Chapter Ten :

71.2K 1.8K 66
                                    

A/N: HELLO PO SA INYONG LAHAT..SA GUSTO PONG MAGPADEDICATE PLS COMMENT LANG AND DON't forget to VOTE.. I DEDICATE THIS STORY KAY @LaePeraman AND SA IBA HEHE :)) pls ENJOY.

Chapter Ten :

Ace Pov :

Naalimpungatan ako ng may marinig akong ingay sa labas. Dinilat ko ang mga mata ko at agad inilibot sa loob ng kwartong ito. Napag-alaman kung nandito pala ako sa HQ namin. Ano nga ba ang nangyari at nandito ako?

Tatayo na sana ako ng maalala kung may sugat pala ako. Tss oo nga pala, nakipag-away nga pala kami sa FireGlaze kagabi. Grabe lang ang sakit ng katawan ko ha. Bakit ba kasi namin sila nilabanan? Bahala na nga.

Kinuha ko sa ilalim ng unan ko ang baril na tinatago ko palagi at tsaka Pinilit tumayo kahit medyo masakit pa ang mga pasang natamo ko, pumunta na ako sa may pintuan, May ingay kasi akong naririnig kanina pa. Istorbo kasi sa tulog eh.
Ng nasa tapat na ako ng pinto ay naririnig ko pa silang nag-uusap.

'Ikaw na lang kasi! Baka barilin pa ako pagpasok ko diyan, may baril panaman yan lagi sa ilalim ng unan niya'

'Eh! Ikaw na lang! Ako nga nadaplisan na eh! Kaya it's your time to shine naman ngayon'

'Ika--'

Hindi ko na sila pinatapos magsalita at agad binuksan ang pinto. Nanlaki naman ang mga mata nila bigla at tumingin sakin na parang nakakita ng multo.

Kinasa ko na ang baril ko at tsaka ko itinutok na sana sa kanila pero mabilis pa sa alas kwatro ang pagtakbo nilang dalawa.

Hindi ko naman talaga sila babarilin, nilibang ko lang ang sarili ko haha ang epic kaya ng mga mukha nila. Hay, umiiling-iling akong pumasok pabalik sa kwarto ko at tsaka naghanda para sa pasok ngayon. Tsk! Sa susunod talaga hindi ko na kakalabanin ang Fireglaze. Baka maaga akong mawala. Hay.

Ice Pov :

Kunot noo kaming magkakambal na naglalakad patungong office dahil pinatawag kami. Tungkol ata ito nung babaeng binugbug ni Frost eh, ay hindi pala binugbug kundi pinatay talaga tss kahit kailan talaga itong kakambal ko ang brutal pagdating sakin.

Narating nadin namin sa wakas ang office, paano ba naman kasi kanina nung nagdidiscuss ang teacher namin ay pinatawag nalang kami bigla.

Pagpasok na pagpasok namin ay sampal sana ang sasalubong sakin pero agad hinawakan ni Frost ang kamay ng babae na mukhang ina ata ito nung isang queen bee tsk! Plastic.

"HAYOP KAYO! BAKIT NIYO PINATAY ANG MGA ANAK NAMIN!"

Sigaw samin nung isang babae na akmang susugurin kami pero agad din itong hinawakan ng asawa ata nun pero kaming dalawa ay heto pokerface. Tsk! Kasalanan ba naming malandi anak nila?

"Plastic"

Sabi ko sabay smirk ng kaunti, diba dapat ang totoong ina na mahal talaga ang anak ay umiiyak na ngayon pero bakit ang nakikita ko sa mga mata nila ay masaya pa sila.

"Anong plastic ang pinagsasabi mo?!"

Sigaw sakin nung isang lalaki na may kaedaran narin. Tumingin ako sa kanila isa-isa ng walang emosyon

"Bakit? Totoo naman diba? Wala naman talaga kayong pakialam sa mga anak niyo at ang pinunta niyo lang dito ay pera tama ba ako?"

Nabigla naman silang lahat sa sinabi ko except kay frost, alam ko namang alam din niya ang mga sinasabi ko eh.

"A-anong I-ibig mong sabihin?!"

Tss paulit-ulit nalang ba tayo dito ng tanong? Mapagpanggap talaga.

"Magkano ba gusto mo ng matahimik kana? Dahil alam naman nating lahat na pera lang ang habol niyo kaya kayo nandito"

Sa wakas nagsalita narin si Frost. Kanina ko pa kasi napapansin na andami ko ng sinabi.

"Ha! Bakit?! Kaya niyo kaming bayaran?! Baka nga isa samin hindi niyo na kaya eh! Tandaan niyo apat kaming mga magulang!"

Tss napangisi naman kaming dalawa ni Frost.

"O? Talaga? Baka nga gusto mo pati buhay mo....bilhin ko rin"

Sabi ni frost ng nakangisi parin.

"5 billion"

Napatingin naman kaming lahat sa nagsalita..tss yun lang?

"O bakit? Hindi niyo kaya?! Hahaha eh wala pala kayo eh!!"

Nainis naman kaming dalawa ni frost, hindi niya ba kami kilala?

"HINDI NIYO BA KAMI KILALA?!"

Naku naman..kahit kailan talaga ang dali mapikon ng kakambal ko.

"B-bakit S-sino ba kayo?"

Bakas sa mukha ng isang babae ang takot pero hindi ito pinansin ni Frost at nagsalita ito ulit

"*smirk* 5 billion taga isa hindi ba? Yun lang ba?"

Tumango lang sila bilang sagot kaya pumitik ako ng isa pagkatapos ay sabay-sabay na nagring ang mga telepono nila. Tinignan naman nila ito at nabigla *smirk

"P-paano..."

Nautal-utal na sabi nila. Well kung nagtataka kayo kung anong nangyari..nasa bank account na nila ngayon ang pera na hinihingi nila. Sabi ko nga sa kanila, nakukuha ko lahat sa isang pitik lang.

"Sino ba talaga kayo!? Sabihin niyo na!?"

Sabay na sigaw ng dalawang ina

"Kami?! Kami lang naman ang anak ng pinakamayaman sa buong mundo! Na kahit pangalawang pinakamayaman ay hindi nakalahati sa yaman namin!"

Bakas sa mukha nila ang gulat at pag-alala, aba sinong hindi mag-alala na kahit anong oras ngayon ay pwedeng mawala ang lahat ng pinaghirapan nila dahil sa pagsigaw nila samin.

Humihingi lang ng 5 billion pero may kasamang sigaw? Aba! Hindi pwede yun sa mga smith!

Basta tandaan niyo! Centemos lang ang 5 billion sa pamilyang smith dahil kada segundo, may pumapasok na malaking pera sa companya namin. *smirk

The Cold Empress/Gangster ✔️ Where stories live. Discover now