Chapter Forty Two :

34.8K 738 23
                                    

A/N : Sorry kung ngayon lang ako nakapag-update...busy eh hehe mamayang gabi mag-uupdate ulit ako :)

Chapter Forty Two :

King's Pov :

Tss...bakit ko nga ba hinahayaan ang babaeng yun na umalis na hindi ako kasama? Baka mapano yun at ako naman ang kawawa dahil ako ang pagbibintangan pag may mangyaring masama dun...tumayo na ako at tsaka pumunta sa isang Ice Cream Parlor..alam ko namang dun yun pupunta eh..

Ng makapunta ako dun ay nakita kung parang may nagkakagulo kaya dali-dali akong pumunta dun..baka napano na yung babaeng yun tss..tanga pa naman yun..at hindi nga ako nagkakamali dahil pagpasok ko ay nakita kung may nakatutok na baril sa noo ni Ice..tsk! Subukan lang ng gagong yan na iputok yan kay Ice..baka sa sementeryo agad yan mapunta na hindi man lang pinasok sa isang kabaong.

"Hurt.her.and.you're.dead"

Nakita kung nabigla yung gago at si Ice naman ay biglang sumimangot? Bakit naman? Siya na nga yung tutulungan eh siya pa yung may ganang sumimangot..sana man lang natuwa siyang nakita ang gwapong pagmumukha ng isang lalaki na ngayon ay tutulungan siya tsk!

"A-at sino ka naman?! Pakialamero ka naman eh! Kung naghahanap ka ng ibang mabibiktima o mahohold-up ay dun ka sa isa pang shop! Wag dito!"

What did he just say?!!! Mukha na ba akong hold-uper ngayon?!!! Sa gwapo kung tuh?!!!

Third Person's Pov :

"What.did.you.just.say."

Ngayon ay ihing-ihi na yung hold-uper dahil sa sobrang lamig at nakakakilabot na salita ni Aidan. Nagsisi tuloy yung hold-uper sa ginawa niya.. Kung sana iba nalang daw yung hinold-up niya at hindi ang babaeng ngayon ay tinutukan niya ng baril sa noo..baka ngayon ay makakalabas pa siya ng buhay dahil ngayon...alam na niya ang kakahinatnan ng mga panghohold-up niya dahil sigurado na siya ngayon na patay na siya pagkatapos ng araw na tuh

"M-may sinabi ba ako? W-wala naman ah"

"Put.your.gun.down.or.face.the.consequence."

"Eh paano kung ayoko?!"

"Then.be.it."

Sa isang iglap ay tumba na yung lalaki na ngayon ay sobrang bugbog ang itsura..hindi mo na nga makilala eh..meron ding mga buto na nabali dahil sa mga ginawa ni Aidan sa lalaki.. Walang kahit sino ang nakakita sa kung anong ginawa ni aidan dun sa hold-uper maliban nalang kay Ice na ngayon ay may naisip na kalukuhan.

Kinuha ni Aidan ang isang baril at babarilin na sana yung lalaki ng pigilan siya ni Ice

"Sandali!"

"What."

"Eh wag mo na siyang tuluyan..alam muna..baka kailangan lang niya ng pera"

"No."

"Sige na kasi..paano pag ikaw ang nandiyan sa kalagayan niya dahil kailangan mo ng pera para sa pagpapagamot ng kapatid mo o di kaya sa magulang mo..o kung hindi naman ay wala na talaga silang perang pangkain"

"Not.gonna.happen"

"Alam ko namang hindi mangyayari sa inyo yun eh..ang yaman mo kaya pero paano ang lalaking yan? Naghihirap na nga sila..lalo naman silang maghihirap pagnawala yan"

"Tsk! Fine."

Hinila nalang ni Aidan si Ice palabas para makabalik na sa skwelahan dahil may klase pa sila pero bago paman sila tuluyan makalabas ay nakarinig sila ng isang putok ng baril.

Napalingon naman si Aidan dun sa lalaki na ngayon ay may tama na ng baril sa puso hanggang sa napunta ang tingin niya kay Ice na ngayon ay may ngiting demonyo.

"What? Mabuti nga yun eh..may na tulong ako hehe...peace na tayo yo! Badtrip ka eh..inagaw mo yung iksina ko dapat! Hmp!"

Napailing nalang si Aidan sa kalukuhan ni Ice..paano ba naman kasi..bigla nalang itong bumunot ng baril sa may hita niya at tsaka pinutukan yung lalaki sa puso para daw may silbi siya..pinalabas niya lang kanina na dapat buhayin yung lalaki dahil may pamilya pa ito..ang gusto niya lang kasi ay siya ang tatapos sa lalaking may lakas ng loob na tumutuk ng baril sa noo niya..ayaw niya panaman yung ginaganon siya..yung..tutukan siya ng baril.

"Such.a.Brat"

Yan nalang ang nasabi ni Aidan at tuluyan na silang pumunta sa Next class nila.

Ace's Pov :

"Argh!!!!!! Ahhhh!!!! Bwesit ka king!!!!!!! Ikaw na naman ang kumuha ng dapat sa akin!!!!"

Bwesit siya! Pati ba naman ang babaeng mahal ko mapapasakanya din! May bigla nalang kasing nagpadala ng limang litrato dito sa bahay ko at bwesit!!! Si king at Ice yun!! Kahit hindi ko na nakita si King ay alam kung siya yun!! Tandang-tanda ko ang mga malalamig na titig nito..ang tattoo nito!!

Merong masayang-masaya si Ice habang kausap siya..merong nakahawak si King sa kamay ni Ice..merong nakahiga si King sa Lap ni Ice at iba pa!!!! Bwesit talaga!!!

Hindi ako papayag na basta basta mo nalang makukuha ang mga bagay na dapat saakin King!!! Babawiin ko sayo ang lahat ng dapat saakin!!! Lalong-lalo na si Ice!!!

*tok* *tok* *tok*

"Kapatid?! Anong nangyayari diyan?! Buksan mo tuh!!!"

"Ahhhh!!!!"

"Kapatid?! Ano ba!!"

May bigla nalang kasing nagtapon ng isang shuriken sa akin kaya bigla akong napadaing!!! F*ck!! Sino bayun!!! Pagtingin ko sa kanan ko ay may nakita akong isang nakaitim na parang ninja..itatapon na sana niya ang isa pang hawak niya na shuriken sakin ng bigla nalang pumasok si Ate at nakita akong nanghihingalo na sa sakit..

Okay na nga pala ang ate ko...nung malaman nga niya yung ginawa ko kay Ice eh ang laki na ng galit niya sakin pero napatawad nadin niya agad ako..hindi naman daw kasi niya magawang magalit ng husto dahil kapatid niya parin ako.

"Anong nangyayari sayo?!!! Sinong may gawa niyan?!!"

Magsasalita na sana ako ng mapatingin ako sa kung saan yung ninja kanina pero wala na yun dun...sino yun? Bakit niya ako gustong patayin? Ano bang ginawa ko dun?

Alam kung may napakalaking question mark na nasa mukha ko ngayon dahil sa daming tanong na pumapasok sa isip ko..

"Halika nga! Gamutin na natin yang sugat mo bago ka pa tuluyang mawalan ng dugo"

Hindi ko na masyadong narinig yung sinabi ni ate dahil tuluyan na akong nawalan ng malay.

The Cold Empress/Gangster ✔️ On viuen les histories. Descobreix ara