Chapter Twenty Part 1 :

53.9K 1.1K 19
                                    

A/N : SANA MAG-ENJOY KAYO AND SANA MAG COMMENT O MAGVOTE..SANA DIN PABASAHIN NIYO MGA KAIBIGANNIYO HAHA LOL JOKE ONLY ;)

Chapter Twenty Part 1 :

Ice Pov :

Nandito kami sa kusina at kumakain. Nagutom daw kasi sila sa kwento ni Tracey eh lalo na ako kaya ang peg ni tracey ngayon ay ang tagaluto ng mga pagkain na kakainin namin.. ang dami nga ng niluto niya eh,marami din kasi kami.

"May tanong nga pala ako Ice"

Tinanguan ko lang si xiarah na nagpahiwatig na ano yun

"Sino nga pala ang naglilinis ng mansion niyo dito sa isla eh diba nga wala pang nakakapunta dito maliban sa pamilya niyo"

Tumango-tango naman yung iba bilang pagsang-ayon sa sinabi niya. Magsasalita na sana ako ng inunahan ako ni Frost -_-

"May robot din kasi kaming ininvent ni hime na makapaglinis ng buong bahay sa loob ng isang oras since hindi naman makalat ang mansion dahil alikabok lang naman ang meron kasi nga minsan lang kami pumupunta dito."

Mahabang paliwanag niya na tumango-tango lang ang iba pero may pahabol pa na tanong si franklord.

"Nasan nga pala ang robot? At ilan naman ang ininvent niyo?"

Sa pagkakataong ito ay ako na ang sumagot.
"Marami kaming ininvent ni frost na robot pero iba-iba ang kakayahang gawin. Ang ininvent namin na kayang maglinis ng malaking mansion sa loob lang ng isang oras ay tatlo dahil masyado ng madami pag lima. Tsaka nga pala ang mga robot na yun ay mag-aactivate lang tuwing seven ng madaling araw hanggang eight."

Pagkatapos kung magpaliwanag ay nagpatuloy na ulit kami sa pagkain..nakakagutom talagang magsalita ng mahaba.

***

"Saan tayo ngayon guys?" Tristan

Oo nga nuh? Ang boring naman kasi pagmagswiswimming lang kami at tsaka nakakatamad kaya. Kaya naisipan ko nalang na papasukin sila sa maze i mean kami palang lahat ang papasok. Isn't it amazing?

"Pasok tayo sa Maze"

Pagkasabing-pagkasabi ko nun ay agad silang napalingon sakin.

"Are you insane?! Baka mamatay pa kami pag pumasok kami diyan"

Sumang-ayon naman sila sa sinabi ni stanley.

"Are YOU insane? Sinabi ko bang kayo lang? Kj niyo ah! At tsaka ang saya kaya"

"Ikaw na nga yung nagsabi samin na bawal dun kasi nga baka mamatay kami pag pumasok kami diyan, ayaw ko pa namang pinaglalamayan ang kagwapohan ko"Tristan

"Ikaw gwapo? San banda? At tsaka Ice sabi mo dapat hindi kami magpunta diyan"Xiarah

"May 4D glasses naman kami eh at tsaka exciting nga diba, ang boring kaya diba frost?"

Pagtingin ko sa kanya ay para bang namumutla siya na ewan eh hindi pa nga siya nakakapasok dun sa maze eh..ako palang kasi at tsaka may secreto ako nuh

"Frost?"

Tawag ko ulit sakanya, tulala eh.

"H-huh? Ah-eh oo nga yun nga"

Frost Pov :

Wahhh!!!! Papasok kami sa maze?! Eh ayaw ko na! Ang buong akala kasi ni Hime eh hindi pa ako nakapasok dun pero shemay!! Nakapasok nakaya ako diyan.

One time kasi nung nabobored ako at walang magawa ay pumasok ako sa maze ng hindi nagpapaalam kay hime since ayaw niya akong pumasok dun kasi nga nakakamatay pero dahil ako si Frost at matigas ang ulo ko ay hindi ko siya sinunod.

It was my worst nightmare nung nakapasok ako sa maze at tsaka wala akong 4D glasses na dala nun kaya paglabas ko dun sa maze ay puro pasa ang abot ko. Muntik nga akong matuklaw ng ahas dun at kinain ng mga tigre at lion eh..buti nalang nakalabas pa ako ng buhay..kung paano? Aba ewan ko.

"Frost?"

Napabalik naman ako sa ulirat ko ng tawagin ako ni Hime

"H-huh? Ah-eh oo nga yun nga"

Yan lang ang sinabi ko dahil malay ko ba kung ano ang sinabi niya.

"See guys, so come on"

Huh?! Anong come on! Wag mung sabihing umoo akong pumasok dun?! Wahhh! Mababakla ata ako nito eh..

Dali-dali naman akong pumunta sa tabi ni hime at tsaka kinuha ang isang 4D glasses na hawak niya at ganun din ang ginawa ng iba.

Parang ayoko atang pumasok diyan sa loob, para kasing may masang mangyayari pagpasok palang namin. Mukhang ganun din ang naramdaman ni hime pero hindi gaano, mukha kasing kampanti siyang walang mamamatay saamin mamaya. Sana lang talaga wala.

Tinahak na namin ang daan patungo sa maze pero bago yun ay madadaanan muna namin ang katabi ng mansion namin, ang bahay na maraming multo o iba't-ibang uri ng tao na may lahing mortal.

Kung nagtataka kayo kung paano nagkaroon ng mga ganung klase ng tao ay aba! Ewan ko kay hime, sabi niya lang sakin nung six years old palang kami ay nakita daw niya ang iba na nandiyan sa bahay nayan na marami ang sugat kaya ayon tinulungan niya kaya nga close namin yung mga yan eh.

Lalagpasan na sana namin ang bahay nayun ng may biglang tumawag kay hime kaya napalingon kami..at grabe nalang ang takot ng mga kasama namin ng lumabas bigla ang isang bampira at isang taong lobo na magkaakbay..diba enemy ang vampire at wolf?

"Nandito ka na pala aming mumunting kaibigan, buti naman at napadalaw ulit kayo sa isla niyo"

Sabi nung bampira na sinang-ayonan ng lobo.

"Yeah, it's good to be here with my friends and brother"

Tumingin sa mga kagang ko at kagang ni hime ang dalawa tsaka tumahol ang lobo na nakapagpalabas ng iba pang nasa loob. Mas natakot naman sila tristan sa nakita.

"Hello sa inyo princess/queen"

Sabay na bigkas nilang lahat habang tumango lang naman si hime, hanggang dito ba naman queen o princess si hime

"We have to go, maybe next time we can catch up some things before we go back to our real island"

"Saan nga pala kayo pupunta?" Wolf

"Maze"

Nakita ko namang tumango-tango lang ang iba.

"Sige basta mag-iingat kayo"

Nagpatuloy na ulit kami sa paglalakad namin at nadaanan na naman namin ang the pool of death..astig ng pangalan nuh? Hehe gawa-gawa ko lang yan ngayon, nakakamatay naman talaga kasi.

Kung tutungtung ka siguro diyan o sisisid man lang baka wala pang isang minuto, buto ka nalang.

Lalagpas na sana kami ng bigla nalang nadulas si Franklord, muntik na nga siyang mahulog sa pool of death kung hindi lang siya na hawakan ni hime. Nakahinga naman kami ng maluwag dun, akala kasi namin paglalamayan na namin si Franklord. Sayang pera nuh

At sa wakas after the journey, nandito na kami sa harap ng malaking golden gate ng maze. Pumunta si hime dun sa may maraming grass na nakapalibot sa gilid ng gate at tsaka may pinindot dun kaya bumukas yung pintuan.

Pero sa hindi inaasahang pangyayari, bumungad sa harapan namin ang isang lion, isang tigre at isang ahas na talagang nakakamatay base sa itsura nito since nakasuot na kami ng 4D glasses ay talagang kitang-kita namin ang loob. So ito pala ang mangyayaring masama.

"ROAARRRR!!/SSSSSSSS!!/TWITTWIT/GRRRR!!"

The Cold Empress/Gangster ✔️ Where stories live. Discover now