Chapter 2

5.4K 127 15
                                    

Emilia

Marami akong pangarap noon sa buhay ko, magmula ng magkamuwang ako't malaman kung ano bang halaga ko rito sa mundo. Gustong makapagtapos ng pag-aaral kahit na wala ng sumusuporta sa akin, dahil is ana akong ulilang lubos. Gusto kong maging isang guro noon na magtuturo sa mga bata kung alin ang tama at mali.

Makahanap ng isang lalaking magmamahal sa akin ng lubos, magiging isang mabuting asawa at ina sa magiging mga anak naming.

Ngunit lahat ng 'yun ay hindi natupad, hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral dahil sa kakulangan sa trabaho. Hindi sapat ang perang nakukuha ko sa bar kung saan ako nagtatrabaho noon, kahit hindi ko gusto ay wala akong magagawa dahil 'yun lang ang trabahong tumanggap sa akin noon.

Nakahanap nga ako ng lalaki, ngunit hindi ko naman maramdaman ang pagmamahal. Tanging ang batang dinadala ko lang noon ang naging koneksiyon naming dalawa.

"Momma, can you tell me a story po?" Napatingin ako sa anak kong nakahiga sa aking braso, narito kami ngayon sa kaniyang kuwarto upang patulugin na. Ngunit humiling pa na kuwentuhan ko siya na palagi kong ginagawa kapag patutulugin ko na siya.

"Anong kuwento ang gusto mong marinig?" Hinalikan ko ang ulo nito at marahang sinusuklay ang kaniyang malambot at makapal na buhok. Manang-mana sa kaniyang ama, kaya ang Rowan ang ipinangalan ko dahil malapit ito sa Roman.

"I want a different story, like, how did you met Papa?"

Napahinga ako nang malalim at tumingin sa kisame ng kaniyang kuwarto, may mga glowing in the dark stars na nakadikit at nagkalat dito. Gusto niya raw nakikita ang mga bituin kahit na nasa loob lang siya ng kaniyang kuwarto. Kaya heto ang inilagay ko nang hilingin niya ito.

"Papaano ba?" Tumingin ako kay Rowan, nakatingala siya sa akin at nakikita ko ang kislap sa mga mata nito na kuhang-kuha ang mga mat ani Roman.

"How did you two met po ba, Momma? I wanna know it po," pag-uulit nito sa hiling dahil hindi ko agad nasundan ang sasabihin ko.

"Sa bar kami nagkakilala noon ng Papa mo..."

Hindi ko na matandaan ang eksaktong araw noon nang makita ko siyang umiinom kasama ang mga kaibigan nitong lalaki at mga babae. Unang tingin ko pa lang sa kaniya noon ay mabilis na ang takbo ng aking puso, hindi ko maintindihan pero excited ako sa tuwing papasok ako sa bar upang magtrabaho at masilayan siya.

Tuwing sabado at linggo ang trabaho ko kaya sa tuwing nasisilayan ko siya noon ay hindi mapakali ang puso ko. 'Di ko pinapalampas ang pagkakataon na ako ang nauutusan upang kunin ang order nila at ibayong kilig ang dumadaloy sa katawan ko sa tuwing nagtatagpo ang aming mga mata.

Isang gabi noon na mag-isa lang siyang umiinom at 'yun ang gabi na hindi ko inaasahan. Ang nagpabago sa takbo ng aming mga buhay.

Matapos ang trabaho ko noon ay lumabas na ako sa bar, malapit sa parking lot ang waiting shed kung saan ako palaging naghihintay ng masasakyang tricycle. Kaya nang makarating ako roon ay hindi ko inaasahan na makikita ko siyang nakasandig sa kaniyang kotse.

Alam kong marami siyang nainom sa gabing 'yun dahil halata sa kaniyang mukha ang pamumula nito. Inilibot ko ang paningin sa paligid at wala ng mga taong naririto, dahil maaga silang nagsiuwian kahit hindi pa naman malalim ang gabi.

Akala ko, ang pagpapakita ko ng malasakit sa kaniya noon ay ang simula ng aming pagkakaibigan ngunit mali. Nagpadalo-dalos ako sa aking desisyon, hindi ko naisip ang mga bagay na puwedeng mangyari.

Dahil hindi ko siya puwedeng iwan noon na mag-isa at lasing pa siya. Hindi rin ako marunong magmaneho ng kotse kaya dinala ko siya sa isang hotel nang makita kong nahihirapan na ito. Hirap na hirap akong alalayan siya habang papasok kami sa kuwarto ng isang hotel, dahil babae ako at mabigat siya para sa katulad ko.

WIFE SERIES: The Annulment (Completed) [PUBLISHED]Where stories live. Discover now