Chapter 6

4.6K 146 20
                                    

Emilia

Tumigil ang sinasakyan namin sa pier. Bumaba kami at sinalubong kami ng isang lalaki kung saan ibinigay ni Roman ang susi ng kotse nito.

"Papa, are we going to ride that big ship po?" tanong anak namin nang makita nito ang isang puting malaking bark na sinasakyan ng mga tao.

"Yes, son. We're going to the island," sagot niya.

Hindi ako nagsalita. Sumunod lang ako kay Roman na bitbit ang mga gamit nito habang pasakay kami sa barko. Buhat-buhat ko naman si Rowan na hindi magkanda-ugaga sa pagtingin-tingin sa paligid. Nakarating kami sa isang kuwarto kung saan inilapag ni Roman ang mga bag namin sa isang malambot na malaking kama. Kasya na siguro ang isang pamilya rito.

"P-Papaano ka nakakuha ng ganitong kuwarto? Sa pagkakaalam ko ay mahal ang ganito," sabi ko habang inililibot ang paningin sa loob. Hindi naman ito malaki. May iilang cabinet kung saan puwede mo ilagay ang mga gamit mo, may banyo at ang maganda rito ay ang bintana niya kung saan puwede mong pagmasdan ang karagatan.

"You're questioning my decision, Emilia?" Umiling ako at yumuko. Hindi ko kayang makipagtitigan sa kaniya lalo na't matalim itong nakatingin sa akin.

"H-Hindi naman sa gano'n. N-Nagtataka lang kasi ako," sabi ko sa mahinang boses.

"Stop asking nonsense questions. Alagaan mo na lang ang bata dahil iyan lang ang trabaho mo sa ngayon," sabi nito at hindi ko na naramdaman ang presensiya n'ya sa loob. Lumabas ito nang hindi man lang nagpaaalam.

Ano pa bang ipaaalam niya? Noon pa man ay wala na siyang pakialam sa akin pero hindi ko iyon pinansin dahil nagiging ama siya sa anak naming dalawa. Kahit na palagi ako nitong sinasabihan nang masasakit na salita, nagbingi-bingihan na lang ako dahil kahit papaano'y nandiyan siya para kay Rowan.

Ngunit ngayon, mas gugustuhin ko na lang na iwan niya kami. Na sa babaeng mahal na lang niya s'ya pumunta. Dahil sa tuwing magkasama kami, imbes na saya ang maramdaman ko ay kabaliktaran nito ang dumadaloy sa puso ko.

"Momma, it's okay po. I'm always here for you." Mabilis kong pinunasan ang luhang dumaloy nang hindi ko namamalayan sa mga mata ko at hinarap ko si Rowan na nakaupo lang sa isang tabi.

Bumuntonghininga ako. Nilapitan ko siya at pinantayan ito. Hinawakan ko ang kaniyang magkabilang pisngi at tinignan ang kaniyang mga mata bago ko siya paulit-ulit na hinahalikan sa ulo. Mahigpit kong niyakap ang anak ko na siya ring gumanti sa pagkakayakap sa akin.

"Nandito rin ako para sa 'yo, 'nak. Kahit na ano'ng mangyari, hindi aalis is momma sa tabi mo."

––

Nanatili lang kami ni Rowan sa loob ng kuwarto kung saan kami iniwan ni Roman. At hanggang ngayon na magtatanghalian na'y hindi pa rin ito bumabalik. Gusto ko siyang hanapin sa labas ngunit hindi ko naman alam kung saan ako magsisimula dahil malaki itong barkong sinasakyan namin at baka maligaw lang ako't hindi na makabalik.

"Momma, I'm hungry na po."

Sasagutin ko na sana si Rowan nang biglang bumukas ang pintuan nitong kuwarto. Pumasok doon si Roman na may dala-dalang food tray. May laman itong maraming pagkain at tubig.

"Papa! I'm hungry na po. Sa atin po iyan?" tanong ng bata nang makita si Roman.

Lumapit si Roman isang mesa rito sa loob at saka inilagay ko roon ang mga pagkain na nasa food tray. Nang matapos siya'y tumingin ito sa gawi namin na nakakunot ang kaniyang noo.

"Why are you guys still there? Let's eat at pagkatapos ay lumabas tayo," sabi nito.

Kaya hindi ko napigilan pa si Rowan na bumaba sa kama at mabilis na nilapitan ang ama. Tinulungan ni Roman na makaupo ang bata sa isang mesa habang nilalagyan ng pagkain ang platong nasa kaniyang harapan.

Sumumod naman ako at naglakad papalapit sa kanila. Naupo ako sa tabi ni Rowan at nang aakmang kukuha ako ng pagkain ay pinigilan ako ni Roman.

"Ako na." Hinayaan ko na lang siyang lagyan ng mga pagkain ang plato ko bago ito naupo sa harapan ko't kumain na rin.

Hindi kami nagpansinan hanggang sa matapos kaming kumain. Tanging si Rowan lang ang nagtatanong at halos si Roman ang tinatanong nito. Malugod naman siyang sinasagot ng ama ngunit may iilang tanong na hindi niya sinasagot ang bata.

"Papa, saan po tayo pupunta?" tanong ni Rowan sa ama habang buhat-buhat siya nito sa kaniyang bisig.

Naglalakad kami ngayon sa isang pasilyo rito sa loob ng barko hanggang sa makarating kami sa isang hagdan ay umakyat kami rito.

"On the outside, young man. Magpapahangin muna tayo," sagot nito sa bata.

Hindi na nagtanong pa si Rowan hanggang sa makarating kami sa parang rooftop nitong barko. Maraming tao ang nandito habang nakatanaw sa karagatan. Malakas din hangin kaya natatangay ang mahaba at medyo kulot kong buhok.

Naglakad kami sa gilid kung saan may nakalagay na payong doon para hindi kami mainitan. Mayroon ding mga upuan na puwede mong puwestuhan kung napapagod ka nang tumayo.

Hinayaan naman ni Roman ang bata na tumingin sa karagatan, may nakaharang din naman kasi rito kaya kampante itong hindi mahuhulog si Rowan. Sinabihan niya rin ang anak na huwag malikot. Kaya heto ako't pinagmamasdan si Rowan sa malayo habang nakatingin sa dagat.

"I'm sorry." Bigla akong napatingin sa tabi ko nang magsalita si Roman. Nakatingin din ito sa akin habang sinseridad na humihinga ng tawad. "I'm sorry for yelling at you earlier. Don't worry, pagdating natin sa isla. Susubukan kong maging ama sa anak natin at maging asawa para sa 'yo."

Ngumiti ako ngunit hindi iyon abot sa aking mga mata. Yumuko ako't pinagsaklop ang mga palad ko.

Masaya ako na narinig ko ito mula sa kaniya. Na susubukan niyang maging ama at asawa para sa anak namin at sa akin. Ngunit iyong sayang nararamdaman ko ay nagpapalitan ng kirot sa aking puso.

Iyong saya na dapat, noon ko pa nararanasan ngunit huli na ang lahat. Hindi na niya kailangan pang subukan na maging asawa sa akin dahil nasanay na akong kasal lang kami sa papel. Kahit na para lang kay Rowan, iyon lang ay siyang gusto kong makita kahit na panandalian lang.

"M-Masaya ako..." Inangat ko ang ulo ko at tinignan si Roman. "Masaya ako dahil sinusubukan mo nang maging ama sa anak natin pero hindi mo kailangan na subukan maging asawa. Kasi hindi naman kami magtatagal sa piling mo, buo na ang desisyon ko, Roman. Pakakawalan na kita para hindi puro pasakit na lang ang dala ko sa 'yo. Tuluyan ka ng maging malaya at maaari mo nang pasakalan ang babaeng mahal mo."

Napansin ko ang pagbabago ng ekspresiyon nito ngunit tumayo ako at hindi na lang iyon inintindi. Iniwan ko ito roon at nilapitan ko si Rowan na ngayo'y may kausap ng bata.

WIFE SERIES: The Annulment (Completed) [PUBLISHED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora