Chapter Thirty Nine :

37.7K 822 32
                                    

A/N : Paalala..gawa-gawa ko lang po ang storyang ito..hindi po ito totoo haha
Vote comment and be a fan :)

Chapter Thirty Nine :

Ice's Pov :

*after one week*

Ang saya talaga pag may slave ka haha pero kawawa naman yung slave mo pero dibali nalang basta ang importante wala na akong masyadong ginagawa dahil pinapagawa ko na sa slave ko. Kilala niyo ba kung sino? Si Aidan lang naman.

Kung nagtatanong kayo kung paano ko yun naging slave eh hindi mo naman yun mauutusan...ganito kasi yun

>>Flashback<<

Nandito kaming dalawa ni Aidan sa ilalim ng isang puno dito sa garden ng school..madalas niya daw kasi itong tambayan dahil nakakarelax daw dito at makakapag-isip ka ng maayos kaya ayun...tinanong ko kasi siya kung saan ang pwedeng tambayan yung makakalanghap ka ng sariwang hangin pero imbis na sagutin niya ako ay hinila nalang niya ako bigla papunta dito.

"Bato bato pick tayo Aidan!"

"Tss...No."

"Sige na...pumayag kana..may twist naman tung game eh....kung sino ang matatalo ay magiging slave ng nanalo ng isang linggo kaya umuo kana"

"..."

"Tss..dali na kasi.....natatakot ka bang matalo ha?!"

"Tsk! Fine"

"Yun naman pala eh...gusto mo pang magpapilit...simulan na nga lang natin"

>>End Of Flashback<<

Yun nga at nagsimula kami at sinwerte naman ako dahil ako ang nanalo sa aming dalawa...priceless nga yung itsura niya eh nung pinapabuhat ko sakanya ang isang maleta na punong-puno ng armas.

Galing kasi yun sa pilipinas..yung mga natitira ko pang mga gamit dun kaya pinadala dito ni Kuya Winter kaya sinama ko na si Aidan papuntang airport para magbuhat ng maleta..ang bigat kaya nun..kahit nga ako hindi ko kayang buhatin yun..ang dami kasing laman na armas.

Si Kuya Winter nga pala,,sasama sana samin si Kuya Winter dito sa korea pero hindi siya pinayagan nila mama dahil may pinapaasikaso pa kasi itong company kaya kailangan niyang magpaiwan.

Last day na ng pagiging slave ni Aidan kaya dapat susulitin ko ang huling araw na tuh pero dahil kailangan ako ng Organisasyon namin ngayon ay balato ko nalang sakanya yung isang araw.

Hindi kasi dapat kami mawala ni Kuya mamaya dahil may ipapakilala dawng bagong myembro ng Organisasyon namin at ito ay isa sa mga guardian naming dalaw ni frost.

Dalawa ang guardian namin ni Kuya at madadagdagan na ito ng isa mamaya..sana naman hindi lampa ang magiging guardian namin..siguro naman hindi dahil marunong namang pumili ng tamang tao si Dad at tsaka malabong maging mahina ito dahil ito ang magiging leader ng mga guardian o sabihin na nating maging unang guardian namin.

Ipapakilala ko sa inyo ang guardian namin ni Kuya para hindi kayo masyadong malito.. Kilala kasi namin ang mga guardian sa totoo nilang pangalan at kilala din naman nila kami.

3rd Guardian - siya si Mark o tinatawag na Kram...ang simbolo niya ay ulan dahil lumalbas lang siya kapag umuulan...katulad nalang kapag may mission siya. Maswerte ka kapag pinapatay ka ng council ng hindi umuulan dahil hindi talaga siya lalabas pero malas ka din dahil kaya niyang controllin ang ulan kung kailan niya gusto. May eneexperiment kasi kaming formula na kapag ininject mo ito sa isang tao ay kaya na niyang comontrol ng mga bagay kung ano ang simbolong nakalagay sa Formula.

2nd Guardian - siya naman si Cole...ang simbolo niya ay kidlat...Kidlat dahil sa isang iglap ay mawawala nalang o dadating nalang siyang bigla.. Kapag kumikidlat asahan mong isang tao lang ang kayang gumawa nun kahit pa may bagyo ay kaya niyang hindi magpalabas ng kidlat dahil narin sa formulang ininject sa kanya.

1st Guardian - hindi pa namin siya kilala dahil ngayong araw lang namin siya makilala pero alam ko na kung ano ang dapat iinject sakanya dahil noon paman ay hinanda na namin ang formula para sa kanya. Ang simbolo niya ay clouds...dahil siya ang proprotekta sa Langit o Sky..siya ang magsilbing Knight at tagapagtanggol ng Sky o ng Langit na walang iba kundi

Kami ni Kuya....

Kami ang sky dahil kami ang nakakataas...kami ang tumatayong pag-asa ng lahat...kung wala ang langit..wala ang lahat..wala ang ulap..wala ang kidlat at wala ang ulan...nanggaling lahat sa sky..

Nandito na kami si Kuya sa Hideout ng Org namin..sabay kasi kaming pumunta..pagpasok namin sa Mansiyon ay agad yumuyuko ang nakakasalubong namin...Nakalimotan kung sabihin...itong Hideout namin dito sa korea ay ang Main Hideout talaga namin...hmm...may nakikita akong bago ah...buti nalang at kilala nila kami.

"It's been how many years Empress...empreror"

Si Cole lng pala kasama si Mark..akala ko naman kung sino...nakalimutan kung sabihin sainyo na magkapatid pala silang dalawa...pero iba ang ugali nila..si Mark kasi ay masyadong masayahin habang si Cole naman ay tahimik pero ngumingiti naman minsan.

"Yes...indeed"

Yan lang ang sinabi namin ng kapatid ko at nagpatuloy na kaming pumasok sa loob ng hall..nakita kung nakaupo na ang lahat ng high council kasama ang isang taong nakayuko lang. Grabe, nakakatakot yung aura niya.

pamilyar yung built ng katawan niya...pati yung scent niya..nadaanan kasi namin siya at amoy ko yung pabango niya. Pati nadin buhok niya parang kilala at nakita ko na..hay..bahala na nga..tutal makikita ko din naman yan mamaya.

"Let's Start this meeting"

Tumayo si Dad at nagbow at tsaka umupo ulit..

"Nandito tayong lahat ngayon para makilala ang bagong myembro ng guardian..hindi lang siya basta-bastang miyembro dahil siya din ang magiging leader ng mga guardians."

May biglang tumayo at tsaka nag bow na para bang nagsasabing may itatanong siya..yun kasi ang way namin kung gusto mong magsalita o magtanong

"Nakakasiguro po ba kayong kaya niyang gampanan ang pagiging guardian niya? Sapat na po ba ang kakayahan niya upang maging isa sa mga guardian?"

Nakita ko sa gilid ko na nag-angat siya ng tingin at kahit hindi ko masyadong nakita ay alam kung wala siyang emosyong ipinapakita..nakakatakot ang mga titig niya..

"Sinasabi mo ba Mr. Sombag na hindi siya karapat-dapat na maging guardian?"

"Hindi naman po sa ganun Mr. Smith..ang akin lang po ay bakit po siya? Eh nandiyan naman ang isa kung anak na lalaki...marunong yung lumaban at tapat sa kanyang nasasakupan"

Hindi na ako nagulat ng bigla nalang may isang shuriken ang lumipad at dumapo sa noo ni Mr.Sombag dahil alam kung kanina pa nagtitimpi yung bagong guardian. Agad naman itong kinuha ng mga alagad namin at pinagamot..hindi naman kasi malalim ang pagkabaon ng shuriken sa noo ni Mr.Sombag.

"Tss...yan kasi..pakialamero..pero mabalik tayo...It's time to welcome our King! The New Leader of the Guardians! Aidan Harisson Scott!"

Siya?! Siya yung bagong guardian?! At tsaka king?! Ang gulo! Kaya naman pala ang lakas ng aura niya! At tsaka sobra siyang nakakatakot. Damn! Kaya pala sila magkakakilala ni kuya.

The Cold Empress/Gangster ✔️ Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum