Chapter 24

4.9K 145 20
                                    

Emilia

One month later.

Isang buwan ang lumipas pero para bang isang taon ang nagdaan. Ang daming nagbago sa loob ng isang buwang iyon at masaya ako dahil unti-unti kong nababawi iyong mga nasayang na oras noong nasa piling pa niya ako.

Alam kong hindi pa rin nawawala iyong galit sa puso ko. Sinusubukan ko namang magpatawad ngunit hindi ko kaya, sampong taon ang nasayang. Kaya hindi ko alam kung kailan maghihilom iyong sugat sa puso ko.

"Ayos lang ba kayo rito?" Tumingin ako rito at nakitang nagsusuot na siya ng kaniyang business suit.

Tumingin naman ako sa loob ng bahay at nakangiting ibinalik ang tingin kay King.

"Ayos lang. S-Salamat," sabi ko. Tumigil ito at nilingon ang direksiyon ko. Ngumiti lang siya at lumapit siya sa puwesto ko.

"Anything for you, Emilia."

Hindi ko alam kung papaano ko pasasalamatan si King. Marami siyang naitulong sa amin ng anak ko, kaya hindi ko alam kung papaano sisimulan ang pagbawi ko.

Alam ko ang nararamdaman nito ngunit hindi ko na lang iyon pinansin. Kaibigan lang ang tingin ko sa kaniya at sana, huwag niya iyon mamasamain kung hindi ko siya kayang suklian.

"Sige na. Umalis ka na, baka mahuli ka pa sa trabaho." Tinapik ko ang balikat niya at saka ito nilagpasan. "Kung maaari, huwag mo na rin bilhan ng laruan si Rowan pag-uwi mo. Wala akong maibabayad sa 'yo, masyado na ring nakaka-"

"Hayaan mo na akong gawin ito para sa inyo. You don't have to pay me back. Gusto ko lang na makitang masaya," aniya. Kaya hindi ako kaagad na nakasagot.

Ngumiti ako at saka tumango. Kung makikipag-argumento pa ako ay matatalo lang ako. Kilala ko si King na ayaw na ayaw nitong pinigilan siya sa kaniyang gustong gawin. Kaya kung ito man ang makakapagpasaya sa kaniya ay hahayaan ko na lang.

Umalis na rin naman kaagad ito. Kaya inabala ko na rin ang sarili sa paglilinis nitong bahay na tinitirhan namin.

Katulad ito ng bahay namin sa South Ridge Village ngunit malayo ito roon. Malayo ito sa syudad at malayo ito sa kaniya. Tanging ang nakakaalam lang nito ay si Andoy at King.

Noong umalis kami ng Isla, silang dalawa ang naghihintay sa amin ng anak ko sa syudad. Dinala kami ng mga ito rito sa bahay kung saan nakatira si King. Mag-isa lang niya rito kaya rito na rin kami tumira ng anak ko.

Sa loob ng isang buwan, unti-unti kong natatanggap ang naging kahihitnan namin. At unti-unti ko ring tinatanggap na wala ng pag-asa, hindi na dapat pa akong umasa. Bakit pa? Kung puro lang naman kasinungalingan ang ipapakita niya'y mas mabuti nang lumayo kami ng anak ko.

Pagkatapos kong maglinis sa first floor. Umakyat naman ako bitbit ang walis at dustpan sa kamay ko. Dumiretso ako sa kuwarto namin ng anak ko. Dalawa lang kasi ang kuwarto rito sa taas, iyong isa ay kay King at itong isa naman ay naging kuwarto na namin ni Rowan.

"Rowan... 'Nak," tawag ko rito ngunit walang sumasagot. Kaya napabuntonghininga ako at saka ko binuksan ang pintuan ng kuwarto.

Naabutan ko itong nakaupo sa isang silya na malapit sa bintana nitong kuwarto. Bahagya itong nakatalikod sa akin at nakatingin sa labas.

Marami ang nagbago at isa na roon ang ugali ni Rowan. Hindi ko inaasahan na magiging ganito ang pagtrato nito sa akin. Hindi na ako kinakausap o 'di kaya'y pinapansin. Minsan kapag kausap nito si King, palagi niyang bukambibig ang ama. Gusto na raw niya itong makita ngunit ayaw ko raw siyang payanggan.

WIFE SERIES: The Annulment (Completed) [PUBLISHED]Место, где живут истории. Откройте их для себя