Chapter 1

7.4K 144 17
                                    

Emilia

"Good morning, Momma!" masiglang bati ng anak ko nang pumasok siya rito sa kusina.

Sinalubong ko naman ito ng halik sa kaniyang pisngi at inalalayan siyang makaupo sa harap ng hapag.

Nakahanda na ang lahat, ang mga pagkaing kadalasan kong niluluto tuwing umaga para sa aking mag-ama.

"Good morning!" Ngumiti ako. Ginulo ko ang buhok niya bago ko siya tinalikuran. "Where's your papa, Rowan?"

"He's still upstairs po. Narinig ko may kausap po siya sa kaniyang cellphone," sagot nito.

"Okay. Let's wait for him first bago tayo kumain." Hinarap ko ito nang makuha ko ang tinimpla kong gatas para sa kaniya.

"Yes po!" Malawak ang pagkakangiti niya, ganito siya palagi tuwing umaga. Napakasiglang bata.

Matapos kong iabot ang gatas ni Rowan ay tumalikod akong muli upang magtimpla naman ng kape para kay Ramon.

Ito ang madalas kong ginagawa, ang pagsilbihan silang dalawa tuwing umaga. Maaga akong gumigising upang ipagluto sila bago ako umalis para pumunta sa aking trabaho, ang magtinda sa palengke ng gulay at mga isda.

Kahit nakatalikod ako'y ramdam ko ang presensiya niya nang pumasok ito sa kusina. Alam kong masama na naman ng timpla nito tuwing umaga.

"Good morning, Papa!" bati ng anak namin.

Humarap ako upang salubungin ang tingin nito, malamig at walang emosyon.

"Good morning." Kahit Kinakabahan ay pinilit kong ngumiti at huwag mautal.

Sa tuwing malapit kami sa isa't isa ay natatakot ako na baka saktan niya ako ngunit hindi naman niya ginagawa. Pinagkakasya na lang ang sarili sa masamang tingin at malamig na pakikitungo.

"Where's my coffee?" Umupo siya sa tabi ng anak, ipinatong ang mga kamay sa mesa.

Mabilis akong kumilos at inilapag ang kapeng tinimpla para sa kaniya. Pagkatapos kong maiabot ang kape ay inihanda ko na rin sa harapan nila ang mga pagkain.

"May pupuntahan ako ngayon. Hindi ko mababantayan si Rowan," sabi nito habang humihigop sa kapeng tinimpla ko.

"Sino ang magbabantay sa kaniya? Hindi siya puwede sa palengke," sagot ko. Nanatili akong nakatayo sa harapan nila.

Inangat niya ang tingin sa akin, ang malamig at walang buhay nitong tingin ay ngayo'y nakatuon sa akin.

"Kung gusto mo ipabantay mo roon sa baklang kaibigan mo o iwan mo sa mga lalaki mo. It's up to you, I don't really care!"

Malamig pero may diin.

"Ilang beses ko pa bang sabihin sa 'yo na wala akong lalaki?" Ikinuyum ko ang kamao.

Palagi na lamang niya akong pinagbibintangang may lalaki. Hindi ako bayaran at kahit kailan ay hindi ko magawang maghanap ng lalaki dahil alam niya sa sarili niyang mahal ko siya, na mariin naman niyang itinatanggi.

"You're lying again." Masama na ang kanyang tingin.

"Momma, Papa, huwag na po kayo mag-fight."

Napatingin ako sa anak ko, ikinalma ko ang sarili upang hindi siya matakot. Mabilis ko siyang nilapitan at hinaplos ang magkabila nitong pisngi.

"Hindi kami nagpa-fight, baby. Kumain kana dahil isasama ka ni Tita Andoy mo today, mamamasyal kayo." Ngumiti ako.

Nakahinga ako ng maluwag dahil naintindihan nito ang sinabi ko. Napansin kong kumakain na rin si Roman. Umayos na rin ako ng tayo at kinuha ang cellphone ko na malapit sa lababo, dahil kanina ay kausap ko rin si Andoy, ang baklang kaibigan ko simula pa ng high school at siyang tumutulong sa akin kay Rowan kapag wala akong mapag-iwanan sa bata dahil busy ang ama nito sa hindi ko malamang dahilan.

WIFE SERIES: The Annulment (Completed) [PUBLISHED]Where stories live. Discover now