagtalo pa sila tristan at franklord sa wala at nalagyan ng ahas sa bibig.

"Ito na! Pipindutin ko na!"

Mas lalo namang lumaki ang mata nila ng sabihin iyon ni zeke

"WAGG!!!"

*click*

Pero huli na ang lahat dahil napindot na niya ito habang tuwang-tuwa naman si zeke

"GRRROOOAAARRR!!!"

"ZEEEEEKKKKKEEEEE!!!!"

Umalingawngaw ang sigaw nilang lahat sa mansion ng sabay sabay silang sumigaw at buti nalang talaga at walang kahit ano ang makapag-open ng maze except sa mga lock ng pinto.

The Cold Empress/Gangster ✔️ Onde histórias criam vida. Descubra agora