Chapter Twenty Four : Part 1

39K 923 20
                                    

A/N : Pagpasensyahan niyo na kung ito lang yung nagawa ko, wala akong masyadong maisip eh hehe..sana magenjoy kayo :)

Chapter Twenty Four : Part 1

Someone's Pov :

"ANO!!? Anong karapatan nilang magpulong-pulong ng wala ako?! Mga Bw*s*t!"

Ako ang hari ng organisasyong ito tapos hindi ako na inform tungkol dun sa pagtitipon nila?! Tapos hindi pa ako kasali?! Kung ganun ay sigurado akong ako yung pinag-uusapan nila ngayon dun kaya hindi ko ito papalampasin, baka maya-maya niyan trinaydor na pala ako ng mga yun!

Buti nalang at may mapagkatiwalaan akong tagasunod dito na talagang hindi nag-alala sa pwedeng mangyari sa kanya pagnalaman ito ng mga bw*s*t nayun!

Tumayo na ako dahil pupuntahan ko mismo kung saang lugar sila nagpulong-pulong at siguraduhin kung hindi nila malalaman na nandun ako para malaman ko kung ano ang mga pinag-uusapan nila.

Mula rito sa kinatatayuan ko malapit sa pinto ng pinagpulungan nila ay naririnig ko na ang mga pinag-usapan nila kaya hindi na problemang magtago kung sakaling may lalabas man.

"Anong ibig mong sabihing hindi siya pwedeng maging hari dos?! Alam mo naman na dahil sa kanya ay mas malakas ang organisasyong ito!"

Tsk! Kilalang-kilala ko talaga sila dahil akalain mong pati boses nila ay alam ko kung sino ang nagmamay-ari pero maiba tayo, ako ba ang pinag-usapan nila?! Aba--

"Oo siya nga ang dahilan ng pag-angat natin pero siya din ang magiging dahilan ng pagbagsak natin!"

Susugurin ko na sana at papasukin ang loob ng kwarto kung hindi ko lang narinig yun, anong ibig sabihin ng kanang kamay ko? At bakit niya nasabi yun?! Bakit ako pa mismo ang magiging dahilan?!

"Anong ibig mong sabihin dos? Bakit hindi mo nalang kami deritsohin?"

"Hindi naman siguro lingid sa kaalaman nating lahat na kapatid niya ang dalawang nagmamay-ari ng pinakamalakas na organisasyon maliban sakanya!"

Ano?! Kapatid?! Sino naman ang kapatid ko?! Bakit sabi ni mom na wala akong kapatid?! So all this time may kapatid pala ako?! So wag mo ding sabihin na pati si mommy denise ay hindi ko tunay na ina?!

"Oo pero diba ang sabi naman ni empress na kahit anong mangyari dapat hindi natin iwanan sa ere si king kahit patay na siya?!"

"Oo yun nga ang sinabi ni empress pero kung hindi natin siya tatanggalin sa pwesto niya ngayon bilang hari ay mas lalo tayong babagsak!"

Hindi ko na talaga kaya ang naririnig ko dahil gulong-gulo na ako! Binuksan ko na ang pinto ng kwarto ng walang pag-alinlangan kaya napabaling ang tingin nila sakin sa lakas ng pagbukas ko ng pinto.

"Anong kaguluhan tuh?!"

Nanatili lang silang tahimik na parang nakakita ng multo.

"K-king hindi naman sa--"

"WAG KANG MAGKAMALING MAGSINUNGALING SAKIN DOS! PINALAGPAS KO PA ANG LAHAT NG MGA MALI MO SA ORGANISASYONG ITO DAHIL NAINTINDIHAN NAMAN KITA PERO ANO TUH!!? IKAW MISMO ANG NAGPAPAKITA SA KANILA NA MAY MALI AKONG NAGAWA!"

"Ha! TOTOO NAMAN AH! HINDI KA TUNAY NA ANAK NI EMPRESS AT AMPON KA LANG!"

Ampon?!

"Hindi totoo yan! Dahil sa kanya mismo ako nanggaling!"

"YAN KA NA NAMAN EH! ANG DALI-DALI MONG MAUTO, MADALI KANG MAHULOG SA BITAG NG KALABAN KAYA HINDI MO NAMALAYANG GINAGAMIT KA LANG PALA LABAN SA IBANG ORGANISASYON!"

"Ano--"

"TAMA AKO DIBA?! Isang beses mo ng narinig ang lahat galing kay empress pero binaliwala mo, ilang beses ka na niyang pinagsabihang wag magtiwala sa mga kalaban pero sa MISMONG KALABAN KAPA KUMAMPI!"

"WAG NA WAG MONG IDAMAY SI MOMMY DITO!!!"

"Sampid ka lang sa organisasyong ito at naging hari ka lang dahil sa mommy mo KONO!"

"Magulang ko nga siya eh!!!"

"Eh kung paanong sasabihin ko sayong ampon ka lang? Na buhay pa ang magulang mo at kinuha ka lang ni empress para sa kalaban? paano kung may kapatid ka pala na noon ka pa hinahanap pero hindi ka mahanap dahil mismong ikaw pa ang nanakit sa kanila kaya wala silang masyadong oras sa paghahanap? Anong gagawin mo?"

Gulong-gulo na talaga ako sa nangyayari ngayon, ang iba naman ay tumingin lang din samin na naguguluhan din.

"Ano ba talaga ang pinupunto mo dos?!"

Ang sumunod na sinabi niya ay ang hindi ko inasahan at ang nagpagulat sakin.

"Paano kung, ang kapatid mo ay mismong ang dangerous twin na gusto mong patayin para lang sa tronong hindi mo makuha-kuha?"

The Cold Empress/Gangster ✔️ Where stories live. Discover now