Chapter 8

4.4K 150 18
                                    

Emilia

Tatlong araw na magmula nang makarating kami rito sa isla. Tatlong araw na katabi ko si Roman sa iisang kama, kasama namin siya sa bahay at nakikipaglaro sa anak namin. Alam kong bumabawi siya sa mga nagdaang taon. Magkasama naman sila palagi noon sa bahay sa Sout Ridge Village pero hindi sila madalas mag-usap. Dahil palaging abala si Roman sa kaniyang laptop noon na hindi ko alam kung bakit.

Nakapamili na rin kami ng mga groceries para sa bahay at iilang gamit na kakailangin namin. Tila bago pa kasi itong bahay at halos walang mga gamit maliban sa mga cabinet na walang laman. Nagtanim din ako ng mga halaman at gulay sa paligid para kahit papaano ay maganda tignan itong bakuran sa labas ng bahay.

Hindi ko nga alam kung bakit nagtanim pa ako. Kasi hindi naman kami mananatili rito nang matagal. Hahanap lang ako nang pagkakataon na makausap si Roman para makabalik na kami sa syudad at makapag-file na ng annulment. Dahil sa tuwing ginagawa kong kausapin siya'y hindi niya ako sumasagot at hindi ko alam kung bakit.

Mas maganda nga iyon para tuluyan na siyang makalaya at mapakasalan na niya ang babaeng tunay niyang mahal. Hindi niya kailangan na pahirapan pa ako ng ganito dahil ako na ang kusang bumibitaw. Mahal ko siya ngunit hindi sapat ang pagmamahal ko para manatili pa at saktan nang paulit-ulit ang sarili ko.

"What are you still doing there, Emilia? Magtatanghalian na, wala ka bang balak na magluto ng pagkain?" Lumingon ako sa likuran ko at nakita si Roman na nakakunot ang kaniyang noong nakatingin sa akin.

Sa loob nang tatlong araw na pagsasama namin dito ay hindi pa rin naman nagbabago ang pakikitungo nito. Ngunit nababawasan na iyong masasakit na salitang sinasabi nito.

"P-Pasensiya na. Binabantayan ko kasi si Rowan dahil naglalaro siya kasama ng mga anak ng kapitbahay natin," sabi ko. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa isang plastic na upuan. "S-Sige. Magluluto lang ako. Pakitawag na lang si Rowan para sa akin."

Mabuti na lang at tumabi ito sa pinto para makadaan ako. Kaya mabilis kong binuhat ang upuan at naglakad papunta sa pintuan. Bago ako tuluyan makapasok sa loob ay hindi nakatakas sa pang-amoy ko ang pabango nito.

Hindi naman kasi siya sa naglalagay nang pabango sa katawan noon at hindi ko alam kung bakit ngayon ay naglalagay na siya. Aminim ko man o hindi, nagugustuhan ko ang amoy nito hindi katulad noon na amoy sigarilyo siya at alak.

Inabala ko ang sarili ko sa kusina. Nagsaing ako at nagluto ng uulamin namin ngayon. Ito lang naman ang gawain ko rito, nagluluto, nililinisan ang buong bahay, naglalaba at dinidiligan ang mga tanim ko sa labas. Habang ang mag-ama ay naglalaro lang at nag-uusap. Hindi naman ako nagrereklamo dahil pakiramdam ko'y bumabawi si Roman sa bata ngunit may kaunting kabang nabubuo sa dibdib ko na baka kinukuha nito ang loob ni Rowan at ilayo sa akin.

Ayokong mangyari iyon. Si Rowan na lang ang natitirang pamilya ko. Siya na lang ang sasandalan ko bukod kay Andoy na kaibigan ko. Kaya hindi ko hahayaan na ilayo niya sa akin ang bata dahil para na rin niyang hinuhugot paunti-unti ang aking hininga.

"Momma, look at me!" Napatingin ako rito at nakita kong nakatayo anak ko sa tabi ng kaniyang papa.

"Nakung bata ka! Ano'ng ginawa mo?" sabi ko rito at naiinis na tinignan si Rowan ngunit ngumiti lang ito habang itinaas pa ang kamay niyang may nakasuksuk na mga tsinelas sa kaniyang braso. Marumi rin ang suot nitong damit at ang mukha nito'y madungis din.

"We played langit-lupa po tapos ako ang taya at hinabol sila. Ang saya po, momma!" sabi nito  at kitang-kita ko ang saya sa kaniyang mga mata.

Napangiti ako bago tumingin kay Rowan na nakatingin din pala sa akin. Kaya napaiwas akong muli. Noon pa man ay hindi ko na kayang makipagtitigan sa kaniya nang matagal dahil para nitong hinahalukay ang buo kong pagkatao sa paraan nang kaniyang pagkakatitig.

"P-Pakilinisan na muna siya. Malapit na rin namang matapos itong niluluto ko," sabi ko at saka mabilis na tumalikod sa kanilang puwesto.

"Let's go, young man. I'll clean you first before we eat lunch."

Hindi ko naramdaman ang presensiya nila kaya muli ko nang inabala ang sarili sa kusina. Naghanda na rin ako ng mga plato at kutsara sa hapag nang maluto na ang niluluto ko.

Sakto namang dumating ang dalawa na nakapagpalit na ng damit si Rowan. Inalalayan niya itong maupo sa isang high chair bago siya naupo sa tabi nito. Nagsandok na rin ako nang kanin at saka kami kumain matapos mag-pray ni Rowan.

Tahimik lang kaming tatlo na tanging ang mga kubyertos lang ang naririnig mong ingay. Ganito naman kami palagi, tanging ang anak lang niya ang maingay sa tuwing kumakain kami. Hindi ko nga alam kung saan nakuha ni Rowan ang pagiging madaldal niya dahil hindi naman ako masyadong nagsasalita.

"I will be working starting tomorrow." Natigilan ako dahil sa narinig ko. Kaya naingat ko ang aking ulo para salubungin ang tingin ni Rowan.

"A-Anong trabaho mo? S-Sa syudad ba?" sunod-sunod kong tanong dahil hindi ko naman makuha ang ibig nitong sabihin bukod sa magtatrabaho na nga siya bukas.

"No. Kaya tayo nandito dahil sa trabahong nakuha ko. I have a project here that my friend gave me," sabi niya.

Naguguluhan pa rin ako ngunit bigla kong naalala na isa nga pala siyang Engineering student. Hindi ko lang alam kung itinuloy niya ba iyong pag-aaral niya dahil studyante pa lang naman siya noon nang ikasal kaming dalawa.

Gusto ko sana siyang tanungin kung papaano siya nakakuha ng trabaho pero pinigilan ko na ang sarili ko. Baka isipin na naman niyang kinukuwestiyon ko ang mga desisyon niya. Kaya hinayaan ko na lang ito.

"C-Congrats. Masaya ako para sa 'yo," sabi ko sa kaniya at nagpatuloy sa pagkain ngunit muli akong natigilan dahil sa sinabi nito.

"I studied online because I wanted to fulfill my promise to my parents to become an Engineer someday."

Bigla kong naisip noon ang pagiging tutok nito sa kaniyang laptop. Wala naman kaming wifi sa bahay dahil hindi ito sapat sa gastos namin noon. Araw-araw ay sa kaniyang laptop lang siya nakatutok at sa tuwing nililinisan ko ang kuwarto nito'y maraming nagkalat na mga papel. Hindi ko naman alam na nag-aaral pala siya noon.

"Pasensiya ka na," bigla kong sabi. Gusto kong humingi nang tawad dahil alam kong kasalanan ko rin naman kung bakit kami nauwi sa ganito. "Pasensiya ka na dahil nagpakita pa ako sa 'yo noon para sabihin sa 'yong buntis ako. Kung hindi ko lang sana ginawa iyon ay sana hindi ka mahihirapan na tuparin ang mga pangarap mo."

Parang may nakabara sa lalamunan ko habang sinasabi iyon sa kaniya. Mabuti na lang at hindi kami napapansin ng anak namin na abala sa kaniyang kinakain dahil baka magtaka ito kung bakit may butil ng luhang lumandas sa mata ko. Mabilis ko itong pinunasan.

"P-Pero huwag kang mag-aalala. Tatapusin na rin naman natin ang lahat. Hindi na kami makakaabala pa sa 'yo at malaya mo nang maabot ang mga pangarap mo."

Nakita ko ang pagsama ng tingin nito sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero ang kaniyang ekspresiyon ay nag-iba. Iyong Roman na malamig ang tingin ay tila nagpapakita nang emosiyon sa kaniyang mukha.

"Why are you always insisting that fcking annulment?! Hindi ka pa ba masaya na finally, I got my job at kaya ko na kayong buhayin? Hindi ka na ba masaya sa akin, Emilia. Kaya mas gusto mong makipaghiwalay and finally you can be with that guy freely?"

Sa pagkakataong ito'y sinamaan ko siya ng tingin.

"N-Nasa tabi mo lang ang bata, Roman. Kung iyon lang pala ang sasabihin mo habang kumakain tayo. Congrats!" Ibinagsak ko ang hawak kong kutsara at tinidor. Mabilis akong uminom ng tubig at saka tumayo mula sa pagkakaupo.

Nilapitan ko ang bata at saka tinulungan itong makababa sa kaniyang upuan. Mabilis itong naglakad papalabas kahit hindi ko man sinasabihan.

"S-Sana kung wala kang magandang sasahihin sa akin ay huwag sa harapan ng anak ko, Roman. Dahil hindi mo alam kung ano ang nararamdaman niya." Hindi ko siya nilingon dahil agad kong sinundan ang bata sa labas ng kusina.

WIFE SERIES: The Annulment (Completed) [PUBLISHED]Where stories live. Discover now