Epilogue

5.9K 149 22
                                    

Third-person Point Of View.

“Handa na po ang lahat. Pumunta na po tayo sa ating mga puwesto at magsisimula na ang kasal,” anunsiyo ng organizer ng kasal.

Ito na ang araw na pinakahihintay niya. Ang maranasan niya ang kasal na matagal na niyang pinapangarap. Pangalawang beses at alam ng lahat na ito ang pinakahindi niya makakalimutan.

Maraming pinagdaanang dagok sa buhay si Emilia. Sampong taon ang tiniis niya para lang makamit ang totoong kasiyahang minimithi niya. Maraming beses na pumasok sa isipan niya ang sumuko ngunit nanatili pa rin siya at naniwala na balang araw ay darating ang araw na 'to.

"You ready?" tanong ni King, na naririto pa lang sa labas ng simbahan. Tumango lang siya at sa huling pagkakataon ay niyakap muna niya ito bago sila naghiwalay at naunang pumasok ang binata.

"Sa loob nang tatlong segundo ay bubuksan na natin ang pintuan," sabi pa ng organizer. At nagsimula na rin itong magbilang. "In 3... 2... 1."

Unti-unting bumukas ang pintuan. Ang kabang nararamdaman niya magmula pa kanina ay mas dumoble o tumriple pa sa mga oras na 'to. Hindi siya makapaniwala, na darating ang araw na maglalakad siya sa red carpet habang hinihintay siya ng lalaking pinakamamahal niya sa altar.

Muling bumalik ang mga alaala, mula sa masasakit  hanggang sa araw na hingin muli ni Roman ang kamay niya para sa kasal na ito.

“T-Thank you, Emilia. I wish you all the best," ani Kristina nang magpaalam siyang aalis na. Ngiti at tango lang ang isinagot ni Emilia. Sa huling pagkakataon ay nagyakapan silang dalawa bago ito umalis at lumipad papuntang ibang bansa.

Nang sumapit ang hapong iyon ay tumulong siya sa paghahanda ng kanilang hapunang pamilya. Ngunit natigilan siya nang may mag-door bell sa kanilang gate. Nagpresinta siyang buksan ito. Kaya agad niyang tinungo ang labas ng bahay at pagbuksan ang hindi niya inaasahang bisita.

“Agatep?!” gulat niyang sabi nang makita ang binatang naging kaibigan niya sa Isla, nakasuot ito ng polong puti at itim na slacks. May nakaparada ring mamahaling kotse sa gilid ng kalsada.

"Magandang hapon, ma'am."

"A-Ano'ng ginagawa mo rito?" agad na tanong ni Emilia sa binata. Hindi siya makapaniwala na nandito ito ngayon.

"Sinusundo po kayo," sagot niya. Kumunot ang kaniyang noo at nagsalubong ang mga kilay dahil sa naguguluhan siya.

"Ano'ng ibig mong sabihin? Hindi kita maintindihan."

Napakamot sa likod ng batok nito si Agatep at nahihiyang ngumiti kay Emilia. Nais man niyang sagutin ang tanong niya pero sinabi sa kaniya ng amo na huwag na huwag sasabihin sa kaniya ang dahilan kung bakit siya nito sinusundo.

"Bawal ko pong sabihin, eh. Ang sabi lang ay sundiin ka."

Napahawak sa baywang niya si Emilia at mas lalong pinagsalubong ang kaniyang kilay. "Sabihin mo muna kung ano ang ginagawa mo rito sa syudad at bakit ibang-iba ang ayos mo ngayon."

Walang nagawa si Agatep at sinabi na niya rito kung bakit siya nasa syudad. Kinuha siyang personal driver ni Rowan dahil matumal na raw ang isda sa islang pinagmulan niya. Kaya nagpapasalamat siya na tinanggap siya nito at mabuti na lang dahil minsan na rin siyang naging driver sa isang kompanya noon sa Isla.

"Nasaan sina Anya at nanay Asunta?" tanong pa ni Emilia. Kasalukuyan na silang nasa loob ng mansion.

"Nasa Isla pa rin sila." Tumango lang si Emilia. Nagpaalam siya na magpapalit muna ito ng damit dahil iyon ang sinabi ni Agatep na magpalit ng presintableng damit.

WIFE SERIES: The Annulment (Completed) [PUBLISHED]Where stories live. Discover now