Chapter 18

4.1K 130 27
                                    

Emilia

Nakayuko lang ako habang kumakain. Tahimik lang ako at ayaw kong mag-angat dahil naninikip ang dibdib ko. Hindi ko rin maintindihan kung bakit maging ang anak ko'y tahimik din sa tabi ko. Siguro'y nakakaramdam ito na wala sa kaniya ang buong atensiyon ni Roman.

"Nga pala, there's party para sa mga empyelado this week. A welcome party for those new employees. You should come, Romano. Para sa inyo iyong party," narinig kong sabi ni Kristina.

Nang dumating ang order namin ay hindi na ito umalis sa kaniyang puwesto. Bagkus, nag-order din ito ng kaniya at sa amin na nakisabay. Kanina pa rin ito nagsasalita at tanging si Roman lang ang kaniyang kinakausap.

Alam kong nasa iisang trabaho lang silang dalawa. Hindi ako bulag o tanga. Ayaw ko lang na magtanong dahil alam ko ang lugar ko, kasal lang kaming dalawa sa papel.

"I'll think about it, Chel."

"Sure. I'm looking forward for it. I hope to see you there," sagot ni Kristina.

Mabilis na tumakbo ang oras. Sa buong durasyon nito'y tahimik lang kami ng anak ko, maging si Edward ay bigla rin ang pananahimik. Para bang wala kami sa kanilang tabi at nag-uusap lang na parang magkaibigan lang. Ngunit hindi nakatakas sa paningin ko ang parehong kislap sa kanilang mga mata.

May mga eksenang pumapasok sa isipan ko ngunit agad ko ring iwinaksi. May mga ideyang tumatakbo rito ngunit mabilis kong kinakalimutan. Ayaw kong mag-conclude dahil hangga't wala akong sapat na ebedensiya, wala akong maipangtatapat sa kaniya.

Hindi ako manhid at ramdam ko iyon. Ramdam kong hanggang ngayo'y mahal pa rin ni Roman si Kristina.

"M-Mahal mo pa ba siya?" agad kong tanong nang makauwi kaming tatlo. Agad naman umakyat ang anak ko sa taas dahil sa excitement na nararamdaman nito sa kaniyang mga biniling laruan.

"What do you mean?" Ngumiti ako. Naglakad ako papalapit sa pang-isahang sofa at naupo roon.

"Si Kristina. M-Mahal mo pa ba?" tukoy ko sa babaeng minahal niya nang una at hanggang ngayo'y mahal pa rin niya.

"Will you stop asking nonsense –"

"Sagutin mo na lang ang tanong ko, Roman! M-Mahal mo pa ba?" pagpuputol ko sa sasabihin nito at medyo napalakas ang boses ko. Kaya nakita ko ang pagbabago sa kaniyang ekspresiyon na kanina lang ay kalmado.

Ngayo'y napapansin ko ang naghahalong emosiyon sa kaniya. Hindi ko maintindihan pero nakakakita ako ng takot, galit at lungkot sa mga mata niya. Ngunit hindi ko iyon pinansin. Ang gusto ko lang malaman ay kung mahal pa ba niya at hanggang doon lang iyon.

"Why are you asking me all of a sudden, Emilia?" Naglakad ito sa direksiyon ngunit nang nasa likod na siya ng mahabang sofa ay tumigil siya roon.

"G-Gusto ko lang malaman p-para alam ko kung saan ko ilulugar ang sarili ko," sagot ko at umiwas ng tingin. Mabilis kong pinunasan ang mga luhang lumandas sa aking mga mata.

"Tss!" Iyon lang ang narinig ko at ang mga hakbang nito papakyat sa hagdan.

Bumagsak ang mga balikat ko dahil doon. Parang nanghihina ang katawan ko dahil wala man lang akong nakuhang sagot. Ang mga luhang paisa-isa lang ang pagbagsak ay unti-unting bumuhos nang sabay-sabay. Ang dibdib ko'y naninikip dahil sa sobrang kirot ng puso ko.

Hindi ko na siya mahal pero bakit ako nagkakaganito? Dahil sa anak ko. Ayaw kong magkaroon ng isang pamilya si Rowan na hiwalay ang mga magulan ngunit gusto ko nang kumawala. Gusto ko nang palayain siya dahil kahit sa ganoong paraan lang ay mapagbayaran ko ang mga kasalanan ko sa kaniya.

Nang sumapit ang gabing iyon ay tahimik lang dalawa. Walang nagsasalita at tanging ang anak lang namin ang palaging nagkukuwento. Hindi rin ito nagtagal sa hapag dahil agad siyang umalis nang matapos siyang kumain.

Sa kuwarto naman ako ni Rowan natulog. Hindi naman ito nagtanong o hindi naman niya ako pinigilan kaya nakahinga ako nang maluwag. Malaki naman ang kama ng anak ko kaya kasya kaming dalawa. Nami-miss ko na ring makatabi ito sa pagtulog.

"Momma, nag-away po kayo ni Papa?" tanong nito. Nakahiga na kaming pareho sa kaniyang kama.

Tumingin ako sa bintana dahil binuksan ko ito para makita ang labas. May glass namang nakatapi rito kaya hindi makakapasok ang lamok. Kita ko ang langit na punong-puno nang bituin. Iniisip kong sana ang isa sa kanila ay ang mga magulang ko at idinadalangin na sana'y palayain ako sa masakit na mundong ginagalawan ko.

"Momma..." Napatingin ako sa anak ko. "You're crying. Papa shouldn't do this you!"

Pinunasan ko ang luha ko at ngumiti. "Masaya lang si Momma, 'nak. Ano ka ba? 'Wag na 'wag kang magagalit sa Papa mo dahil ama mo siya, okay?"

"Pero pinaiyak ka po niya! A real man should never hurt a girl like you po." Natawa ako dahil bumangon pa ito at ipinakita pa niya ang kamao. "I'll teach Papa a lesson, momma! Don't worry. You should huss now because I won't ever leave you. No matter what."

Imbes na matuwa ay mas lalo lang akong naiyak dahil sinabi nito. Sobrang mahal na mahal ko si Rowan at lahat ay gagawin ko para lang makasama ko 'to hanggang sa pagtanda. Siya na lang ang natitirang mahal ko sa buhay, kasama ni Andoy. Kaya kahit na ano'ng mangyari, hindi ko kakayaning iwanan ang anak ko kay Roman.

Hindi ko lubos na kilala si Kristina at baka kapag ginawa ko iyon. 'Tapos nagsama na silang dalawa, hindi ko kayang marinig na sinasaktan nito ang anak ko. Kaya kahit mahitap, titiisin ko hanggang sa dumating na iyong araw na aalis kami rito.

Hinalikan ko ang noo ni Rowan nang makatulog ito sa tabi. Inayos ko na rin ang pagkakahiga ngunit napatingin muna ako sa pinto dahil bahagya itong nakabukas at mabilis na nawala ang parang anino roon. Hindi ko lang alam kung namamalikmata lang ako pero pakiramdam ko'y may nagmamasid sa aming dalawa ni Rowan.

Umiling na lang ako at mabilis na iwinaksi iyon. Agad din naman akong nakatulog habang yakap-yakap ko ang anak ko.

-

Kinabukasan ay wala na si Rowan sa tabi ko. Agad akong bumangon nang mapatingin ako sa orasan nito. Malapit na kasing mag-alas-otso at eight-thirty ang pasok ni Roman.

Mabilis lang akong naghilamos sa banyo ng anak ko dahil wala na akong oras. Agad kong binuksan ang pinto ngunit nagulat ako sa nakita ko.

"Good morning, Momma!" masiglang bati ni Rowan sa akin ngunit wala roon ang atensiyon ko. Na kay Roman na nakatayo sa harapan ko habang may hawak ito ng bungkos ng bulaklak. Ito iyong mga bulaklak na itinanim ko sa labas.

"I don't have time to buy flowers. Our son punch me when I woke up. He told me, you were crying last night because of me. So, I wanna say sorry." Nakita ko ang maliit na pasa sa pisngi nito kaya bigla akong napatingin sa anak kong nakangisi sa tabi.

"Because you hurt momma! And you deserved that punch, Papa!" Tumawa pa si Rowan at sumusuntok-suntok pa ito sa hangin.

"Rowan... Alam mong bad iyon, 'nak." Tumigil ito kaya yumuko. Nag-sorry din naman siya sa ginawa niya sa kaniyang ama kaya nakahinga ako nang maluwag. Kahit maliit lang ang kamao nito para kay Roman, nagmarka pa rin ang maliit na pasa sa pisngi nito.

Muli kong ibinalik ang tingin kay Roman. Hanggang ngayon kasi ay nakaangat pa rin ang kamay niyang may hawak ng mga bulaklak.

"S-Salamat," mahina kong sabi. Kinuha ko ito at ngumiti.

"Yieeeh! Kiss na 'yan!"

Sabay naming ibinaling ang tingin kay Rowan at sinamaan ko ito ng tingin ngunit si Roman ay nginitian lang ang anak.

*****

Thank you po sa mga comments. 'Wag na kayo mainis, ito na pambawi ko hahaha

WIFE SERIES: The Annulment (Completed) [PUBLISHED]Where stories live. Discover now