Chapter Twenty Seven :

35K 921 28
                                    

A/N : wala akong masabi kaya enjoy lang kayo :)

Chapter Twenty Seven :

Ice Pov :

"Hime bakit mo nga pala ako pinapun--Woooaaa!! Anong ginagawa ng lalaking yan dito?"

Alam kung alam mo kung sino ang dumating kaya hindi ko na sasabihin kung sino. Kung bakit siya pa ang pinapunta ko dito? Alam ko kasing nakausap na niya ang lalaking malasuperhero kung makaharang sakin kanina para lang hindi ako masaktan.

Kaya pala pamilyar sakin ang mukha niya dahil nung bigla nalang nawala sa tabi ko si frost nung naglalakad kaming dalawa sa park ay hinanap ko siya, nakita ko nalang siya na may kausap na lalaki kaya naghintay nalang ako ng ilang minuto dun malapit sa pwesto nila para hindi ko sila maistorbo.

Kinuwento ko sakanya ang buong nangyari kanina sa eskinita pati na rin ang mga detalye tungkol dun sa mga lalaking humarang samin. Malas lang ng mga yun dahil kahit gaano ka pa kalayo ay siguradong may makuha akong impormasyon tungkol sayo na talagang malalaman agad na ikaw yun.

Pagkatapos kung magkwento sa nangyari ay nakita ko nalang ang galit na mukha ng kakambal ko. Alam kung importanti na din sakanya ang lalaking ito dahil narin sa nalaman niya tungkol sa pagkatao nito.

Alam ko kung ano ang mga pinag-usapan nila dahil kinuwento lahat ni frost sakin. Wala kasi yang secretong hindi ko nalalaman dahil ayaw niyang may secreto kami sa isa't-isa at oo pati mga secreto ko ay alam niya.

"Okay na ba siya hime?! Kailangan niya ba ng dugo?! Anong bloodtype siya?! Anong--"

"Alam mo namang kahit ako ang nagkulang ng dugo ay hindi ka pwedeng makapagdonate dahil ikaw lang ang natatanging merong dugong ganiyan sa mundo"

Sinabi ko yan sa kanya para matigil na siya kadadada dahil wala din naman siyang magagawa. Ang dugo kasi niya ay walang katulad dahil iba ito. Kung tinatanong niyo kung ano?

"Hay! Bakit ba kasi ako may dugong NU ABO ( xD walang maisip eh )! Paano pala pag kailangan mo na ng dugo?! Paano pag ako ang nangangailangan ?! Edi tigok agad ako nito"

Tama kayo ng nabasa, nung mga bata pa lang kasi kami ay kailangan niya ng dugo dahil sa pagligtas din sakin sa isang car accident, hindi ko naman kasi akalaing ganun kalala ang natamo niya. Buti nalang talaga at scientist ang tito namin at nakagawa ito ng dugong katulad ng sakanya at kung paano? Aba ewan ko, pati nga ako hindi ko alam.

Alam niyo bang nagpanggap pa yan ng walang maalala, gago eh nuh? At ano pang mas nakagagong ginawa niyan? One month lang naman yang nagpanggap, kung hindi ko lang talaga naisip na lumuhod sa harap niya baka hanggang ngayon nagpapanggap pa din yan.

Nung time kasi na yun ay ako lang ang hindi DAW niya maalala kaya ginawa ko ang lahat para maalala lang niya ako, pero ang gago ginawa pa akong slave kaya nung time na pagod na pagod na talaga akong kasusuyo at pagpapaalala sa kanya kung sino talaga ako ay nag attempt akong lumuhod sa harap niya pero bago ko nagawa yun ay pinatigil na niya ako at tsaka sinabing JOKE LANG LAHAT NG YUN, kaya ang resulta? Bagsak hospital lang naman siya dahil sa pambubugbog ko sakanya, gago eh.

"Tawagan ko muna si mom bro"

Tumango lang ito kaya tinawagan ko na si mom, hindi nagtagal ay sumagot din naman agad ito.

"Yes princess?"

"Mom? Naalala niyo pa po ba yung isang kapatid namin?"

Biglang tumahimik sa kabilang linya at nakarinig nalang ako ng isang umiiyak na bata, hay, kahit kailan talaga.

"UWAAAAAAAA!!!! HUHUHUHU!!! WAAAAA!!!!"

"HEY SWEETIE, WHAT HAPPEN?"

Alam kung si dad yung sumisigaw

"UWAAAA!! MY BABY WINTER!!!! UWAAAA!!!"

Naku lagot..

"W-winter??? UWAAAAAAAAAA!!!!!"

Ack!!! Ang sakit na ng tenga ko!!! Sh*t! At sumali pa talaga si dad? Hay!!

"SHUT UP!!!"

*kroo kroo*

Buti naman at tumigil na sila kakaiyak, ang sakit ng tenga ko letcheplan!!

"As I was sayin', may kung ano pa ba kayong palatandaan na siya talaga ang kapatid namin maliban sa mata?"

"Hmmmmm...maliban sa mata ba kamo baby?"

"Yes"

"Sa pagkakatanda ko, may peklat siyang korona sa kanang hinlalaki niya"

"Thanks mom"

Binaba ko na ang tawag at tsaka kami lumapit ni frost kung nasaan yung lalaki, hahawakan ko na sana ang kamay nito ng bigla nalang pinalo ni frost ang kamay ko at sinabing siya nalang daw para masaya, tss..

Hinay-hinay niyang kinuha ang kanang kamay nito at sabay naming tinignan ang hinlalaki nito. May band-aid ito kaya tinanggal niya ito ng dahan-dahan hanggang sa tumambad sa amin ang koronang peklat nito.

'Is he the one?' Sa isip ko pero alam kung pati na din si frost ay yan ang tanong sa isip niya.

The Cold Empress/Gangster ✔️ Where stories live. Discover now