Chapter Twenty Five :

35.2K 943 31
                                    

A/N : annyeong !!!!

Chapter Twenty Five :

Winter's Pov : ( someone )

Nakatanaw ako ngayon sa mga pamilyang namamasyal at kasulukuyang nagsasaya dito sa park. Kahit saan ko ibaling ang paningin ko ay talagang pinagtritripan ako ng tadhana. Lahat sila may mga kasama at masayang nagkwekwentuhan at naglalaro.

Pinahid ko ang luhang dumadaloy sa pisngi ko ng magsimula na naman itong tumulo. May mga tao ding tumitingin sakin kanina noong umiiyak akong tumakbo dito pero agad din naman nilang pinagpatuloy ang mga ginagawa nila.

Tumingin ako sa langit at napabuntunghininga ng may biglang tumabi sakin pero hindi ko tinignan kung sino baka hindi ko din naman kasi kilala.

"Alam mo, hindi masama umiyak ang mga lalaki"

Pagsisimula niya at ramdam kung nakatingin ito sakin.

"Alam ko"

"Alam mo naman pala pero bakit mo pinipigilan ang mga luha mo?"

Fc din pala itong lalaki , kita ng may nageemote dito

"Wala kang pakialam"

"May pakialam ako dahil tao din naman ako"

"Anong konek?"

"Ang sinasabi ko lang ay hindi naman kasi masamang manghimasok sa buhay ng ibang tao pagnangangailangan na ito ng karamay at tulong"

Hindi ko siya sinagot at patuloy paring tinitignan ang langit kaya nagsalita siyang muli.

"Lahat ng tao may problema, may mga pagsubok na madadaanan kaya kahit hindi ko alam ang problema mo ay sana malaman mong hindi ka mag-iisa sa pagharap ng mga iyan, lahat tayo ay binibigyan ng panginoon ng kahit isang karamay man lang sa bawat haharapin nating lahat. Hindi tayo pababayaan ng panginoon, lahat kasi ng mga paghihirap na maranasan natin ay may kapalit na magandang pangyayari sa buhay natin sa tamang panahon"

Oo nga hindi tayo pinapabayaan ng nasa itaas pero mapapatawad pa kaya niya ako sa lahat ng taong pinapatay at pinatay ko? Oo nga at binibigyan tayo ng taong makakasama sa lahat ng paghihirap natin pero nasan na? Bakit mag-isa lang ako?

"Kung wala ka talagang balak sabihin ang problema mo sakin ay sige ganito nalang, pagmay maging problema ka, pumunta ka lang dito, pwede mo akong maging karamay, pwede mo akong maging sandalan"

Dahil sa sinabi niya ay napalingon agad ako sakanya pero dahil nga sa hindi ko alam kung sino ang lalaking may lakas loob na tumabi sakin ay ganun na lang ang pagkagulat ko ng mapagtanto kung sino, anong ginagawa niya dito?

"Matagal ko ng pinapangarap na magkaroon ng nakatatandang kapatid kaya sana payagan mo akong damayan ka"

"A-anong...."

"Anong pangalan ko? Haha oo nga pala nakalimutan kung magpakilala, pero ano muna yung sayo at yung problema mo, dun ko lang sasabihin kung sino ako"

Sasabihin ko ba? Pero anong gagawin ko kung mismong nasa harap ko ang isa sa taong nakapagpagulo ng isipan ko?

"A-ano , a-ako nga pala si Winter Ivan , tawagin mo nalang akong Ivan, A-ano kasi eh, a-- gusto ko kasing magkaroon ng kapatid, noong una, nangangarap lang ako, pero hindi ko alam na sa likod ng pagkatao ko ay may mga kapatid pa pala ako, hindi ko naman kasi inaakalang hindi ko pala totoong magulang ang nagpalaki sakin. Sising-sisi ako dahil baka hindi na ako matanggap ng mga kapatid ko sa laki ng kasalanan ko sakanila. Ang ibang mga pangyayaring yun ay hindi ko na masabi sayo, private na kasi masyado"

Pagkatapos kung magsalita ay kita kung nakatingin lang siya sakin na parang malalim ang iniisip.

"Ah ganun ba,..pero alam mo"

"Ano?"

"May Pagkapareho yung nangyari sa buhay natin, ang pinagkaiba lang ay kinuha ito ng bestfriend ng mom ko noon kaya hindi din namin maiwasang hindi magalit sa mga taong nagpapabaya"

Anong ibig niyang sabihin?

"Ay oo nga pala, may lakad pa ako kaya kailangan na kitang iwan muna dito, yung sinabi ko sayo ha, wag mong kalimutan"

Tumalikod na siya sakin at nagsimulang maglakad palayo pero bago siya mawala sa paningin ko ay lumingon ulit ito sakin at may sinabi

"Muntik ko ng makalimutan , Ako nga pala si Frost, ciao!"

At tuluyan na siyang nawala sa paningin ko.

"Frost..."

Bulong ko sa hangin

Gumaan na din yung pakiramdam ko ng makausap ko ang isang taong importante din sakin.

"Pinapangako ko , Gagawin ko ang lahat para maprotektahan ko kayo kahit buhay ko pa ang kapalit"

The Cold Empress/Gangster ✔️ Where stories live. Discover now