Chapter Twenty Two : Part 2

44.7K 909 13
                                    

A/N : HELLO , SA MGA GUSTONG MAGPAGAWA NG ONE SHOT STORY AY TIGNAN NIYO LANG PO SA PROFILE KO..SANA MAY MAGREQUEST KAHIT ISA SA INYO :) pls vote or comment..enjoy''''''___''''''

Chapter Twenty Two : Part 2

Ace Pov : (Flashback Continuation)

Ready na ang lahat ng gagamitin ko para mamaya. Mabigat ang misyon na ito para sakin kahit na ako ang leader ng pinakamalakas na gang sa pilipinas dahil narin sa ngayon ko lang gagawin ang ganitong sitwasyon, ang pagpunta mismo sa teritoryo ng kaaway.

Kilala ng marami ang mafioso at masasabi ko lang na malakas din sila dahil nga nakalaban na namin sila sa school, yung gustong labanan sila ice at frost para makuha ang trono nila.

Sana makauwi pa ako ng buhay para mapanindigan ko ang misyong ito. Ang pagiging panalo dito at ang taong nakapatay sa empress ng mafioso ay malaking bagay talaga dahil hindi mo siya basta-basta matatalo kaya malaking karalangan talaga ito.

Masasabi ko lang na sulit na sulit ang lahat ng sugat na matamo ko mamaya kung meron man dahil ang pagiging legal namin ni ice ang premyo at may bonus pang maging kanang kamay niya.

Dahil sa kadadaldal ko ay hindi ko namalayang nandito na pala ako. Hindi na ako nag-abala ng oras dahil mamayang gabi na ang surprise ko para kay ice, sana lang umabot ako.

Pagpasok ko ay nagtaka ako bakit walang bantay sa labas kaya pumasok lang ako na parang normal na tao lang yung hindi nagtatago. Palingon-lingon naman ako sa ibang lugar dahil baka mabaril nalang ako ng hindi ko namamalayan, madaya pa namang lumaban yung mga yun.

"Hoy!"

Naku lagot! Takbo lang ako ng takbo at hinabol naman ako nung isang goon buti nalang baseball bat lang ang hawak nun at hindi baril dahil kung baril man yun ay kanina pa ako pinaglamayan.

Liliko na sana ako sa kaliwa ng makita kung may isang goon din pala ang nandun kaya naman ay dun nalang ako sa kanan dumaan at tsaka na kami nagpatuloy sa paglalaro ng habulan pero dahil medyo tanga ako ay nakalimutan kung tignan kung anong dala nung isang goon kaya nabigla nalang ako ng mabaril ako sa kaliwang balikat ko.

"Sh*t!"

Tumungtung ako sa isang kahon dun at tsaka tumalon ng napakataas para maabot ko yung second floor ng lugar nato. Medyo marami-rami nadin ang dugong nawala sakin kaya pinunit ko muna ang saninang suot ko at ipinaikot sa brasong natamaan ng bala.

"*Bang!"

Ho! Salamat sa kung sinong tao ang humila sakin para makapagtago dahil kung hindi ay matatamaan na naman ako ng bala nito. Pero teka, sino nga ba ang humila sakin?

"Tanga mo naman"

Napalingon naman agad ako dun sa nagsalita at ganun nalang kalaki ang gulat ko ng mapagtanto kung sino ang nagsalita dahil walang iba kundi si Frost.

"Bakit ka nandito?!"

Pabulong na sigaw ko, aba sino ba naman ang hindi magugulat kung madatnan mo ang isang kaibigan mo dito na may dala-dalang...teka! Limang goons bayan?!

"At tsaka anong meron diyan sa goons nayan?!"

Tumingin lang siya sakin na parang naiirita, ano bang ginawa ko?

"Nakalimutan mo yatang ako ang inutusan mong gawin ito kaya wag kang magtatanong na parang inosenti ka"

"Ok chill, chill lang okay? Sorry naman"

Umiling-iling lang siya sakin at tsaka pinaputukan yung mga goons na humahabol sakin na kanina pa naghahanap sakin, tanga naman ng mga tuh, hindi man lang ako nakita tsk tsk tsk

"Ikaw, anong ginagawa mo dito?"

Sasabihin ko ba? Sasabihin ko na nga lang since anak din naman siya eh

"Mission"

Kita kung nag-isip siya saglit tsaka tumango-tango, problema nito?

"Mom and dad tsk!"

Anong ibig niyang sabihin? Ibig niya bang Sabihin ay hindi lang ako ang naglakas loob na nanligaw kay ice?

"Alam ko ang iniisip mo at oo pero patay na silang lahat, yun lang ang alam ko"

Buti nga sakanila..hindi sa gusto ko silang mamatay kundi dahil hindi sila nakapasa sa pagiging boyfriend ni ice. Mabuti nalang talaga dahil sa araw na tuh ay pasasagutin ko si ice sana lang hindi siya magdadalawang isip na sagutin ako dahil ibig lang sabihin nun ay hindi pa siya sigurado sa feelings niya para sakin.

Alam kung mahirap painlovin si ice pero hinding-hindi ako susuko at gagawin ko ang lahat maging kami lang kung sakaling hindi pa siya handa. Hindi naman ako masyadong nagmamadli..kunti lang

"Ano? Tutunganga ka nalang diyan? Balita ko may lakad daw yan mamaya, baka hindi mo na maabutan"

Pagkatapos niyang sabihin yun ay tumalikod na siya kasama ang mga goons na hila-hila niya,ako naman ay nagpatuloy na sa paglalakbay pero ngayon ay maingat na akong naglalakad at nagtatago.

Medyo masakit yung sugat ko pero hindi ko muna yun iniinda dahil tatapusin ko muna ito.

Sa paglalakbay ko ay may nakita akong isang pinto na ginto kaya pumunta ako dun baka ito na yung room ng empress dahil ito ang pinakamagandang kwarto dito.

Binuksan ko iyon ng pabalang dahil alam kung walang ibang tao dito kundi siya lang, ang babaeng traydor. Hindi naman ako nabigo dahil may nakita akong nakatalikod na babae na nagmamasid sa labas ng bintana

"Kung nandito ka para patayin ako, pwes, hindi mo magagawa yun"

"Kung akala mo hindi ko magagawa yun, baka sa isang iglap, lamay kana"

"Talaga? Eh bakit hanggang ngayon buhay pa ako?"

"Dapat patagalin mo munang mamatay ang isang traydor para maramdaman niya kung paano kasakit ang tinatraydor"

"At paano ka nakakasiguro na traydor ako? Hindi mo alam baka binabaliktad ka lang nila"

"Alam kung hindi sila traydor dahil malalaman mo naman talaga kung traydor ang isang tao sa kilos at gawa nito, kagaya ng nasa harap ko"

"Tss, dami mong satsat"

"Bakit? Tama ako diba? Isa kang traydor!"

*bogsh!*

Tinapon niya ang isang baso ng kape na iniinoman niya kanina bago ako pumunta

"NAGMAHAL LANG AKO KAYA WAG KANG PAINOSENTI NA NAGSASABING HINDI KA PA NAGMAHAL!"

"Hindi man ako nakaramdam noon, pwes! Ngayon! Nandito ako sa harap mo dahil sa pagmamahal! Kaya wag kang magsalita ng tapos ng hindi mo nalalaman ang buong kwento!!!"

Grabe ng laway ang nasayang ko dito ah, swerte siya nasa mood akong magsalita ngayon.

"Ha! Pagmamahal?, PAGMAMAHAL?!! Naniniwala ka dun?! Mga taong mangmang lang ang naniniwala dun"

"Hindi isang mangmang ang nagmamahal, dahil ang nagmamahal lang ng hindi totoo at kaligayahan lang niya ang hinahangad, yun mismo ang mangmang! Dahil marami kaming nagmamahal ng totoo! TOTOO! Naiintindihan mo?! Ha! Bakit ba ako nakikipag-usap sa isang taong kagaya mo?! Tsk!"

Sinugod ko na siya dahil masyado ng matagal ang buhay niya dito sa lupa. Mukhang natunugan niya yung gagawin ko kaya pinaulanan niya ako ng mga shuriken na iniilagan ko naman at dahil nga may tama ng baril ang kaliwang braso ko ay hindi ako masyadong nakagalaw kaya ang resulta ay may isang shuriken ang nakadaplis sakin, buti nalang talaga at daplis lang.

"Tignan mo? Nasan na ang isang iglap na sinasabi mo?!"

"Ngayon pa lang"

Sa isang iglap ay nasa harap na niya ako at tsaka ko tinatak ang isang shuriken sa puso niya at tsaka ko ito kinuha pagkatapos ay inulit ko ito sa noo nito at iniwan ko na siyang nakahandusay dun.

>>End Of FlashBack<<

The Cold Empress/Gangster ✔️ Where stories live. Discover now