Chapter Thirty One : Part 1

39.1K 847 9
                                    

A/N : pasensya na kayo kung hindi maganda ang chapter thirty hehe :)

Chapter Thirty One : Part 1

Third Person's Pov :

"B-babe?, W-WILLIAM ANO TUH?!!!!"

Galit , inis , lungkot at pagkadismaya , yan ang nararamdaman ngayon ni trace sa nalaman at nangyayari sa kanya ngayon. Hindi niya lubos akalain na kaya siyang ipadukot ng boyfriend niyang sobrang sweet at caring kung umasta nung hindi pa niya nalaman ang tunay na pagkatao nito ngayon.

Hindi man niya alam kung ano ba talaga ito sa totoong buhay ay alam niyang illegal at mga gangster ang kasama niya o mas higit pa dun. Madalas niyang nararamdaman ang matatalim na titig nito sakanya nung mag-iisang buwan pa lang sila.

Hindi niya alam kung bakit ganun nalang ang titig nito sa kanya pero ngayon ay napagtanto na niya ang tunay na dahilan nun. Gusto siyang gamitin laban kila Ice , wala siyang alam sa pakay ng boyfriend niya sakanya pero nasisigurado niyang may kinalaman ito sa girlfriend ng kapatid na.

Isang ngisi lang ang isinagot ni william sa tanong ni trace sakanya. Noon pa man ay mataman na niyang pinasubaybayan ang bawat galaw nila ice kaya nung nalaman niyang may befpstfriend ito ay agad niyang pinatawag ang mga tauhan niya at pinamanmanan ito dahil malaking tulong ito para sakanila dahil narin sa kapatid ito ng boyfriend ni ice.

" william bakit mo to ginagawa sakin?! Hindi mo ba ako mahal?! Bakit--ANO BA!!? BITAWAN MO NGA AKO! Nasasaktan na ako!"

Kinaladkad siya ni william papunta sa isang lamesa na may mga taling nakadikit. Sapilitan naman niyang pinahiga doon si trace at tsaka tinakpan ng panyo ang bibig para hindi makapagsalita.

Pilit na nagpupumiglas si trace pero sa huli ay sumuko na din siya dahil kahit anong pagpupumiglas niya ay hindi padin siya makawala at nasasayang lang ang natitirang lakas niya.

"Ano trace?! Kaya pa?! Hahaha mamaya darating na ang mga bisita natin at magiging masaya na naman ang araw ko!! Bwahaha!!! Wala talagang makakatalo sakin"

"Hmmppp!!!"

"Ano? Hindi kita narinig?! Hahaha para kang tanga diyan!"

Pumunta naman sa isang machine si william at may kinalikot sa controller dun. Maya-maya lang ay bigla nalang nangisay at nagpupumiglas si trace dahil sa koryenteng dumaloy sa katawan niya. Pinatay din naman agad iyon ni william.

"Patikim palang yun Trace Bwahaha! Masakit?!! Tanga ka kasi"

Sa kabilang banda naman ay naghahanda na ang lahat para sa mangyayaring away na magaganap mamaya. Kahit si ace ay nagpumilit paring sumama kahit masakit ang binti nito dahil sa balang tumama sa kanya kanina. Hindi sana nila papayagan si ace sumama pero dahil nga nagpumilit ito ay wala na silang magawa dahil ate padin niya yung ililigtas.

Palabas na sana sila sa mansiyon ng makarinig sila ng mga yapak na halatang tumatakbo para lang maabutan sila.

"SANDALI!"

Tumingin sila sa itaas ng hagdan at nakita nila dun si winter na nakahanda na para umalis, ready na ang mga armas na gagamitin nito. Narinig niya kasi yung nangyari sa ate ni ace kaya gusto niyang tumulong.

"Gusto ko lang sanang sumama sainyo"

Sinasabi niya ito habang pababa ng hagdan, bigla naman nag bago ang templa ng mukha nung kambal.

"Hindi pwede, dito ka lang"

"Pero-"

"Wala ng pero pero, baka mapahamak ka pa dun"

"Mag-iingat naman ako eh at tsaka ano pa ang silbi ng pagtratraining ko kung hindi ko ito mapapakinabangan kaya sasama ako sa ayaw at sa gusto mo"

"Hindi--"

"Tandaan niyong dalawa, ako pa din ang mas nakakatanda sa ating tatlo kaya ako ang masusunod"

"Tss"

Wala ng magawa ang kambal at pinayagan nalang itong sumama sa kanila. Sumakay na sila sa mga kotse nila pero bago yun ay binigay muna ni stanley ang research na nagsasabi kung saan ang lugar na pupuntahan nila.

Hinanda na kasi nila ito bago sila lumisan sa mansion nila. Hindi naman kasi sila tanga para pumunta dun ng hindi nila alam ang lugar, baka mawala pa sila at magkahiwalay-hiwalay.

Hindi nagtagal ay narating na din nila ang lugar kung saan dinala ang ate ni ace. Masasabi nilang hindi ito pangkaraniwang lugar dahil mansion din ito pero hindi kagaya ng sakanila dahil gold ito, mamahalin nga pero puro peke naman.

Habang nagmamasid sila sa paligid ay hindi naman mapigilan ni winter na hindi kabahan dahil baka kung ano ang mangyari mamaya at tsaka may napansin siya sa lugar na iyon. Parehong pareho ng hideout nila, pareho ng ambyansi at pareho ng amoy, pati desinyo, hindi na siya magtataka kung malalaman nalang niyang organisasyon pala nila ito noon.

"Zeke, dun ka sa kanan kasama si xiarah at franklord"

"Ace at tristan pati narin ikaw wayne, dun kayo sa kaliwa"

"Kaming tatlo nalang ang papasok sa loob ng mansion, sumunod nalang kayo kung clear na ang lugar na inasign ko para sa inyo"

"Areglado queen"

Lumakad na ang magkagrupo habang ang magkakapatid naman ay pumasok na sa loob. Bawat sulok na matitignan nila ay may nakabantay pero agad din naman nila itong binabatil, buti nalang at may silencer ang mga baril nila.

Nagpatuloy lang sila sa pagpapaputok pero hindi naman sila nauubusan ng bala dahil marami silang dalang extra para hindi sila makulangan at mawalan ng armas.

Ng mapagtanto nilang wala ng babantay sa loob ay iniisa isa na nilang tignan ang isang daang kwartong nandun. Patuloy sila sa pagbukas ng mga pinto pero puro mga druga ang nandoon, my mga armas at lason din naman hanggang sa mapahinto ang tatlong magkakapatid ng may marinig silang ingay na para bang kinukuryente sa loob ng pintuan na kulay dugo.

Wala na silang inaksayang oras at tska na sila pumasok dun na walang pag-alinlangan. Nakita nila kung paano pinapahirapan nung isang lalaki si trace na ngayon ay parang mawawalan na ng buhay.

Agad na lumapit si ice dito at sinikmuraan ang lalaki, napalayo naman ito ng konti sakanya. Si frost naman ay inalalayan si trace. Habang si winter ay nakatulala lang sa lalaking nasa harapan niya.

"D-dos?"

Tumingin ang lalaki sa kanya at pati ito ay nagulat pero agad itong napalitan ng isang ngisi.

"Tumiwalag kana pala sa grupo King! Hindi nga ako nagkakamali ng hinala na tatraydorin mo kami balang araw ng kasapi mo noon"

The Cold Empress/Gangster ✔️ Where stories live. Discover now