Chapter 20

4.7K 133 13
                                    

Emilia

Martyr na ba ako kung tawagin? Dahil sa araw-araw na nagsasama kaming dalawa ay araw-araw din akong nagbubulag-bulagan. Simula kasi nang magising ako sa katotohanang hindi niya ako kayang mahalin pabalik kahit kailan, naging manhid na rin ang puso ko sa sakit. Kahit na minsan, nasasaktan pa rin ako sa tuwing nakikita ko silang dalawa, iniinda ko ‘yun at pinipilit na kalimutan.

“Momma, it was papa! Let’s go back there and talk to him.”

“Nak, hindi si papa mo ‘yun. namamalikmata ka lang,” sagot ko sa kaniya. Sakay na kami ng tricycle nina nanay Asunta at papauwi na kami sa bario. Ngunit itong si Rowan ay kanina pa niya sinasabi na ang ama nito ang nakita niya.

“B-But, I know it was him. I know it was his shirts and I know it his friend Kristina.”

Hindi ko na lang ito pinansin at nang makarating kami sa bario ay agad kaming nagpaalam sa kina nanay Asunta. “Maraming salamat po sa pagsama sa amin, ‘nay.”

Ngumiti si nanay Asunta at nagulat ako nang kunin nito ang pareho kong mga kamay. Nasa lupa kasi iyong mga pinamili namin. “Nak, makinig ka sa akin. Kung ano man ang hindi niyo pagkakaintindihan, palagi mong ipapaliwanag sa kaniya ang lahat at pakinggan mo rin ang paliwanag niya. Sa paraang ‘yun, magiging maayos ang ugnayan niyong dalawa.”

“S-Salamat po pero ayos lang naman po ang lahat,” sabi ko sa kaniya ngunit umiling lang ito.

“Nakikita ko sa mga mata mo, Emila. Kahit hindi mo sabihin kung ano ang nasa likod ng mga ngiti mo, alam na alam ko. Ganyan na ganyan kaya ‘yung mga pinapanood kong telenovela.” Binitiwan na niya ang mga kamay ko. “Oh siya, magpapaalam na kami. Kung may kailangan ka, h’wag kang mahihiyang pumunta sa bahay.”

Tumango lang ako at umalis na sila. Sa tapat ng bahay nila kami inihatid at nang mawala na sila sa paningin namin ay agad akong bumaling sa anak ko. Nakaupo na ito sa kalsada at nakanguso habang nilalaro ang lupa.

“Rowan, marumig ‘yan,” suway ko ngunit hindi niya ako pinakinggang. “Gusto mo ba ng masarap na tinolang manok mamaya?” Napangiti ako nang mag-angat ito ng tingin at ngumiti.

“Talaga, momma?” Tumango ako. Kaya dali-dali siyang tumayo at kinuha ang isang supot sa lupat. “Tara na po. Let’s prepare for our dinner later.”

Tumawa ako at saka sumunod na sa kaniya nang mauna itong maglakad. Pumasok kami sa loob. Iniwan ko siya sa sala at sa kusina ako dumiretso. Mag-a-alas-singko na nang hapon kaya kailangan ko pang maghanda ng hapunan naming tatlo. Tulad nang sabi ko kay Rowan ay nagluto ako ng tinolang manok at nagluto rin ako ng sinigang para naman kay Roman. Ito kasi ang paborito nilang dalawa.

Natapos kong ihanda sa hapag ang mga pagkain at saktong pumasok sina Roman at Rowan. Buhat-buhat nito ang bata habang papasok silang dalawa. Tahimik. Naupo ang mga ito sa harapan ng mesa at nagsimulang kumain. Tumingin ako kay Rowan ngunit nakatingin lang din ito sa kaniyang pagkain.

“You should eat too. Don’t mind him. Pagod lang siguro sa lakad niyo,” sabi ni Roman at may iba sa boses niya. Kaya kahit kinakabahan ako ay naupo na rin ako sa aking puwesto. Tahimik lang kaming tatlo at nangangahalati na ako sa pagkain ko nang magsalita si Roman.

“Pagkatapos mo. Patulugin mo na ang bata. I’ll do the dishes,” anito. Marahan lang akong tumango dahil sa kabang nararamdaman ko. Hindi ko kasi maintindihan ang biglaan nitong pakikitungo sa akin at maging ang anak ko ay tahimik din sa pagkain.

“Rowan…Ba’t ang tahimik mo?” tanong ko rito. Nakahiga na kaming dalawa sa kaniyang kama at pinapatulog ko na siya. Kaya naman niyang matulog mag-isa ngunit iyon ang sabi ni Roman.

“W-Wala po, momma. Pagod lang po siguro ako. Good night po,” aniya at ipinikit na ang kaniyang mga mata.

Bumuntonghininga na lang ako at ipinagpatuloy ang paghaplos sa kaniyang malalambot na buhok. Kinakantahan ko rin ito hanggang sa maramdaman ko na ang malalalim niyang hininga at ibig sabihin ay malalim na itong nakatulog. Bago ako umalis sa kaniyang kama ay hinalikan ko muna ang kaniyang noo. Inayos ko ang kumot nito at saka ako umalis doon.

"You saw us." Muntik na akong mapatalon dahil sa gulat. Napahawak ako sa akijg dibdib at saka siya masamang tinignan. Nakasandal ito sa pader habang nakahalukipkip ang kaniyang mga kamay sa dibdib.

"B-Ba't ka ba nanggugulat?" Bumuntonghininga ako.

"I-I'm sorry..." Natigilan ako dahil nakaramdam ako nang sinseridad sa kaniyang boses. "I just wanna ask kung totoo iyong sinabi ng anak natin. You saw us, right?"

Yumuko ako dahil sa biglang paninikip ng dibdib ko. "H-Hindi namin sinasadya. S-Sumama lang kami kay nanay Asunta para mamili ng mga gamit ni Rowan sa eskwela. 'Wag kang mag-aalala, n-nasabi ko naman sa bata na hindi ikaw iyon kaya puwede-"

"Emilia..." Tumigil ako at unti-unting inaangat ang tingin. Nagtama ang mga mata namin at ang kaninang kabang nararamdaman ko'y hindi ko na maintindihan ang takbo. Kakaiba ang tono ng boses nito. "You don't have to explain. Ako dapat ang magpaliwanag sa 'yo. It was a meeting together with other employees pero nauna kaming dumating ni Kristina. There's nothing between."

"H-Hindi ka galit dahil nakita ko kayo?"

"Why would I? Ikaw dapat ang tinatanong ko niyan. Hindi ka ba galit?" Umiling ako.

"W-Wala naman kasi akong karapatan na magalit. D-Desisyon mong makipagkita sa kaniya. Sa susunod, hindi ko na kayo hahayaang makita-"

"Kapag hindi ka titigil, hahalikan kita." Biglang nanlaki ang mga mata ko at itinikom ang bibig. Nakita ko ang pagngisi nito.

Agad ko siyang iniwan doon at nagmadaling pumasok sa aming kuwarto. Pagkasarado ko sa pinto ay napahawak ako sa aking dibdib dahil hindi na tumigil ang pagkabog nito.

"Hey! I was just kidding. Masyado ka kasing seryoso."

"K-Kung hindi ka pa matutulog. Doon ka muna sa sala. Manood ka ng TV o kung a-ano!" Narinig ko ang pagtawa nito sa kabila ng pintong nakasarado.

"Fine but let me bring my laptop, please?" Napalunok ako. Gusto kong huwag siyang papasukin dahil baka lumabas na ang puso ko sa aking dibdib ngunit kuwarto namin itong dalawa. Kaya wala akong nagawa kun'di ang humarap sa pinto at pagbuksan iyon.

"B-Bilisan mo," sabi ko rito. Sinundan ko siya ng tingin nang pumasok siya sa loob. Kinuha naman nito ang kaniyang laptop at naglakad ulit pabalik sa pinto. Ngunit hindi siya tuluyang lumabas dahil tumihil pa ito sa harapan ko. "B-Bakit?"

"You're blushing." Mabilis itong lumabas habang tumatawa. Napansin ko pang tila may binubulong ito ngunit hindi ko naman marinig.

Nakahinga lang ako nang maluwag nang maisara ko na muli ang pinto. Napasandal ako roon at napahawak sa namumula kong pisngi. Nakakahiya!

Bago pa man ako maabutan muli ni Roman ay agad na akong pumasok sa banyo para maglinis ng katawan.

WIFE SERIES: The Annulment (Completed) [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon