Chapter Nine :

77.5K 1.9K 110
                                    

A/N: PLS DON'T FORGET TO COMMENT OR VOTE.

CHAPTER NINE :

Ace Pov :

"Talagang tutuloy tayo guys?"

Kanina pa nagtatanong si Tristan samin kung tutuloy ba kami, eh sila din naman ang may sabi na kalabanin namin ang rank 1 ah. Ginawa ko lang naman ang tungkulin kung maging leader kaya umuo nalang ako kahapon baka sabihan pa nila akong duwag naleader. Sino ba naman kasi ang hindi maduduwag sa rank 1 nayun, balita ko nga iba daw makipaglaban ang rank 1 lalo na ang leader nila.

"Aba syempre! Nandito na tayo eh kaya wala ng atrasan"

Isa patung si Franklord sinusubukang palakasin ang loob niya eh hindi naman nakaligtas sa mga mata ko ang takot na naramdaman niya nung tinignan ko ang mga mata niya.

"Be it"

Ito namang si Stanley parang walang problema nagbabasa lang dito sa gilid ko habang hinihintay namin ang makakalaban namin, sino pa ba edi ang rank 1

Hindi ko man sabihin ay natatakot din ako, base sa mga naririnig ko dito sa ibang mga gangsters na manunuod ng laban. Napuno nga ang UG sa dami nila eh, talagang inaabangan nila ang araw natuh.

"Tagal naman"

Kanina pa naiinip si Frost dito paano ba naman 30 minutes na kaming naghintay dito pero isa pa tung si Frost eh. Hindi man lang nag-alala sa mangyari mamaya. Tsk! Bahala nga siya.

Maya-maya lang ay bumukas ang pinto at may 4 na taong pumasok. Dalawang lalaki at dalawang babae. Mukhang sila na nga ang rank 1 pero bakit bigla akong mas kinabahan ng makita ko ang babaeng nangunguna.

Sino ba namang hindi matatakot eh sa grabe nakakatakot ang aura niya eh at tsaka bakit nakapikit siya? Pero alam mo yung alam parin niya kung saan siya pupunta o di kayay mga kilos sa paligid niya. Ibang klase talaga.

Third Person's Pov :

Maraming napasinghap marami din ang natakot ng pumasok ang FIREGLAZE na mismong rank 1 sa buong mundo. Hindi din naman mapigilan ng iba na mamangha sa angking ganda at gwapo ng mga ito. Maya-maya ay nagsimula narin ang bulungan.

'Kyahh! Nakakatakot sila'

'Oo nga tignan mo yung leader nila nakapikit lang'

'Pero kahit nakakatakot sila ang gaganda't gwapo parin nila'

'GO FIREGLAZE'

Tumigil naman bigla ang mga bulungan o sigaw nila ng makita nilang nandiyan na ang MC.

"Good evening Everyone, ngayon matutuklasan na din natin sa wakas ang laban ng dalawang magagaling na gang sa buong mundo at talagang hinihintay ito ng lahat kaya wag na natin itong patagalin at simulan na ang laban, wala namang rules itong laban natuh maliban nalang sa wag pumatay!"

Pagkatapos sabihin nun ng MC ay hindi magkamayaw ang lahat sa loob ng UG sa sobrang excited ng lahat. Tumahimik naman ang lahat ng itaas ni Fire ( xiarah ) ang kanang kamay niya which means silence.

"Okay! So tawagin na natin sila.. Ang ikalawang pinakamalakas na gang sa buong mundo ang......COLDBLAZE!!"

'KYAHHHH ANG GWAPO NILA'

'MARRY ME COLDBLAZE'

'SAINYO NA TUNG PANTY KO KYAAAAA!!!'

"Ang pinakamalakas na gang sa buong mundo ang....FIREGLAZE!!!"

'WOHOOOO I LOVE YOU!!'

'KAYA NIYO YAN!!'

'OH BRIEF KO NAMAN SAINYO NA!!!'

Naging tahimik na din sa wakas ang lahat ng mapagtanto nilang simula na ang laban.

Si Devil ( ice ) ay nasa gilid lang nakapikit ang mga mata na nakatayo. Gustuhin man niyang lumaban ngayon ay ayaw naman ng mga kasama niya pero ang hindi niya inaasahan ay ang pagbato sa kanya ni Gray ( ace ) ng isang shuriken pero balewala niya lang itong sinalo na kina inis ni Gray. Pakiramdam kasi ni Gray ay minamaliit siya nito.

Kay Hunter ( zeke ) naman at kay Blood ( tristan ) ay unang sumugod si Blood Kay Hunter na nakatayo lang habang kumakanta. Ito namang si Blood na ang pinakaayaw sa lahat ay ang kumakantang hindi naman maganda ang boses ay naiirita na.

"Tumigil ka nga!"

Sigaw ni Blood kay Hunter pero patuloy lang ito sa pagkanta

"Oppa Gangnam Style!"

Kanta lang siya ng kanta hanggang sa hindi na kinayanan ni Blood ang boses niya

"Wag ka ngang kumanta! Ang pangit kaya ng boses mo!"

Opss, wrong move..alam naman nating lahat na ang pinakaayaw ni Hunter ang sabihan siya na panget ang boses niya.

Tumigil naman ito sa pagkanta kaya medyo nawala ang pagkairita ni Blood pero ang hindi niya inasahan ang pag atake nito.

Sinugod ni Hunter si Blood at pinaulanan ito ng suntok, ilag ng ilag naman si Blood pero natamaan padin siya ng iba dahil sa bilis nito. Sumusuntok at patid din naman si blood kay hunter kaya medyo napuruhan din ng konte si hunter pero ng susuntukin ulit siya ni blood ay agad niya itong sinalo at binalibag pagkatapos.

"No.one.dares.to.say.that.my.voice.is.bad!"

May diin na sabi nito kay Blood pagkatapos ay pinontirya nito ang vital parts kaya nawalan ito ng malay.

Sa kabilang banda naman kung nasaan sina Fire ( xiarah ) at Jokeo ( franklord ) na kasama si Steel ( stanley ) ay matindi na ang sugapaan. Si Fire ay pinagtulungan nila Jokeo at Steel

"Weak naman pala ng kanang kamay ng leader nila eh"

Agad na nandilim ang paningin ni Fire ng sabihin iyon ni Jokeo kaya mabilis siyang tumayo at pinaulanan ng flying kick at sipa ni Fire si Jokeo habang si Steel naman ay hindi makalapit dahil bawat patid ni Fire ay yun din ang time na lalapit si steel kaya pati siya ay nadamay.

Expert kasi si Fire sa pagpatid at talagang polidong-polido ito kaya nga nagdaramdam na sa sakit ngayon si Jokeo. Ngkalaunan na ay tumigil na din si Fire dahil baka mapatay niya ito. Pareho namang bagsak ang dalawa kaya counted as K.O nayun.

Sa side naman nila Blue ( wayne ) at demon ( frost ) ay parehas na silang hingal na hingal at may mga pasa nadin pero yung kay frost hindi naman medyo halata dahil baka ikamatay pa ni wayne ang pagbugbug nito dito. Kaya kinausap muna niya ito.

"Frost, pwede manghingi ng favor?"

Tanong niya habang hingal na hingal na pinunasan ang dugo sa gilid ng labi nito.

"Ano?"

Takang tanong nito.

"Pasuntok"

Magsasalita na sana si Demon ng nasuntok na siya nito sa may batok niya nakatalikod kasi kanina si frost kaya mas napadali. Agad naman bumagsak si Demon pero sinalo ito ni devil at hinay hinay na inilapag.

And lastly sa side ng dalawang leader. Suntok lang ng suntok si Gray (ace) pero balewalang iniiwasan lang ito ni Devil ( ice ) na nakapikit parin. Ng medyo tinatamad na si Devil ay agad niyang sinalo ang kamao nito at inilapit ang mukha niya sa mukha ni gray. Inamoy amoy pa niya ito kaya medyo namula si gray.

"Hmm smells good"

Seductive na sabi nito kaya mas lalong namula si gray. Mas nilapit pa niya ang mukha niya kay gray kaya akala ni gray ay hahalikan siya nito kaya pumikit ito. Ng biglang nagsmirk si Devil at bigla siyang hinampas sa batok kaya nawalan ito ng malay.

Natapos ang laban at tahimik parin ang lahat. Gulat sa nasaksihang laban at mas gulat sa nasaksihang pag seduce ng leader ng fireglaze sa leader ng coldblaze.

Kinuha lang ng fireblaze ang napanalunan nila at tsaka umuwi.

Habang sina steel at jokeo ay tinulungan ang mga kagang nila. Pagkatapos ay dumeritso sa HQ nila.

The Cold Empress/Gangster ✔️ Where stories live. Discover now