Chapter 23

4.8K 166 36
                                    

Third-person Point Of View.

Ten years ago.

Sa saliw ng musika. Abala ang bawat isa sa pakikipagsayaw sa kani-kanilang kapareha. Hindi alintana ang lakas ng musika at halos wala na sa ritmo ang pagsayaw ng mga ito.

Abala ang bawat naririto sa loob ng Starry Hub, isang sikat na bar dito sa syudad. Na ang lahat ng mga pumapasok ay kilalang mga tao, mayayaman at malakas ang impluwensiya.

“Dude, hindi ka ba sasayaw?” Parang baliw na turan ni Edward habang tumatango-tango ito, sinasabayan ang musikang pinapatugtog ng DJ sa entablado.

"I'm tired. Gusto ko lang mag-inom."

"Nag-away kayo?" Edward asked. Tumigil na ito sa pag-head bang at tinitiginan ang kaibigan nang mariin. Sinusuri ito kung bakit tila malungkot ang expression na ipinapakita niya ngayon.

Hindi kasi ito sanay na makita ang kaibigan na ganito ang inaakto. Kilala niya si Roman na madaldal, halos lahat na ata ng kuwentong alam nito'y nasabi na niya. Hindi ito naglilihim sa mga kaibigan ngunit ngayon ay tila ba iba ang ipinapakita niya. Para bang may malalim itong iniisip.

"Hindi..." Bumuntonghininga si Roman at tumingin sa baba. Nakasandal ang mga ito sa railings ng second floor kung saan nakikita ang mga taong abala sa first floor nitong bar. "Nag-away lang kami ni Dad," anito.

"Sus! Palagi naman kayong nag-aaway n'yang dad mo. Wala na bang bago?" Tumawa pa si Edward ngunit hindi man lang natinag si Edward sa pagkakasandal. Emotionless ito at alam ni Edward na malaking problema ang dinadala nito.

"Auhm... W-What's the reason?" tanong ni Edward dahil nanahimik ang kaibigan. Nilingon muna niya ang mga kasama sa isang couch at abala ang mga ito sa kani-kanilang mga babae.

"I told him that I wanted to break up with Kristina," sagot ni Roman. Hindi agad nakapag-react si Edward dahil sa gulat.

Alam nito kung gaano na katagal ang relasyon ng dalawa. Kaya nagtataka siya kung bakit sa isang iglap lang ay tila ba balak nitong hiwalayan ang babae. They were childhood sweethearts, simula pa nang sila'y nasa kinder pa lang ay kilala na nila ang isa't isa.

"But... Why, dude?"

"She's not the right girl."

Gustong sapukin ni Edward ang bungo ng kaibigan dahil sa naging sagot nito. Pero nanatili siyang tahimik. Alam niya kung papaano rumespeto nang desisyon ng isang tao. Kahit nahihirapan siyang alamin kung bakit sa hinaba-haba ng relasyon nilang dalawa ay ganito lang pala ang kahahantungan.

Nakarinig sila ng pagkabasag kaya mabilis silang lumingon dito. Nakita nila ang nagkakanda-ugagang waitress ng bar dahil nahulog nito ang order sa isang tray.

"P-Pasensiya na po," sabi nito at pupulutin na sana niya ang mga butil ng nabasag na plato ngunit mabilis na kumilos si Roman at pinigilan ang kamay nito.

Sa paraang iyon. Nabasa ni Roman ang nakasulat na name tag sa suot niyang uniform.

"Masusugatan ka, E-Emilia. Kumuha ka na lang ng dustpan at walis. Don't mint this," sabi Roman. Kaya dahan-dahang napatingin si Emilia sa lalaki at doon nagtama ang kanilang mga mata.

Hindi alam ni Emilia ang gagawin. Gusto niyang tumayo ngunit nanghihina ang kaniyang mga tuhod. Hindi siya makawala sa pagkakahawak ng lalaki sa kaniyang kamay, dahil na rin sa kabang nararamdaman niya.

WIFE SERIES: The Annulment (Completed) [PUBLISHED]Where stories live. Discover now