Chapter 31

4.5K 137 23
                                    

Emilia

Nagising ako mula sa mahimbing na pagkakatulog. Tumingin muna ako sa aking tabi at napagtanto kong hindi ko kasamang natulog si Rowan dito. Kaya ibinaling ko ang paningin sa wall clock na malapit sa pinto at nakitang mag-a-alas-kuwatro na nang umaga.

Mula rito sa kama ay kita ang labas ng balkonahe dahil wall glass lang ang dinamit. Ang kurtina ay hindi naman nakasarado. Kaya nakikita kong madilim pa rin sa labas.

Bumangon na ako't agad na pumasok sa banyo upang maghilamos. Hindi naman madilim dito sa loob dahil nakalimutan kong patayin ang ilaw kanina. Nang matapos akong maghugas at magsipilyo, may nakita kasi akong sipilyong hindi pa nabubuksan kaya iyon na ang ginamit ko. Wala naman sigurong masama roon?

Agad akong lumabas. Hindi ako makakalimutin kaya madali kong natandaan ang pinanggalingan namin nang ihatid ako ng katulong dito kahapon. Naglakad ako sa kahabaan nitong hallway habang inililibot ang paningin. May iilang paintings akong nakikita ngunit ang nakaagaw sa atensiyon ko nang makarating ako sa hagdanan ay ang malaking portrait na nakasabit sa wall.

Hindi ko ito nakita kahapon at ngayoʼy malinaw na malinaw sa akin kung sino ang nakaguhit doon. Hindi ako puwedeng magkamali, ako at si Roman ang naroroon. Portrait lang ito dahil wala akong natatandaang may picture kaming dalawa. Pagkatapos ng kasal, wala ng picture taking dahil mabilis lang ang mga pangyayari.

Bumuntonghininga ako. Nakakaramdam ako nang paninikip ng dibdib dahil sa nakikita ko. Siguro, kung hindi lang nagsinungaling si Roman sa akin, masaya kaya ako? Kung noon pa sana siya nagpakatotoo sa nararamdaman niya, mapapagod kaya akong mahalin siya?

Marami pa rin ang tanong sa isipan ko ngunit kahit isa'y walang nasagot. Isa lang ang pumapasok sa isipan ko ngayon, iyon ay ang palaging hinihiling ni Rowan. Natatakot ako, dahil ayokong masaktan ngunit ayaw ko rin namang biguin ang anak ko.

Nagtatalo pa rin ang isip at puso ko ngunit kailangan kong sundin ang isinisigaw ng isipan ko; ang sundin ang gusto ng anak ko.

Bumaba na ako nang tuluyan at agad kong hinanap ang kusina. Nakakapagtaka dahil nakailaw na halos lahat dito sa loob kaya hindi madilim. Sabagay, malapit nang sumikat ang araw kaya gising na siguro ang iilang katulong dito.

Mabilis ko lang nahanap ang kusina ngunit hindi pa man ako nakakapasok nang tuluyan ay agad akong natigilan sa boses na narinig ko sa loob. Nanatili ako sa pinto, hindi ako nito nakikita.

“Mom, I do love her...” Mabilis ang kabog ng dibdib ko dahil hindi ako puwedeng magkamali, si Roman ang nasa loob ng kusina. “I know kaya please 'wag niyo na kaming guluhin pa. Sinusubukan kong ayusin ang pamilya ko, I wanted to live with them until my last breath.”

Nakaramdam ako ng tuwa pero agad ko ring iwinaksi iyon. Ilang sandali lang ang lumipas at hindi ko na ito narinig pang magsalita. Kaya huminga muna ako nang malalim bago tuluyang pumasok sa loob ng kusina.

Naabutan ko roon si Roman na nakaupo sa harapang ng hapag. May laptop sa kaniyang harapan, may kape rin na nakapatong sa tabi ng kaniyang laptop at nakatuktok siya rito.

"Auhmm... A-Ang aga mo yatang nagigising?" tanong ko na kumuha sa kaniyang atensiyon. Ang mga mata niya'y mapupungay ngunit mahahalata mo pa rin ang pagod doon.

Ngumiti siya. “You're awake?" Tumango ako. Obvious naman kasing gising na ako. "I-I mean, I wasn't dreaming the whole time?"

Kumunot ang noo ko. Umupo ako kaharap nito at saka tinitigan siya nang matagal. Saka ko lang na-realized na nakatitig pala ako sa kaniya nang mapansin ko ang pamumula ng kaniyang mukha.

WIFE SERIES: The Annulment (Completed) [PUBLISHED]Where stories live. Discover now