Chapter 7

4.5K 146 19
                                    

Emilia

Narating namin ang isang isla kinabukasan. Maaga pa lang ay nasa pantalan na kami ng mga barko at agad kaming nakalabas dito. Nagulat ako nang may sumalubong sa aming lalaki, sakay ng isang kotseng itim. Hindi ito iyong katulad ng sinakyan namin pero alam ko na mamahalin ang mga 'to. Nasa likod kami ni Rowan habang si Roman nama'y nasa harapan katabi ng driver's seat.

Magmula pa kahapon nang mag-usap kami sa rooftop ng barko ay naging tahimik na ako. Tanging ang anak ko na lang ang kausap ko at nagkulong kami sa loob ng kuwartong kinuha ni Roman. Habang siya'y hindi ko alam kung saan siya pumunta at kung saan siya natulog dahil nagising na lang kami kinabukasan na nagbibihis na ito ng kaniyang jacket.

Hanggang dito sa byahe ay namin papunta sa hindi ko alam na lugar. Tahimik lang akong nakamasid sa labas at ineengganyo ang sarili sa mga nagtataasang bundok at mga puno sa paligid.

"Momma..." Tumingin ako sa tabi ko at nakitang gising na pala si Rowan. Kinukusot-kusot nito ang kaniyang mga mata at nang naging malinaw na ang paningin ay tumingin siya sa labas ng bintana. "Where are we na po?"

"Hindi ko alam, 'nak. Pero nasa isla na tayo at papunta na tayo ngayon sa bahay na pagbabakasyunan natin," sagot ko sa kaniya. Hindi rin ako sigurado kung tama bang magbabaskayon kami rito o hindi.

Muling akong tumingin sa labas ngunit hindi nakatakas sa aking paningin ang mga mata ni Roman sa rear view mirror sa hadapa na agad ding nawala.

Magmula nang sabihin ko sa kaniya ang balak kong makipaghiwalay. May nag-iba sa kaniyang mga mata. Kung noon, palaging may lamig ang mga titig nito. Ngayo'y hindi ko mawari kung ano ba ang ibig nitong sabihin.

Nalulungkot? Dahil ba sa kapag nagkahiwalay kami'y hindi na niya ako masasabihan nang masasakit na salita? Hindi na niya puwedeng ipamukha sa aking isa akong bayaran, kahit na alam naman nitong hindi iyon totoo.

Dahil sa malalim ang iniisip ko. Kung hindi ko pa narinig ang pagbukas ng pinto ng kotse sa harapan. Hindi ko namalayan na tumigil ang isang kotse sa isang harap ng isang bahay na may dalawang palapag.

Gawa ang iilang bahagi nito sa matibay na kahoy. May malawak na bakuran na puwedeng pagtanman ng mga gulay at halaman.

"Thank you, Vlad." Napatingin ako sa nagsalita at nakitang si Roman iyon habang pinapasalamatan iyong naghatid sa amin dito.

Na sa labas na kami ng bahay at bitbit na ni Roman ang mga gamit namin habang mahigpit ang kapit ni Rowan sa aking kamay.

"You're welcome, man. Make sure to know the answer before it's too late," sabi ng lalaki bago ito sumakay sa kaniyang kotse at umalis. Tumango muna siya sa akin at nginitian ko lang bago nawala sa aming paningin.

"Let's get inside. Malamig dito sa labas," sabi ni Roman na siyang sinunod namin ng anak.

Nauna itong umalis at pumasok sa loob dahil siya rin ang nagbukas ng main door nitong bahay. Pagpasok namin ay sala agad ang bubungad sa 'yo. At napakaganda rito sa loob dahil halos lahat ng gamit ay gawa sa matitibay na kahoy. Mula sa cabinet na pinaglalagyan sa TV hanggang sa iilang sofa nitong gawa sa kawayan.

Sa dulo naman ay ang hagdan papunta sa ikalawang palapag kung saan dumiretso si Roman. Sumunod lang kami sa kaniya ni Rowan hanggang sa makarating kami sa taas. May hallway na maliit dito at may apat na kuwarto. Nasisiguro kong guestroom ang dalawa at para kay Roman ang isa at sa amin ang anak niya 'yung pangalawa.

Gawa sa kahoy ang mga pinto nito ngunit ang sahid mula sa first floor hanggang dito sa taas ay tiles. Matibay ang bahay, maganda ang pagkakadesisyon at sapat lang ito para sa iisang pamilya. Katulad din ito ng bahay namin sa South Ridge Village. Ngunit itong bahay ay pinaghalo ang moderno at mga bahay sa isang probinsiya.

"Sa dulo ang magiging kuwarto ni Rowan, while you and I are in the same room." Natigilan ako sa paglalakad dahil sa sinabi nito.

Minsan ko na rin naman siyang makatabi sa kuwarto sa tuwing gusto ng anak namin noon na magtabi kaming tatlo. Pero ngayon, hindi ko alam kung ano ang magiging reaction ko dahil sa sinabi niya.

Mayroon namang available na kuwarto at alam kong ayaw niya rin akong makatabi. Dahil minsan na rin niyang ipinamukha sa akin na sa tuwing magkatabi kami, palagi niyang naaalala ang nagyari sa amin noon. Ipanapamukha niyang kasalanan ko ang lahat, na ako ang nagplano at para may mahuthut ako sa kaniya.

Gusto ko sanang umangal at sabihing tatabi na lang ako sa kay Rowan ngunit nagmadali itong pumasok sa pinakaunang kuwarto rito bitbit ang mga gamit namin. Wala akong nagawa kundi ang bumuntonghininga at inihatid si Rowan sa magiging kuwarto niya.

Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin ang maliit lang na kuwarto. May isang kama sa dulo, cabinet at mayroon ding banyo rito sa loob. Maganda rin ito dahil sa kaniyang bintana na nakikita mo iyong mga bundok kung saan papasikat ang araw.

"Dito ka matutulog, 'nak. Gusto mo ba rito?" tanong ko sa kaniya habang papalapit kami sa kama na nasa tabi ng bintana. Gawa ito sa kahoy at may malambot na kutson para hindi matigas sa likod kapag nahiga ka.

"I like it po pero medyo sad because I didn't bring my toys," sabi nito nang iupo ko siya sa kama.

Naupo naman ako sa tabi nito. Hinawi ko ang buhok niyang tumatakip sa kaniyang mukha dahil medyo may kahabaan na ito ngayon. Hinawakan ko ang kaniyang mukha at tinignan sa kaniyang mga mata.

"Tiis-tiis ka na lang muna, 'nak. Aalis din naman tayo rito kaagad. At kapag nakabalik tayo sa syudad, ibibili kita ng mga bagong toys mo. Okay?"

Tumango ang bata kaya napangiti ako. Kahit na may lungkot pa rin sa kaniyang mga mata ay alam kong wala na itong magagawa kundi ang sumang-ayon. Tinuruan ko kasi siyang magtiis at magpasalamat sa kung alin ang mayroon.

Pagkatapos kong ayusin ang gamit ni Rowan sa kaniyang magiging kuwarto ay agad na kaming lumabas. Alas-nuwebe pa lang ng umaga at kanina pa raw siya nagugutom. Kaya nandito kami sa kusina para sana maghanap ng puwedeng lutuin.

Madali lang naman itong hanapin dahil magkarugtong lang ang sala at ang kusina. Maging ang dining table at ang paglutuan ay nasa iisang kuwarto na rin, dito sa kusina. Kaya hindi ka maliligaw rito.

Pinaupo ko lang si Rowan sa high chair at binuksan ang ref. Ngunit nadismaya ako dahil wala itong laman na kahit ano. Maging ang tubig ay wala ring laman.

"I didn't store any food here. Wala rin namang nakatira dito kaya masasayang lang ang pagkain. But now that we are, bukas ay mag-grocery tayo. Sa ngayon, ito na munang pina-deliver ko ang kainin natin."

Napalingon ako rito at nakita si Roman na may bitbit na supot. May laman itong pagkain nang ilagay niya sa mesa at buksan iyon. Agad siyang naupo sa harapan ni Rowan at nagsimulang kumain. Binigyan niya rin ng pagkain ang anak na ganadong ng kumakain.

Habang ako ay natukod sa kinatatayuan ko at pinagmamasdan siya. Hindi kasi ako sanay na nakikita siyang hubad baro na tanging jogging pants lang ang suot-suot.

"While are you still standing there, Emilia? Gusto mo pa bang subuan kita para kumain?"

Mabilis akong umiling at umalis sa harapan ng ref. Naupo ako sa tabi ni Rowan at saka nagsimulang kumain. Para akong tangang hindi makatingin sa kaniya lalo na't napansin ko ang bigla nitong pagngisi na parang demonyo.

*****

Nabasa ko mga comments nito sa last part kaya natutuwa ako. So, here's the update po. Hope you like it!

WIFE SERIES: The Annulment (Completed) [PUBLISHED]Where stories live. Discover now